Chapter 11

95 5 1
                                    

Heuth

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. nandito ako ngayon sa bahay kasi nga wala kaming pasok, wala naman akong magawa kaya nasisipan kong magmukmuk nalang sa kwarto. Pagod kaya ako.

Galing sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay dali-dali kong ibinagsak ang kabuuan ng aking katawan sa kama. Tumingala ako sa kesame at inalala ang nangyari sa El BARdo.

Ilang araw narin ang nakalipas simula nang mangyari iyon ay di'ko parin malimutan ang mga lalaking nakaitim. Iba man ang pinangyarihan alam ko sa sarili kong parehong-pareho naman ang postura nila. Men in black.

Nakakapagtaka lang kung bakit nila pinupuntirya ang Section D? May ginawa ba ang mga bakulaw na yun at talagang tinutugis sila ng mga lalaking nakaitim? Isa narin yung babaeng staff kuno.

Napabuga ako ng hangin. Simula ng makauwi ako dito sa Pilipinas puro nalang problema o di naman kaya'y gulo ang kinahaharap ko. Napanguso tuloy ako. Nakakapagod rin kayang sumuntok, sumipa at syempre magisip.

Nag-aalala nga rin ako kay Cien, buti nakalabas na siya kinabukasan matapos niyang madala sa hospital. May balak atang sumunod sa yapak ng Dada niya ang batang yun.

Nagising ako mula sa pag-iisip ng mag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito.

"Helloooo..." napapikit ako, itong batang kumag talaga oh! Nagtutunog multo.

"Cien! Ayusin mo nga yang boses mo! Para kang multong natatae!" Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakanguso na ito ngayon. Rinig ko panga ang pagdadabog nito eh.

"Halloween na  kaya! Trick or treat! Hehehe"

Ang bilis...parang kailan lang ng makapasok ako sa school. Tapos heto? November na? Aba time is gold nga!

At may na-realize ako, sobrang late na pala ng pagpasok ko. Late comer na ako kung matatawag, buti at tinanggap pa ako ano? Will perks of being Heuth. Don't me!.

Halloween na, kaya pala ang mga kapitbahay namin may kung ano-anong disenyo ang nilalagay sa pinto, gate o maski sa loob ng bahay nila. Ang weird nga eh. May duwendeng statwa ang nakatayo sa magkabilang gilid ng gate na may bitbit pa ng malaking tinidor. May nakasabit rin kung anong paniking peke sa bawat pinto nila, may kalabasa ring hinugisan ng mukha, nilagyan rin nila ng candle sa loob nito para pag-gabi nagmimistulang buhay ito-este! Umiilaw pala. Like seriously? Para ho sa mga yumao ang undas. Hindi sa mga kung ano-anong insektong lumilipad o di naman kaya'y pagf-farming para magtanim-ay! Magdisplay pala sila ng kalabasa.

"Napatawag ka Cien?" Tanong ko sa kanya.

Hula ko! May kailangan to sakin.

"A-ahmm...Heuth..." Naglalambing niyang sabi. "Pede samahan mo ako?... Magp-pa-"

"-party!? Totoo? Saan naman yan?" Mahinang itong humagikhik sa kabilang linya.

"Actually... Sa Halloween kids party..."

"Ano? S-seryoso ka diyan? Hindi kana bata! Cien." Narinig ko ang buntong hininga niya.

Ang Section D  Barkada Series#1 (Ongoing)Where stories live. Discover now