<Part 1>

223 1 0
                                    

Ako si Kyle Montefalco Grade 9 student, nagaaral sa St. Anne Highschool. Maloko rin akong student eh, mas lalo na ung mga kaklase ko. Solid man sila kasama pero wala atang tumagal na teacher sa ugali nila. Nakaka isang linggo pa lang nag reresign na agad eh.

Papasok na ako ng school ng may makabangga akong lalaki. Napatingin ako sakanya at mukhang bata pa sya. Ang dami nya kasing dalang gamit eh.

Tinulungan ko syang pulutin ang mga gamit na dala nya. May kinakausap kasi sya sa phone habang naglalakad. Hindi nya siguro ako napansin.

"pasensya na ha, nagmamadali ako eh" saad nito at ngumiti.
"okay lang po, ingat next time" saad ko at tumakbo na sya paalis.

Lumakad na lang din ako paalis nang makasalubong ko si Tricia, bestfriend ko.

"sino yong kausap mo? ang gwapo nya" saad ni Tricia
"hindi ko alam eh, naka bangga ko lang" saad ko.
"mukhang di naman sya student dito, hindi nga naka uniform eh, e diba bawal outsider dito?" tanong nya.
"oo nga, baka kaibigan or anak ng teacher" saad ko.
"tara na late na tayo" saad ko nang tumunog ang bell at sabay na kaming pumasok.

Naka rating na kami sa room at kagulo sila. Sinubukan ko silang patigilin dahil responsibilidad ko yon bilang president ng klase pero para silang walang naririnig.
"ANO BA? ISUSUMBONG KO NA KAYO KAY MA' AM, MANAHIMIK NGA KAYO" sigaw ko.
"Tingnan mo nga naman ang bida bidang president, kung maka asta akala mo naman napaka agang pumasok" saad ni Theo, ito talaga napaka sama ng ugali kahit kelan. Halos magdilim ang paningin ko ng may bumato ng papel sa likod ko.

"Nice throw Kaede" saad ni Theo.
"alam nyo bagay kayong magkaibigan, ang sama ng ugali nyo" saad ko at umupo naman na silang lahat.
"bakit kaya wala pa si Ma'am?" tanong ko sa isip ko. Lumabas muna ako para tingnan sya sa faculty room pero mukhang wala nanamang aattend samin dahil nag resign na daw si Ma'am.

Bumalik na ako sa room.
"Wala daw tayong advicer ngayon, nag resign na si Ma'am" saad ko at halos kagulo nanaman sila sa pagiingay. Hays hindi na bago sakin.

Nasa gitna sila ng ingay ng kumatok sa pinto namin ang principal. Natahimik silang lahat at bumalik sa kani kanilang upuan.

"alam nyo naman siguro kung bakit ako nandito" saad nung principal.
"hindi po" saad naman ni Theo, pilosopo amput@. Nagtawanan tuloy ung buong klase.
"QUIET" sigaw ng principal.
"Kung hindi nyo alam ieexplain ko sainyo" saad nito at tumahimik ang lahat

"Kung makikita nyo nanaman ay wala si Ms. Reyes dito, nag resign dahil hindi nakayanan yang pag uugali nyo. Sandamakmak na teacher na ang nagresign dahil sa attitude nyo. Baka gusto nyo namang umayos. Baka hindi ako makatiis ay ipagpapatawag ko ang magulang nyo at sipain ko kayo isa isa papalabas ng school" saad ng principal.
"Sino po ung advicer namin ngayon ma'am, pasensya na po kayo sa mga kaklase ko" saad ko.
"He will meet you soon, patahimikin mo muna ang mga kaklase mo para hindi naman nakakahiya sa bago nyong teacher" saad nito at lumabas.

FF.
"Goodmorning Class" saad nung lalaki. Nagkatinginan kami ni Tricia dahil sya ung lalaking nakabangga ko kanina, hindi naman siguro sya ung teacher namin?
"Goodmorning, baka mali kayo ng napasukan" saad ni Theo.
"No, sabi ng principal dito raw ako magkaklase eh" saad nung lalaki.
"Ms. Reyes po ang pangalan ng teacher namin ano po bang section ang tuturuan nyo?" tanong nito.

"Grade 9 Faith" saad nito, so dito nga at sya nga ang bago naming teacher?
"ahh sir, dito-----" magsasalita pa sana ako ng higitin ni Theo palabas ung lalaki na sinasabing teacher daw namin.
"doon po ung Grade 9 Faith eh" turo nya doon sa dulong room na wala pang teacher.
"ahhh ganon ba, pasensya na" saad nung lalaki at tumakbo na doon sa dulong room.

Hinigit ko agad si Theo, hindi pa man lang nakakapag turo, ginagag0 nya na.

"Bakit mo niligaw ung teacher natin? Alam mo kaya umaalis ung mga teacher natin dahil sa ugali mo!" sigaw ko.
"may angal ka? mukhang b0bo naman ung bago nating teacher, hindi tayo matututo sakanya" saad ni Theo.
"as if naman nag aaral ka" saad ko at kwinelyuhan nya ako.
"huwag kang makekealam, baka hindi ako makapag pigil masapak kita" saad nya.
"WHAT IS GOING ON HERE?" tanong nung teacher kasama si Sir

"Bitawan mo sya, come with me in the principals office" saad nya kay Theo kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"Sir, ito ung Grade 9 Faith. Sila ung tuturuan mo. Sorry mga pasaway talaga yan" saad nung isang teacher at umalis na sya kasama si Theo.

