<Part 2>

98 1 0
                                    

"Bakit natahimik ka Kyle?" tanong ni Tricia.
"Bakit naman gumatong ka pa?" tanong ko at inilabas ang project ko na dapat ipapasa ko kanina.
"Naawa ako kay Sir, inuto nyo. Si Sir ung mapapagalitan eh" saad ko at tumingin kay Sir Calyx.
"Hindi lahat may Project, katulad ko. Sorry na Kyle. Paano naman kaming walang ipapasa?" tanong nya kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Class, i add ko kayo mamaya sa mga facebook nyo kasi gagawa ako ng GC para sa klase natin ha? Icheck nyo nalang mamaya" saad ni Sir at ngumiti samin.

"Bakit mag GGC pa sir? Dami nyong pakeme magkikita rin naman tayo dito at mag uusap" saad ni Kaede.

"Ehh ano kasi.. para update ko kayo sa mga lessons at reviewers natin.. para rin update ako sainyo at makausap ko kayo kung may tanong kayo" saad ni Sir at napayuko. Kita ko ang hiya nya samin pero ginagawa nya ay palagi syang nangiti

"Ang dami mo namang alam Sir, pwede mo naman kaming ipm isa isa diba? Kasi gawain mo naman yon bilang teacher, o baka ayaw mo sir kasi tamad ka?" tanong ni Theo. Ako ung nahihiya sa ginagawa nya. Napaka tarant@do nya talaga.

"H-hindi, ayos lang.. Okay na y-yon.." saad ni Sir kita ko ang pagpupunas nya ng Luha pero ngumiti pa rin sya saamin.

"Uhmm a-aralin nyo muna ung lesson ha? m-may kukunin lang ako.. Labas muna si Sir" saad nito saka lumabas. Sinilip ko sya sa bintana at pumunta sya sa baba.

Lumabas ako at ganon din ung iba kong kaklase. Sumilip ako sa hagdan at nakita ko si Sir sa Bench na nakaupo. Umiiyak sya.

Tumakbo pababa si Theo at tinapik si Sir.
"Ano sir? Babayaran ka lang ba ng principal namin para umiyak lang?" tanong ni Theo

"B-bakit pa kayo sumunod dito, umakyat na kayo naka pagalitan tayo" saad ni Sir at inayos ang sarili nya.

"Ay sus, iyakin ka lang sir eh. Bakit ba kasi sa dami ng school dito ka pa nag apply, mag guro pa hindi naman magtuturo" saad ni Kaede. Naawa na talaga ako kay Sir. First day na first day nya ginaganto sya ng kaklase ko.

"Hindi sige na.. Tara na sa taas. Lahat kayo nandito na eh.." saad ni Sir. Nauutal na si Sir sa pagsasalita, para bang nag iingat sya sa sinasabi nya dahil anytime may masasabi sakanya ung mga kaklase ko.

"Intayin nyo nalang ung kasunod na teacher nyo ha? Maglulunch na lang muna ak---" hindi na natapos ang sinabi ni Sir ng ibato ni Theo sa mukha nya ung pambura ng blackboard. Mukhang espasol si Sir kaya nagtawanan sila.

"Mamaya pa ang lunch time sir, ang kapal naman ng mukha mong iwan ang klase mo habang wala pa ung ibang teacher" saad ni Kaede at nagtawanan ung mga kaklase ko sa itsura ni Sir.

Kinuha ko ung towel ko at inabot kay Sir. Pinunas nya yon sa mukha nya.
"A-antayin nyo na lang ung susunod na teacher.. Babalik a-ako mamaya" saad ni Sir
"Kahit huwag na sir, hindi ka namin kailangan" saad ni Theo pero lumabas na si Sir.

"Gag0 ka ba talaga Theo? Wala ka bang sasantuhin? Teacher natin yon!" sigaw ni Dianna kay Theo.
"So pakealam ko?" tanong nya naman.
"Parang hindi pa kayo sanay kay Theo, e lahat naman ng teacher binabastos nyan" saad ko.
"Magalit lang kayo, e wala namang kwentang teacher yan. Ang gagawin nya lang ay magpaeasy easy dito" saad nya at inilabas ang phone nya.

"Yun ohhh, pusta ko sainyo resign bukas to si Sir Calyx" saad ni Theo at may pinipindot sa phone nya.
"Pahiram ng cellphone mo Kyle" saad nito nag aalangan akong ibigay kasi baka may kalokohan nanaman silang gawin.
"Nag text si Mommy, hindi ko mareplyan. Emergency daw" saad ni Theo kaya bumuntong hininga akong inabot ang phone ko.

