Binuksan ko ang Black Dimension at nagtravel ako hanggang sa maramdaman ko ang presence nina Keith at Dana. Lumabas ako sa Black Dimension at nag-end up ako doon sa rooftop kung saan kami nagkita-kita kanina. Pagsilip ko sa baba ay nagkikipaglaban pa rin sina Keith at Dana kina Naomi at Mitsuo. Naglabas ako ng card at sinugatan ko ang sarili ko. Sinulat ko ang gusto kong sabihin doon at nag-open ako ng small part ng Black Dimension, tsaka ko tinapon doon ang card. For sure ay makukuha ‘yun ni Dana mamaya.

Tumayo ako at tumalon mula doon sa building. I threw my cards below at natamaan si Keith sa balikat habang si Naomi sa binti. Shit! I didn’t intend to wound them! Napatingin sila sa akin habang bumabagsak ako at pare-pareho ang expression nila—shocked. Tinitigan ko si Dana at mukhang nakuha niya ang tingin na ‘yun. Naglanding ako sa likod nina Naomi at nagpagulung-gulong ako dahil hindi ko naitama ang bagsak ko.

“Akemi! Are you okay? Saan ka galing?” sigaw ni Mitsuo habang nakatalikod at hindi tinatanggal ang tingin doon sa dalawa.

“Rooftop. Nakita ko ‘yung Custos doon kanina pero hindi ko siya napigilan.”

“The agent is there?” tanong ni Dana at pareho silang tumingin ni Keith sa itaas.

“Sorry Senshins, we still want to play with you but we don’t have enough time,” sabay ngiti ni Keith at napailing na lang ako dahil ginaya niya pa ‘yung sinabi sa amin ng Custos kanina.

Inopen nila ang Black Dimension at pumasok sila doon. Agad namang lumapit sa akin si Mitsuo at Naomi pero nagcollapse si Naomi sa tabi ko. Nakita ko ‘yung card na nakabaon doon sa binti niya kaya kinuha ko kaagad.

“Sorry! Hindi ko sinasadya. Dahil sa hangin, nagbago ‘yung trajectory ng target.”

“It’s okay. At least, nasugatan din si Daiki,” sabi naman niya.

“Daiki?”

“The male Shinigami. And the female one is Haruka.”

So may second name na rin pala si Keith. Then that means meron na din si Kid pero hindi ko alam kung ano. Kid. Naalala ko na naman siya. Sinarado ko kaagad ang isip ko for security.

“Shit. Hindi ko kayo kayang buhating dalawa,” sabi naman ni Mitsuo.

Dahil nagkamali ako ng bagsak kanina, nasprain ata ‘yung paa ko. Bakit ba kasi ako tumalon sa napakataas na building? Wala na ata ako sa sarili ko. Si Naomi naman, hindi makatayo dahil sa ginawa ko. Pero mukhang kaya ko namang maglakad.

“Don’t worry about me. Kaya ko namang maglakad. Buhatin mo na si Naomi.”

“What?! No, no. Kaya ko ring tumayo,” sabi bigla ni Naomi tapos tinry niyang tumayo pero nawalan ng strength ‘yung binti niya.

“Careful.” Buti at nasalo siya ni Mitsuo. Then suddenly, naalala ko ‘yung first case ko kasama sila. Parang ganito rin ang nangyari nun. Okay. Weird.

Hindi na umimik si Naomi at binuhat siya ni Mitsuo sa likod niya. Napakunot ang noo ko nung nakita kong namumula si Naomi. Mukhang alam ko na ang nangyayari pero saka ko na siya kakausapin. Tinry kong tumayo pero naluha ako nung inistep ko ‘yung kaliwang paa ko.

“Okay ka lang?” tanong ni Mitsuo sa akin.

 “Yung totoo? Hindi. Pero kaya ko namang maglakad hanggang kay Miyu.” Napakagat ako sa labi ko sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Sinabayan naman ako ni Mitsuo at Naomi sa paglalakad kaya ang bagal ng progress namin.

“What are you doing?”

Napatingin kaming tatlo sa likuran namin at nakita namin si Hideo na nakatingin sa amin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Sabagay, ang bagal-bagal naming maglakad tapos karga pa ni Mitsuo si Naomi. For sure ay maguguluhan talaga siya.

“Her leg is wounded,” sabay lingon ni Mitsuo kay Naomi. “Akemi’s foot is sprained.”

Lumapit sa amin si Hideo at chineck niya ang sugat sa binti ni Naomi. Tapos bigla siyang lumuhod at inangat niya ‘yung paa ko. Napapikit ako nung hinawakan niya ‘yun at napahawak ako sa buhok niya nang mahigpit para mapigilan kong sumigaw.

“Bumalik muna tayo kay Miyu. We need to treat your injuries.”

Maglalakad na sana ulit ako pero bigla naman niyang pinigilan ‘yung braso ko.

“Where are you going?”

“Huh? Babalik kay Miyu.” Pinagloloko niya ba ako? Siya ‘tong nagsabing bumalik kami eh.

“With that sprained foot?”

Nagulat ako nung bigla niya rin akong binuhat at nakailang sabunot ako sa kanya para lang pababain ako pero hindi niya ginawa. Ayoko namang lumundag pababa dahil baka lumala lang ‘yung sprain ko pero ayokong magka-utang na loob sa taong ‘to.

Pero wala na akong nagawa dahil makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating kami kung saan nakapark si Miyu at nandoon sa labas sina Akira, Mayu at Michiko habang nakatingin sa aming apat.

“Uso na ba ngayon ang piggyback ride pabalik sa sasakyan?” seryosong tanong ni Michiko.

“They’re injured,” sagot naman ni Hideo.

“Ah. Akala ko trip niyo lang bumalik ng ganyan.”

“Pfft. Nakakatawa ‘yung itsura niyo,” sabay tawa nang malakas ni Akira at nakita ko ring ngumiti si Mayu. Napayuko ako sa kahihiyan at hinigpitan ko ang kapit ng braso ko sa leeg ni Hideo.

“Ouch—can’t—breathe—”

“Ibaba mo na ako!”

Hindi naman niya ako pinakinggan at binaba niya lang ako nung nasa loob na kami ng sasakyan. Habang hindi sila nakatingin at nasa blindspot ako ni Hideo ay sinauli ko ‘yung libro sa dating pwesto and after that ay naupo ako nang dahan-dahan dahil sa bwisit na sprain na ‘to. Binaba naman ni Mitsuo si Naomi sa tabi ko at tinignan ko siya.

Hindi ako sanay na makitang ganito si Naomi. Tinignan ko si Akira at nakatingin din siya kay Naomi. Nung nagkatinginan kami ay tinaas-taas niya ang kilay niya tapos ngumiti siya nang nakakaloko. For sure ay magtatanong ‘to nang magtatanong.

Huminga ako nang malalim at sobrang nadrain na ang energy ko ngayong araw. Ang dami masyadong nangyari at pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang matulog at magpahinga. Napatingin ako kay Mitsuo at napaisip ako sa sixth sense niya. He can remember anything but they easily fade away. Does that apply to everything o sa mga minor things lang? Parang gusto kong ganun na lang din ang sixth sense ko.

I want everything in my mind to fade away.

***

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now