"goodmorning, kayo nga ang magiging class ko" saad ni Sir.
"Teacher ka po talaga namin? Mukhang bata ka rin po"
"Ang gwapo omg!"
"hoy teacher yan manahimik kayo"
"baka wala yang maituro satin" iba't ibang bulungan na narinig ko sa room.

Pumunta na sa unahan ung lalaki at nagpakilala ng kanyang sarili.

Kumuha sya ng chalkboard at saka isunulat ang pangalan nya.

"I am Calyx Trajikawa... and I will be your class advicer this year" saad nya at ngumiti bago ilapag ang mga gamit nya sa lamesa.

"Sir, i hope you don't mind asking, pero ilang taon na po kayo?" tanong ng maharot kong kaklase na si Dianna.
"Hindi naman, btw I am 25" saad ni Sir at naghampasan naman ung mga kaibigan nila na para ba silang kinikilig. Pati ba naman teacher hindi nila papalampasin. Malalandi.
"pati ba naman teacher Dianna? Lalandiin mo?" tanong ni Andrei. Pinaka matalino sa klase namin

"Okay class, introduce your self" saad ni Sir Calyx, kita mo sakanya ang pagkahiya at kaba pero ngumiti pa rin sya samin.
"Sir naman eh, matagal na po naming nagawa yan" saad ni Kaede.
"Sorry, hindi ko pa kasi alam ang mga pangalan nyo eh, kuha nalang kayo ng papel tapos isulat nyo ung pangalan nyo doon" saad ni Sir at iilan lang ang sumunod. Kita ko talaga ang hiya nya kaya napatungo sya. Nagpasa na ang ilan pero ung iba hindi kumilos.
"Wala na ba? Sige na nga ako nalang ang aalam sa pangalan nyo" saad ni Sir

"Sir Calyx" sigaw ni Tricia.

"Yes? May problema ba?" tanong ni Sir habang binubura ang pangalan nya sa blackboard.

"Kita mo po itong mga babaeng mahaharot nato? Kinikilig po yan sainyo kaya wag mong masyadong pansinin" saad ni Tricia at nagulat naman ako ng sumilay ang ngiti ni Sir saka kumindat sakanila. Malandi ang peg.

Umupo nalang si Sir sa table nya at nag iisip ng sasabihin nya

Kinuha nya ang mga papel na inabot namin at bimanggit ito isa isa.

"Tricia Ma ganda?" bigkas ni Sir at nagtawanan silang lahat. Ano yon? Gag0.
Tumayo si Tricia at napakamot ng ulo.
"totoong surname mo yon?" tanong ni Sir at umiling sya.
"Garcia po ung surname ko, sorry na sir" saad ni Tricia.

"Oo nga pala class, hindi muna ako mag ka-klase ngayon ha, gusto ko muna kayong makilala at makabonding" saad ni Sir.

"Hindi mo nagugustuhan na makasama kami Sir" saad ni Theo na kakapasok lang, naoffend ata si Sir kaya napayuko si Sir
"Manahimik ka nga dyan Theo, mandadamay ka pa eh, gusto namin makabonding si Sir" saad ko at nag agree naman ang iba kong kaklase

"Kyle Montefalco" bigkas ni Sir sa pangalan ko kaya kinabahan akong tumayo

" Ikaw pala ung nakabangga ko kanina.. Sorry" saad ni Sir at may kumatok na ibang tao sa room namin.

"Sir pasensya ho sa abala, ung project daw po nila na pinapapasa ni Ma'am Vergara" saad nung batang babae sa likod.
"Ung project daw class?" nagtatakang tanong ni Sir habang hinihintay kaming magpasa.

"Sir wala po kaming natatandaan na may pinagawa si Ma'am Vergara" saad ni Kaede.
"Teka, pero sabi nung babae may ipapasa raw kayo ngayon" saad ni Sir.

"S-sir wala naman po talaga eh" saad ni Theo.
"Oo nga po sir.." gatong pa ni Tricia.

pero meron namang sinabi si Ma'am, may gawa nga ako eh. Pinagkaisahan nanamin nila ang mga teachers.

"Wala ba? Oh okay.. " saad ni Sir
"Baka maling room, babae ung teacher nung sinabi ni Ma'am eh" rinig kong sabi nung babae.
"Beki si Sir" saad ni Theo doon sa babae.

Nakakaramdam na ako agad ng awa sa ginagawa nya. Porket ba bago gaganunin nya lang? Nakaka bastos sya.

"Okay class, tahimik muna ahh.. Mag checheck ako ng attendance eh" saad ni sir at kinalikot ang laptop nya.

Gusto ko sanang sabihin ung ginawa ng classmate ko dahil president ako pero hindi ko magawa dahil alam kong magagalit silang lahat sakin
============================

Hello my fellow reader, im sorry pabitin ako hehehe. Nasa next chapter n

The BEST Adviser (©Franz lourdes from fb)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang