<Part 7>

40 2 0
                                    

"IKAW! KASALANAN MO TO!" sigaw ni Andrei at sinapak si Theo.
"Masaya ka na ba Theo ha? Pagkatapos nang lahat lahat ng ginawa sayo ni Sir, ikaw rin pala tong magpapahamak sakanya. Mas inisip ka nya kesa sa buhay nya! Matagal na akong nag titimpi sayo pero pati ung sobrang bait na tao tinarantad0 at pinahamak mo! Napaka gag0 mo! Sana ikaw nalang ung nakahimlay dyan at hindi si Sir" gigil na gigil na sabi ni Andrei.

Inawat sya ng iba naming kaklase ng lumabas ung doctor.

"Maraming dugo ang nawala sakanya. Naagapan ko naman at nabigyan na sya ng lunas. Kinuha ko sa bulsa ko ang regalong hindi ko naibigay kay Sir. Ung bracelet na katulad ng akin. Ikinabit ko yon sakanya.

"Sir.. Sir Sorry... Salamat po sa ginawa mo.. Patawarin mo ako Sir, pangako ko po magbabago na ako.. Sir Sorry talaga" saad ni Theo

"Class, k-kumpleto ba kayo?" tanong ni Sir at tumango kami.

"M-may sasabihin si Sir eh.. Mahalaga.." saad nya at parang nahihirapan syang magsalita.

"Alam n-nyo ba na kayo ang unang s-section na nahawakan ko.. at siguro kayo na rin ung huli.." saad ni Sir at ngumiti samin.

"Nung una, suko at pagod ang nararamdaman k-ko.. Kasi ung pagbato nyo sakin at hindi pag galang nasaktan ako.. pero nung tumagal hindi nyo alam kung g-gano nyo ako napasaya" saad ni Sir

"Class, salamat k-kasi tinupad nyo ung pangarap ko na maging guro sainyo.. Kayo at lahat ng memories ko ang pinaka masayang nangyari sa buong buhay ko.." saad ni Sir.

"Sir.. Huwag ka naman magsalita ng ganyan. Sir naman" saad ko.

"Kahit napaka pasaway nyo at makukulit kayo.. Salamat kasi pinasaya nyo ang nim na buwan ko sa pagtuturo" saad ni Sir. Nag iiyakan na sila.

"P-pwede ba akong humiling?" saad ni Sir at nagtango kaming lahat.

"L-lahat ng tinuro ko, huwag nyong kakalimutan ha.. Kung maari ituro nyo din sa iba.. Kasi hindi ko na magagawa yon eh.. 38 kayong student ko.. Kumpleto kayo at saksi sa lahat ng itinuro ko.. Pagiging mapagpasensya, maintindihin at mabuting asal.. Kayo ang best students in the world" saad ni Sir.

"t-tapos na si Sir ehh.. S-sana sa susunod nyong teacher magpakabait na kayo ha? Pagbutihin nyo ang pag aaral nyo.. Ayan lang hihilingin ni Sir sainyo.." saad ni sir.

"Sir, huwag mo kaming iwan" saad ng mga kaklase ko

"Sirrr, huwag naman please. Kailangan ka pa namin eh" saad ko at naiyak ako.

"Salamat Class, huwag kayong mag sisihan ha.. Oh kahit ano pa man. Masaya si Sir kasi nandito kayo.. Kumpleto kayong estudyante ko" saad ni Sir at yumakap kami sakanya. Nagpapaalam na si Sir.

"SIRRR, HUWAG POO! SIRR MAGBOBONDING PA TAYO EH" saad ko.

"MAGPAPA ALAM NA SI SIR.. KAILANGAN NA UMALIS NI SIR EH.." saad ni Sir Calyx

Wala na kaming magawa kundi umiyak.

"Hanngang sa muli nating klase.. Magpapahinga na si Sir ha.." saad ni Sir at ipinikit ang mata nya kasabay ng pagtunog sa machine sa tabi nya.

"SIRRR! HUWAGGG!"
"huwag mo kaming iwan Sir"
"Sir, salamat po.. makaka asa kayo na hindi namin kakalimutan ang lahat"

SIR CALYX TRAJIKAWA, TIME OF D3ATH 6:34 PM.

Kinabukasan, lahat kami matamlay.

Pumasok kami nang umiiyak, nagbabakasali na si Sir Calyx ulit ung babati at tutungtong na teacher namin dito.

Tahimik lang kami ng pumasok si Ma'am Vergara sa room.

"Condol3nce class.. Bukas ang burol ni Sir Calyx" saad ni Ma'am
"Ma'am ano ba, pupunta si Sir dito mamaya" saad ni Dianna.
"Ma'am buhay pa si Sir, sabi nya di nya kami iiwan eh" saad nila at humagulgol.

" Sir? Asan ka na p-po ba? Ang daya mo namn hindi mo tinupad ung promise mo ehh.. S-sorry kung nanood lang ako sir... Wala akong nagawa para mailigtas ka" saad ko sa kawalan. Nagpatakan nanaman ang luha ko.

Hindi kami kumpleto at wala si Theo.
"S-sir balik ka na please.. Miss na kita Sir.. Miss ka na namin" saad ni Kaede.
"Kailangan ka namin Sir eh.. Wala na ung nanghahawa at laging nakangiti.. Ung mabait samin at magtuturo samin.."

- FAST FORWARD -

Burol na ni Sir. Kakapasok ko pa lang ay bumungad na sakin ang iba kong kaklase, ibang teacher at mga kamag anak ni Sir. Nandito rin si Theo.

"ang lakas ng loob mong pumunta! Kasalanan mo kung bakit wala na si Sir! Puro sama ng loob ang binigay mo sakanya tapos pupunta ka pa rito? Wala ka ba talagang respeto?" tanong ni Andrei kay Theo.

Tahimik lang sila Kaede at Dianna inaawat nila si Andrei.

" Dianna, Kaede.. Sorry.. Sorry talaga" saad ni Theo at yumuko.
"Sorry? Maibabalik ba nyan si Sir?!" gigil na tanong ni Kaede.
============================
How sad =<, naiyak din ako sa part na ito. Skl.

Vote and comment lang guys if may gustobi suggest! Lovelots<3

The BEST Adviser (©Franz lourdes from fb)Where stories live. Discover now