"That's impossible."

I grins. "That is possible. Basta huwag ka lang epal masyado. Just stay here inside your freaking office and don't ever disturb me."

"You are the ace of your department. They told me you'll be the one who can teach me about the business."

I stared at his eyes. "We have Rochelle here na bida bida. Para siyang fiance mo na mainit ang dugo sa akin. She's the she-knows-everything. She can help you with that. Don't you remember her? Iyong pina-asikaso mo nang jewelry na ibibigay mo sa fiance mo with a letter K pendant. Sinabihan mo pa siya na direct na mag-report sa 'yo at huwag nang dunaan sa akin about your order so close naman siguro na kayo."

Tumaas ang isang kilay niya. "But I want you."

"Want you mo mukha mo, fucker." I said. "I'll be back at my work. I will notify Rochelle about your request."

"Cassidy."

"And stop calling me by my full name." Asik ko. "Paulit ulit nalang, ha!"

I walked out of his office. Nagkakagulo na sa area namin dahil maraming pagkaing dumating.

Lumapit ako kay Rochelle. Tinaasan pa ako ng kilay ng gaga. Ahitin ko kaya ang kilay niya kapag na-bored ako?

"O bakit?" Tanong niya. Nameywang pa.

"Huwag mo akong tarayan ngayon, badtrip ako. Baka mapagdiskitahan ko ang kilay mo."

"Masaya ka na ba na napaalis mo si Mrs. Mercado, ha?"

"Gaga, nilipat lang temporarily. Medyo bobo, Rochelle ha." Sabi ko. "Ikaw ang magturo ng lahat kay Mr. Palermo. Lagat tungkol sa FF Jewelry tutal nagmamagaling ka 'di ba?"

"Bakit ako? Ikaw ang itinuro nila."

"Bakit ikaw? Dahil deserve mong saluhin ang inayawan ko. Huwag ka nang magpanggap na ayaw mo. I know you want it. Bida bida ka e."

"Alam mo, Cass? Kung wala lang tayo sa trabaho, baka nasabunutan na kita."

"Alam mo, Rochelle? Kung wala lang tayo sa trabaho, kinalbo na kita." I said imitating her voice. Pabebe.

Halatang halatang sa mukha niya ang panggigigil.

"Ayaw mo ba? Sabihin mo lang, ibibigay ko nalang sa iba ang trabahong iyon."

"Ako na!" Mabilis na sabi niya. "Tutal ako ang top employee this month. Ako ang highest sale kaya ako lang ang may karapatang gumawa ng trabaho na 'yan. Ma-e-explain ko lahat lahat ng tungkol sa FF Jewelry."

Nagkibit-balikat ako. "Walang nagtatanong."

Iniwan ko na siya saka bumalik sa table ko. Kitang kita ang excitement sa mukha niya. Tumayo siya saka inayos ang sarili. Akala mo naman may igaganda pa.

Pumunta na siya sa office ni Aries saka kumatok ro'n.

Inalis ko na ang tingin. Wala akong pakialam sa lalaking 'yon. He is a legit fucker. He don't deserve my attention.

"Cass, kain tayo! Grabe, ang daming foods. Nilubos nila ang pag-order ng kung ano ano." Sabi no Harlene.

Ngumiti lang ako.

"Kumusta ang meeting with Mr. Palermo alone?"

"Wala naman. Ipinasa ko kay Rochelle ang trabahong i-orient siya about FF Jewelry."

Hinawakan ni Harlene ang nga kamay ko. "Bakit naman, Cass? Pagkakataon mo na para ma-solo siya sa office niya!"

Ngumiwi ako saka inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Hindi ko 'yon pinangarap."

Casanova's Club #3: Beast in HimWhere stories live. Discover now