Prologue

380 7 0
                                    


"Ma'am? We gotta go, the pilot is already waiting" sabi nang kanang kamay ng aking butihing ama.

"Yeah!" Malamyang sabi ko tsaka sumunod sa kanya na bitbit ang iilang bagahi ko.

I've stayed for almost a month here in Korea for some businesses, and today is my flight going back to Philippines. Masyado madali ang oras at di'ko namalayan na babalik na ako sa Pilipinas para magsimula ng bagong kabanata ng aking buhay.

Inihilig ko ang aking ulo sa bintana ng plane namin, we have private plane kaya mapapadali lang ang pag-uwi ko. Wala naman sigurong traffic sa ere diba?.

Malaya kong tinitigan ang kaygandang mga ulap na nagsusumayaw kasabay ng pagbugso ng hangin, kay gandang tanawin, pinag-pala talaga tayo ng Diyos. Sa pagtatanaw ko sa mga ulap ay di'ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Shit! What happened?" Nagising nalang ako na may putokan ng nagaganap sa pagitan ng body guards namin at sa di'ko malamang kalaban namin. Hinugot ko kaagad ang baril na nakatago sa boots kong suot.

"There's an ambush! Protect Ms. Riogrande!" Sigaw nito sa mga kasamahan niya na agad namang tumalima at pinotrektahan nga ako.

"We need to get out of here"

"Yeah! And get shot outside!" Sarkistong sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga ito saka nagpaunang lumabas upang siguraduhin ang seguridad ko.

Sumunod naman ako sa kanya at inihanda ang baril ko. Pagbaba ko palang pinaulanan naagad kami ng bala. Tsk! Mga Lintek! Tinira ko ang bawat madadaanan ng paningin kong kalaban. Purong nakaitim ang mga ito at may balabal sa mga mukha nila. Sino ba ang mga to? Nakakainis na talaga!.

Humanap agad kami ng malulusotan namin palabas sa lintek na barilan nato. Buti at lumalapag kami sa pribadong lugar na para lang talaga sa pamilya namin kung hindi marami na atang nadadamay na mga inosenteng tao ngayon.

May biglang sumugod saking lalaking nakaitim na may hawak na patalim at handang isasaksak sakin kaya agad akong umiwas rito dahilan para mapunta siya likuran ko, kaagad akong umikot paharap sa kanya at binigyan siya ng sipa saka binaril.  Tumakbo ako papunta sa kanang kamay ni papa na si Won na ngayon ay may handang barilin siya, kaya inunahan ko na ang babaril sana sa kanya.

"Who the f*ck are they?"

"I didn't even know a thing Miss" Inis kong pinagpuputukan ang bawat masasagi ng paningin ko. Umiinit talaga ang ulo ko sa mga taong to. Mga hangal sa tingin nila ganun nalang nila kami kadaling patumbahin. Pwes! Mali sila!.

Sinalo ko ang suntok na papunta sakin, pinaikot ko ang braso ng lapastangang ito. Narinig ko pa ang patunog ng nabaling buto, umikot ako papuntang likuran niya, saka nilagay sa likod niya ang kanang paa ko at buong pwersang iningudngud ang mukha niya sa sahig.

"Sinong nag-utos sanyo? Sagot!" Nanggagaliiting tanong ko dito.

"Bwahahaha bakit ko naman sasabihin sayo ha?! Mabuti nalang patayin mo na ako! Wala kang mapapala sakin"mas idiniin ko pa ang pagtapak sa likod niya dahilan upang mapadaing ito.

"Isa pa! Sino ang nag-utos sanyo?" Wala akong nakuhang sagot sakanya kundi ang parang nababaliw niyang tawa.

"Sabi ko na sayong kahit pahirapan mo pa ako wala kang mapapala sakin!" Inis kong tinutok dito ang baril ko tsaka walang pag-aalinlangang binaril ito.

Tatayo na sana ako ng isang bagay ang nagpalaki sa mga mata ko.

BANG!

