Chapter 3: Self Introduction (1)

53 6 33
                                    

Section 11 Classroom on the multimedia

Tao's POV

Tumayo ang babaeng aakalain mong gift wrapper dahil sa napakalaking ribbon na nakadikit sa blouse ng kanyang uniform. "Fine. Lemme do it first." sabi nito at pumunta na sa gitna.

Kunwari itong umubo saka hinawi ang kanyang buhok sa mukha at inilagay sa kanyang tenga. "Actually, hindi ko naman kailangang magpakilala sa inyo, 'cause I'm pretty sure that I'm pretty and you already know me. Pretty right, right?" mukhang proud na sabi nito

Yung totoo, san banda ang pretty dun?

"Ang gulo ng sinabi nya." bulong ko sa katabi kong si Kai

"Puro pretty nga lang din ang narinig ko sa kanya eh." sabat naman nya sa akin. "Sabihin mo nga, nagagandahan ka ba sa kanya?" seryosong tanong nito

Nawala ang ngiti ng babae ng makitang walang nag-react sa kanyang sinabi. "Oh my pretty gosh" disappointed na sabi nito saka napasapo sa kanyang noo. "Seriously? you don't know me?"

"Hindi ka nga rin kagandahan eh. Actually, nadala ka lang ng napakalaking ribbon na nakatungtong jan sa leeg mo" prangkang pahayag ni Baekhyun sa kanya. "Magkaliwanagan nga tayo, hindi ka ba nabibigatan jan? o nasasakal? mag-ingat ka, baka magkastiff neck ka nyan"

Umubo muna si Chen na para bang may TB bago umusog sa kanyang katabi kaya ito naman ay napangiwi sa kanya. "Alam mo, mukha syang saleslady sa SM na nagbebenta ng mga tela sa laki ng ribbon nya."

"What the!" reaction ng babae ng marinig ang sinabi ng mga kaklase namin. "Oh my pretty gosh!" maarteng sabi nito bago sumeryoso ang mukha. "Seriously, you'll regret this later!"

"Tsk. Dalian mo. Andami mo pang drama sa buhay. Wag ka nalang kayang magpakilala sa amin." bagot na sabat ng babaeng colorful ang buhok. "Nawawalan na kami ng gana eh"

"Ang gulo mo ateng, sino ka nga ba?" tanong naman ng babaeng matangkad na may bangs mula sa kanyang likod

"Fine!" sabat ng babaeng malaki ang ribbon. Inayos nya muna ang kanyang ribbon at napakaiksing palda bago tumayo ng matuwid. "I'm the one and only heiress of the Hwang Company." pawelcoming remarks nya pero kami ay nakapoker face parin na nakatingin sa kanya. "Hello? what's with that faces? hindi ba kayo naniniwala?"

Walang reaction ang iba sa tanong nya at buti naman yung iba ay honest na tumango sa kanya.

"Weh? di nga? ikaw? mayaman? eh tama nga ata yung sinabi ni BeChen na saleslady ka lang sa SM eh." basag ni Sehun sa katahimikan. "Alam mo, ba't di mo nalang kaya sabihin kung kelan ang sale? nang makabili ako ng human size teddy bear para sa bebe girl ko" pagpapatuloy nito na sa huli ay kinilig naman.

"Omo! are you insane!? I am the only daughter of the Hwang Family and the only successor of the Hwang dynasty! why would I be a sales... ew! so cheap! I've never imagined myself to be something like that!"

"Hay nako. Andami mo pang satsat. Pangalan mo lang naman ang gusto naming malaman, binigay mo naman pang royal family na background. Hindi mo ba alam na pwede kang makasuhan ng Estafa nyan?" bagot ding tugon ni Taeyeon habang nakapangalumbaba na ngayon.

"Kapag hindi mo pa sinabi pangalan mo, lilipad tong hawak ko sa pagmumukha mo." banat ng katabi ni Chen. Naku mukhang siga nga ito sa kanto.

Kinabahan naman ata ang babae kaya muli itong umayos ng tayo. "Hwang Miyoung. May name is Hwang Miyoung. But since I've been transferred in this shabby place. Just call me Tiffany. Nakakahiya kasi sa iba kapag nalaman nilang ang isang napakayamang katulad ko ay babagsak lang sa isang lugar na kagaya nito. No no no.."

Cuties But LosersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon