Tumayo siya at naglakad palabas. Sumunod yung dalawa. At naka cling sa braso ni Zean.

"Penge kami Master Zean kahit kunti lang." -Smoke

"Wag kang greedy. Sa amin na lang 'yan! Please gutom na ako eh!" -King

"HEY! PINAGHIRAPAN KO 'YANG GAWIN TAPOS IPAPAKAIN MO LANG SA ASO?! WALA KA TALAGANG PUSO'T KALULUWA!" Nagwawala na ako sa kakasigaw. Ewan ko kung narinig niya ako.

Umamin ako ng feelings ko tapos kung tratuhin niya ako parang gaya pa rin ng dati. Hindi ba siya marunong Magpaka-SWEET? Kahit minsan lang. Kakabanas! Kapag devil, walang magbabago 'don devil pa rin. Bakit ang hirap ilarawan ang ugali ng mga bad boy?

Padabog na lumabas ako ng Clubhouse.

Tyrone's POV

"Baboy para sayo. Nagbake kami ng cake kanina sa baking class. Sana magustuhan mo." Nakangiti niyang inabot ang isang box sakin. Tinignan ko lang 'yun.

Napakamot ako sa batok. "Haha. Di ko naman birthday!"

Paano ko ba dapat sabihin ng hindi siya madi-dissapoint? Masayang masaya pa naman siya habang binibigay sakin ang box ng cake.

"Bakit may batas bang nagsasabing bawal bumigay ng cake kung hindi birthday?!" Mataray niyang tanong.

"Hindi sa ganon pero hindi ako kumakain ng sweet." Ngumiti ako ng pilit.

"Huh?" Sumimangot siya. Hindi niya ini-expect na iyon ang sasabihin ko.

"Pero sigurado ako masarap 'yan! Akin na kakainin ko."

"Bahala ka!" Galit na ibinigay niya sakin ang kahon, "Wag kang plastik kung ayaw mo kainin, wag mong pilitin sarili mo!"

Iyon lang at nagdadabog siyang lumabas ng klassroom. Napahawak ako sa sintido ko sa sobrang inis. Tinignan ko yung heart strawberry cake.

"Sorry cake, alam ko masarap ka naman eh pero hindi talaga ako kumakain ng cake. Hindi ikaw ang problema kundi ako!" Bumagsak ang ulo ko sa desk.

"Ty, umiiyak ka ba?" May biglang tumapik sa balikat ko. Umangat ang mukha ko. Si Jea pala. Umupo siya sa katabing upuan.

"Wala."

"Wee? Wala? Eh halos masasabitan na ng kaldero yang nguso mo. Anyway, Natikman mo na ba ang ginawang cake ni Dorine? Masarap diba?"

"Iyon ang problema ko."

"Ha? Bakit?" Takang-takang tanong niya.

Tinignan ko ulit ang cake, "I don't like ca--"

Naputol ang sentence ko ng biglang may bolang nakapatong sa cake. Sabay kaming napatingin sa kawawang cake. What the! Nasira ang cake ko! Sinong walanghiya ang lumapastangan sa cake ko! Pagtingin ko sa may pinto nakasandal siya then naglakad palapit samin. Tumayo ako.

"Oppss, May lagnat ako kaya dumulas sa kamay ko." Kahit hindi ko nakikita ang labi niya alam ko naka-smirked siya. Hayop!

"Ulol! Lukuhin mo Lilang mong bungol! Sinadya mo talagang batuhin ang cake ko!"

"Bakit angal ka? Sayo na lang yung tirang binigay ni Jea sakin."

Iniisip ba niya na ibinake ako ng cake ni Jea. Don't tell me nagseselos siya?

I looked at Jea then i gave her a meaningful smile, "You made a cake for him?"

She just bit her lips like she's embarass.

"Baliw! Si Dorine ang may gawa niyan!" Naiinis na sigaw ni Jea kay Zean.

He slowly glance at Jea. He's eyes was smiling. Nakapout 'to alam ko. Yung para siyang batang biglang napacute at lumilikot ang mata dahil mali ang hinala niya. Nagpapacute kay Jea.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon