Dapat nandito si Zycheia e. Dapat kasama ko siyang kumain, kahit 'yong awayin niya na lang ako at tarayan, ayos lang basta kasama ko siya. Kasi kaibigan ko siya e. Sinanay niya ako sa presensya tapos ngayon ay halos hindi na niya ako tignan pa. Bakit hindi nila magawang paniwalaan ang paliwanag ko sa kanila?
Vance comforted me only. Ni hindi ko nga alam na magiging ganito pala ang epekto ng ginawa ko. Kung alam ko lang sana ay hindi na lang ako umalis ng bahay at hindi na lang sana ako tumakbo patungo sa park, hindi sana kami nagkita ni Vance at hindi sana magagalit si Trina... hindi ko sana malalaman ang lahat.
"Ang lalim ng iniisip mo ah. Share it mo naman 'yan." Muntikan na akong mabulunan nang umupo sa tabi ko si Axl, may dala siyang pagkain at inumin. "'Wag mo aagawin pagkain ko ha. Tumakas pa 'ko sa college department para lang makasabay kang kumain." Aniya. Uminom ako ng tubig at pinunasan ang bibig ko.
"Sino bang nagsabing kumain ka rito?" Inis na sabi ko, parang ako pa ang may kasalanan na tumakas siya. "Shupee! Shupee! Hindi kita kailangan dito!" Pabiro kong pagtataboy sa kaniya pero ang totoo, sanay na 'ko sa kaniya, madalas ko siyang nakakasabay sa pagkain dahil loner na daw ako ngayon.
"Wow ah, parang hindi kaibigan kung itaboy ako. Haha, sige, sino ba naman ako para sabayan sa pagkain, isa lang akong hamak na estudyante." Pagdadrama nito. Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng tawa ko. Ngunit nawala rin 'yon, hindi dahil sa sinamaan niya ako ng tingin kundi pakiramdam ko ay may nakamasid.
"Oh, bakit? Lumalabas na ba ang kinain mo dahil sa kakatawa mo?" Tanong niya at nagsimulang kumain na. Hindi muna ako sumagot sa kaniya, inilibot ko ang paningin ko sa lugar. Wala naman akong nakitang kakaiba ngayon, lahat ng mga narito ay may kaniya-kaniyang ginagawa.
Nang maka-recover na ako sa kahibangan ko ay saka ko binalik ang tingin kay Axl. "Pangit mo naman. Ang pangit na nga ng araw ko, makikita pa kita. Pinalala mo lang." Pagbibiro ko saka ko tinuhog ang isang manok niya gamit ang tinidor ko.
"Hoy! Kinukuha mo, hindi naman sa'yo! Bili ka kaya! Hindi ka man lang nagpapaalam, magnanakaw ka ng ulam!" Aniya na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya. Tumawa na lang ako at binelatan siya.
Kinausap niya ako habang inuubos namin ang oras namin, kinakamusta niya ako, kung ayos lang ba ako, kung hindi na ba masama ang loob ko sa mundo. Ofcourse, I lied to him. I answered 'oo, ayos lang, maayos naman ang lahat, wala naman akong sama ng loob sa mundo, sa'yo, mero'n.' Pero ang totoo, hindi naman maayos ang lahat, walang maayos. Lahat ay magulo.
Sabay ang oras ng pasok namin kaya naman hinatid niya muna ako ng room bago siya bumalik sa departamento nila. My face emotion immediately turned into a cold one. Hinawi ko ang aking buhok at umupo sa pwesto ko, isinalpak ko sa aking tainga ang earphones at nagpatugtog na lang habang nagbabasa ng libro.
Hindi ko alintana ang mga nag-aalalang tingin nila. You all made me like this and now, you're worrying about me. How funny. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag-upo ni Kenji sa tabi ko, may dala siyang isang malaking chuckie at chitchirya. Walang salitang namutawi sa kaniya, basta niya na lang binaba iyon sa harapan ko.
I simply raised my eyebrow. Pinaglipat ko ang tingin ko sa kaniya at sa pagkaing dala niya bago binalik ang atensyon sa libro. He bit his lower lip, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi dahil sa kahihiyan. Hindi ko na nakayanan pa ang emosyon ko, bago pa 'ko mainis sa ginagawa niya ay tumayo na ako ngunit bago pa ako makahakbang ay hinawakan niya na ang kamay ko.
Kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata, ilong pati na rin ang tainga niya. I averted my gaze, I can't stand his face. Naaawa ako sa kaniya pero nawawala rin 'yon sa tuwing iniisip ko ang ginawa niya... ang ginawa nila. Pwersahan kong inalis ang kamay ko sa kaniya pero mabilis niya ulit hinawakan 'yon. Nanginginig ang kaniyang mga kamay, sinamaan ko siya ng tingin.
"Bitawan mo 'ko." Mariing utos ko sa kaniya pero mas humigpit pa ang pagkakahawak niya. "Ano ba, Kenji! Sinabing bitawan mo 'ko e!" Hindi ko na maiwasan ang pagtaas ng boses ko dahil sa galit ko. "Kapag hindi mo 'ko binitawan, sinasabi ko sa'yo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ko sa kaniya, kita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata niya.
"Yakie..." Tawag niya, naiiyak na. "Tanggapin mo lang 'tong mga binili ko... p-para sa'yo ang mga 'to... ako ang b-bumili." Garalgal ang boses niya habang sinabi 'yon. "A-alam kong g-galit ka sa 'kin... sorry na... g-gusto ko ng i-ibalik 'yung dati... shishūta..."
No... I can't. Hindi ko kaya. Hindi pwede... hindi pa.
Chapter 261
Start from the beginning
