"Oh, bakit?" Tanong ko sa kaniya. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay, halos wala na itong buhay dahil hinakot na nila ang iilang gamit. Natira na lang dito ay ang mga upuan at mga paintings na sa tingin ko ay ibebenta na rin nila. "Kung pipilitin mo lang akong umalis sa bahay na 'to, matulog ka na lang, sayang lang ang pagod mo." Paalala ko sa kaniya.
Hangga't narito pa ang mga gamit ko sa kwarto ko, hindi ako aalis dito. Hindi lang sa mga memories ako nanghihinayang, pati na rin ang mga gawaing nakagawian na naming gawin. Ang pagluluto, ang panonood ng mga k-drama, ang pagmimiryenda. I am also scared to let go this house because it is full of glisters, stars. Parang dito ko na lang gustong tumira habang-buhay. Alam kong mayroon pang naunang bahay kaysa rito pero rito pa rin ako nagkaroon ng isip kaya hindi ko kayang bitawan.
Natatakot din ako sa maaari naming maging buhay doon, kasama pa namin ang mga kapatid ni Mommy. Bagong bahay, bagong buhay. Malamang ay kailangan kong magkaroon ng mga adjustments sa mga nakasanayan ko kung naroon ako.
Hindi ko nga alam kina Mommy kung bakit ang dali lang sa kanila na bitawan ang lahat, samantalang ako ay halos yakapin ko na ang bahay para lang hindi nila maibenta. Kunot-noong pinagmasdan ako ni Kio, mula ulo hanggang paa. Anong oras na rin, alas syete na pero hindi pa rin ako nakakapaghapunan. Hindi ako sumabay sa kanila, mayroon naman akong pagkain sa kabinet ko.
"Yakiesha, look, okay... understand us." Lumamlam ang kaniyang mga mata, nagpamewang na lang siya sa harapan ko at kinamot ang kaniyang kilay. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "I know that you hated us for lying to you in a long period of time. Nagsisisi na kami roon pero sana, kahit ngayon lang ay makisama ka naman."
I crossed my arms and I gazed at him intently. "Hindi ko kasalanan na hindi ko kayo kayang intindihin. Bakit kailangan pa nating lumipat doon? Pwede naman tayo rito, maganda naman ang buhay natin dito!" Mahina pero mariing sabi ko sa kaniya. Mayroon naman kaming bigas at ulam dito, bakit pupunta pa kami roon?
"That's not the case here! Our grandparents are weak. Mayroon silang sakit at kailangan nila tayo roon." Paliwanag niya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Alam ko naman 'yon, gusto ko rin naman silang makilala pero hindi ngayon, bigyan nila ako ng oras.
"Mayroon naman silang mga private nurses hindi ba?" Tanong ko sa kaniya, 'yon kasi ang narinig ko kina Mommy noong nag-uusap silang dalawa ni Aling Soling. "Hindi naman tayo ang magbibigay sa kanila ng mga gamot at pagkain nila kaya hindi na tayo kailangan doon." Pagmamatigas ko.
"Little consideration, Heira Yakiesha." He frustratedly said. Napasuklay pa siya ng buhok niya gamit ang kaniyang palad. "Hindi lang nila tayo kailangan doon dahil sa kailangan nila ng mag-aalaga sa kanila. Gusto nilang pumunta tayo roon para makasama nila tayo, para makilala ka nila."
Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin kayang tanggapin ang sinasabi niya, kahit na naiintindihan ko naman ang pinupunto niya sa akin ngayon. Wala akong magawa kundi ang sumuko na lang sa usapan na 'to dahil alam ko namang wala naman na itong patutunguhan. Umatras ako at akmang isasara ang pinto nang iharang ni Kio ang kaniyang kamay. Ang kulit ng lalaking ito.
"Yakiesha, we're not done yet. We're still talking." Nagbabanta ang kaniyang tinig. Kung masama lang akong kapatid, baka inipit ko na lang ang kamay niya sa pintuan. I pouted and I opened the door widely. I let him to walk inside my room, ako naman itong umupo na lang sa kama dahil alam kong sesermunan niya na naman ako.
"Kung aalis kayo at lilipat do'n, hindi ko naman kayo pinipigilan, kahit iwan niyo na lang ako rito, ayos lang. 'Wag kayong mag-alala sa 'kin, kaya ko ang sarili ko." Inunahan ko na siya sa mga litanya niya. Kung pera lang naman ang kailangan ko, may ipon pa naman ako at kaya kong magtrabaho. Hindi naman na ako menor de edad.
Chapter 261
Start from the beginning