Putok ng baril

Yan ang sandaling nagpahinto sa ikot ng mundo ko, nakaawang ang labing napahawak ako sa tagiliran ko nang maramdaman ko ang likidong dumaloy mula rito. Nanginginig ang kamay tiningnan ko ito at nakita ko ang kamay kong may dugo na galing sa tagiliran ko.

Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko habang walang habas sa pagtulo ang dugo ko, kahit nangingining man ang mga kamay ko ay pilit ko paring itinutok sa bumaril sakin ang aking baril na kahit sa ganitong paraan ko man mabalik sa kaniya ang kalaspatangang ginawa niya sakin. Walang pag-alinlangang pinutok ko ang baril sa kanya, ayun head shot!. Matapos kong mapatumba ang bumaril sakin ay siya ring panghihina ng tuhod ko kaya napaluhod ako sa semento, namanhid ang buo kong katawan, kahit anong gawin ko ay wala akong maramdaman pati ang nakapaligid sakin ay parang huminto ang ikot nito. Habol ko narin ang aking paghinga, nanlalabo narin ang mga mata ko, nabibingi narin ako tanging matinis na tunog na lamang ang aking naririnig at ang sunod na nangyari ay bumagsak na ang aking katawan sabay non ang pag-bigat ng talukap ng aking mga mata.

Then all become hopeless, numb, and dark

Iniisip ko pano ba ang buhay ko kung di nalang ako isinilang na nananalantay ang isang dugong simula palang pagmulat ko ay kinamumuhian ko na.

Hindi ko sana isasapilitan ang sarili kong makibagay sa mundong! Kung iisipin ay di naayon sakin.

Pero kung hindi ako nabuhay sa mundong to! Hindi ko matatagpuan ang mga kaibigan na handang damayan at tumanggap sakin. At di kita makikilalala.

Ikaw na walang ginawa nong una palang kundi ang bwesitin ako! Asarin at kung ano-ano pa kaisipang panbata ang ginawa mo.

Pero nabago ang isip ko. Binago niyo, pinaniwala niyo kung walang mas hihigit pa kundi samahan. At pinaniwala mo rin ako na kaya kong tumaya.

Kung sakaling  hindi ako nabuhay hindi ko masisilayan ang ganda ng mundo kasama kayo. Kayo, Ang Section D na naging karamay ko sa sakit, hirap, kasawian at bakbakan. Naisip ko palang na di niyo ko iniwan ay masaya nako.

Pero di'ko alam kung pano. Pano kung di ako nabuhay? Pano kung di'ko kayo nakilala? Pano kung ang pagkatao ko ang makakasira at magpapahamak mismo sakin?

Makakayanan ko pa kaya? Makakayanan ko pa bang tumaya? Isakripisyo? Ibalewala ang samahan na nabuo natin.

Dahil lang sa iba ako, iba ang kinagisnan ko, iba ang ang pinaniniwalaan mo, iba ang pamamaraan ko at iba ako sa lahat.

Ito ang magiging simula ko kasama Ang Section D, section kung saan nabuo, hindi dahil decision ito ng namamahala sa school. Kundi ang estudyante mismo, sila mismo ang gumawa ng paraang mabuo ito. Kumpleto na ika nga nila ang section nila, pero isang iglap umiba ang ihip ng hangin, dala-dala ang panibagong delubyo  sa nanahimik nilang Section. Ngunit delubyo nga ba ang dala? O ito mismo ang magbibigay inspirasiyon sa kanilang pagsasamahan ay di nahihigitan kahit daang-daan pang sakuna ang dumating sa buhay nila.

Subaybayan nyo kung pano maging mapaglaro ang tadhana sa kanilang  paglalakbay.....

Magandang buhay! Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito. Wala nakong hahangarin pang iba kundi ang masayahan, mag- enjoy at magustuhan nyo ang story to na galing sa malikhaing imahinasyon ng inyong minamahal na Author.

     Love lots❤...

Don't forget to, vote, comment and follow me for more UD. Thank you!

Ang Section D  Barkada Series#1 (Ongoing)Where stories live. Discover now