"Do you think you can have the approval of our parents? Hinding-hindi ka nila iiwan mag-isa rito." Mahinahong sabi niya sa akin, umupo siya sa tabi ko at tinapik ang aking balikat. "I know that you still hate us. Alam kong mayroon ka pa ring sama ng loob sa amin." Tinitignan ko lang siya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

"Buti alam mo." I uttered. Ni hindi na ako nagdalawang isip na sabihin sa kaniya 'yon. "I am in the process of moving on, dahan-dahan ko ng tinatanggap ang lahat, Kio, kaya sana 'wag mo akong pangunahan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon. 'Wag mo naman akong pilitin na tanggapin ang lahat ng mabilisang oras lang." I pleaded.

"Hindi ka naman namin pinipilit na tanggapin ang lahat ng gano'n gano'n lang, all we wanted you to do is to leave with us and let us live in the place where our family is safe." Aniya pero hindi ko pa rin tinatanggap ang paliwanag niya. "Fine." Pagsuko niya. "Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo dahil alam namin kapag sinabi mong hindi ay, ayaw mo talaga." Tuluyan na siyang tumayo.

Ako itong nakatingin lang sa kawalanan at hindi siya sinulyapan man lang. Nanatili ang mga palad ko sa aking mukha hanggang sa marinig ko ang pagsarado ng pinto. Sa gabing iyon ay hindi na naman ako nakatulog dahil sa pag-iisip ko. Kung tama ba ang desisyon kong ginawa, kung tama ba na hindi ako sasama sa kanila.

Maaga rin akong nagising kahit puyat ako. Alien na ata ako dahil sa kaya kong mabuhay na tatlong oras lang ang pahinga. I took a bath and wore my uniform. Pagkababa ko sa sala ay nakaramdam ako ng lungkot dahil sa kawalan nito ng gamit. The house is now empty, there's no sofa, table and t.v.

Baliw na kung baliw ngunit nakikita ko ang sarili kong kumakain at nakikipagkulitan kay Mommy roon. Parang kailan lang noong masaya pa kami at walang nanggugulo sa amin, sa isang kurap, nagbago ang lahat. Napangiti na lang ako at napailing, hindi ko rin maibabalik ang oras kahit na anong gawin ko.

Madilim pa sa labas kaya hindi ko alam kung gising na ba sina Mommy o umalis na sila ng tuluyan. Hindi naman ako ganoon katamad kaya naman ako na ang nagluto ng almusal, pagkatapos noon ay mag-isa akong kumain bago pumunta ng banyo para magsepilyo. Kung titignan ay parang isang tipikal na araw lang ito pero hindi, napakalaki ng pagbabago ng buhay ko.

I took a deep breath before giving myself a sweet smile. Kung mag-isa na lang ako rito sa bahay, ayos lang sa akin, basta nasisiguro kong ligtas ang pamilya ko sa pupuntahan nila. Sinakyan ko ang bike ko sa pagpunta ng university. Isa pa 'tong pagsubok sa 'kin, araw-araw akong hinahamon ng mundo sa tuwing papasok ako rito.

Agad kong iniwas ang paningin ko nang makasalubong ko ang mga mata ni Asher pagkapasok ko sa room. As usual, I remove all of the emotions plastered in my face. I am cold to them, I can't even look at them because whenever I see them smile, I feel pain. I feel betrayed.

I can't understand why they can be happy without me in their side. Trina is still mad at me. Parang ang layo na ng mga kaibigan ko sa akin ngayon. Hindi ba, dapat ako ang galit sa kanila dahil sa ginawa nila? Pero bakit ako pa ang kailangang makaramdam ng panghihinayang?

"Very good, Sylvia." Saad ni Sir Almineo. Sa loob ng maraming oras namin dito, tanging lesson lang ang pinapakinggan ko. Ni ang mga kwento sa akin ni Kenji ay parang ayaw ko na lang pakinggan at paniwalaan. Unti-unting nauupos ang tiwala ko sa kanila sa pagdaan ng mga araw.

Dahil may baon naman akong pagkain, hindi na ako pumunta sa canteen, dumeretso lang ako sa open field at umupo sa ilalim ng puno para hindi ko maramdaman ang init ng araw. Inilabas ko ang lunch box ko, laman nito ang nilagang itlong, hotdog at bacon, mayroon din akong tubig at chuckie.

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng iilang estudyanteng dito rin nakatambay. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nagbabaon ng itlong bilang lunch niya? I shooked my head because of the disappoinment. Tinanaw ko na lang ang malawak na damuhan kung saan pwede kang makipagtakbuhan.

Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)Where stories live. Discover now