"Nicee, si Kyle lang ung admin satin eh" bulong ni Kaede at sinilip ko na pinapakelaman nila ang messenger ko.
"Ano ba? Ibalik mo nga sakin yan. Phone ko yan" saad ko.
"Bakit ba mas matimbang yang teacher na yan sayo kesa samin na kaklase mo?" saad ni Kaede.
"Kasi mali yang ginagawa nyo, nakakahiya kayo. Pati teacher natin binabastos nyo! Bago pa lang yon oh! Bago!" Sigaw ko.

Nag scroll lang sila sa phone ko at tinitingnan ang members ng gc namin.

Pinindot nila ung three dots sa pangalan ni Sir Calyx.
" mag saya na kayo dahil paniguradong wala nanaman tayong teacher bukas" saad ni Theo at nagtawanan sila ng mga tropa nya.

Napasilip ako at halos maaligaga ako ng nakita kong niremove nila si Sir sa group

"Tarantad0 ka talaga Theo, napaka sama ng ugali mo! Teacher natin yon" saad ko.

"Bakit galit na galit ka agad? Ano pa kaya si Sir? Paniguradong mag reresign na to" saad ni Kaede.

"Ibalik nyo nga si Sir, makakarating na talaga to sa principal!" sigaw ko at iaadd ko na sana si Sir ng kuhanin nila ang phone ko.

"Magpapabida ka nanamang president ka eh, mas mabuting wala ka na munang phone" saad ni Theo at kinuha kay Kaede ang phone ko.

"Grabe ung ugali nyo, unang araw ni Sir ginanyan nyo agad. Wala ba kayong awa sa katawan?" tanong ni Andrei.

" Bakit ba nakikielam ka? Wala kang pake diba? Mag aral ka nalang para naman mas tumalino ka. Top 1 ka eh" saad ni Theo sakanya.

Walang teacher na dumating samin ngayon. Sino ba namang gaganahan magturo kung ganito ung ugali nila?

Lunch time na namin kaya pumunta kami sa Canteen. Hinanap ko agad si Sir at nakita ko sya sa dulong table kumakain mag isa. Bumili muna ako ng pagkain at umupo sa tabi nya, nakataklob ang dalawa nyang kamay sa mukha nya. Umiiyak si Sir?

"S-sir?" tawag ko at napatingin sya sakin. Dali dali nyang pinunasan ang luha nya.
"Sir.. Sorry po sa mga kaklase ko, sa ugali po nila. Pasensya na po talaga" saad ko.
"Andyan ka pala Kyle, k-kumain ka na?" pag iiba ni Sir sa usapan.
"Sir.. Ung pag remove nila sayo sa GC at pang babastos nila po, pasensya ka na po talaga Sir" saad ko.
"Okay lang yon.. Ganon naman ang gawain ng teacher eh" saad nya at nagpapatakan ang luha nya. Kita ko ang pag pipigil nya pero patuloy pa rin sya sa pag iyak.

"Hindi po okay yon Sir eh, unang araw nyo pa lang po samin ganito na agad ung trato nila sayo, president ako pero hindi ko po sila mapasunod, pasensya na po ulit sir" saad ko

"Hindi, ayos lang talaga.. Baka magbago sila malay mo" saad ni Sir at nagpilit ngumiti.

"Sir naman.." saad ko.

"Sige na Kyle, kumain ka na. Baka maagang pumasok ang teacher nyo at malate ka. Saad ni Sir.

Kumain na kami ni Sir, mabilisan lang.

"Baka nandon na si Ma'am Vergara mapagalitan ka pa" saad ni Sir at hinatid ako sa pinto ng room namin.

"Pasabi sakanila na.. Isesend ko nalang ung file.. Sa group chat" saad ni Sir kaya napatingin ako sakanya.

"Sir.. Niremove ka po nila sa GC.. Kinuha nila ung phone ko tapos hindi pa nila binabalik.." saad ko at kita ko naman na malungkot si Sir.
"G-ganon ba? S-siguro hahanapin ko nalang account nyo.. iisa isahin ko nalang kayo" saad ni Sir at ngitian ako at tinulak papunta sa room.
"S-salamat sa concern Kyle... Mag aral ng mabuti" saad ni Sir.
"S-sige po Sir" saad ko.

Kakapasok ko lang ng tumabi sakin si Tricia.
" Asan ka kanina? Bakit hindi ka sumabay sakin sa Lunch?" tanong nya.
" Kasama si Sir. Umiiyak nga eh" saad ko.
"bakit umiiyak?" taning nya.
"Ikaw ba naman ang tratuhin ng ganyan ng mga estudyante mo, sigurado akong maiiyak ka rin" saad ko ng pumasok si Ma'am.

Bakit ngayon lang sya? Kanina pa dapat ang klase nya.

"Goodafternoon class" saad ni Ma'am kaya bumati rin kami. Maingay pa rin sila Theo sa likod.
"QUIET CLASS" sigaw ni Ma'am sa likod.
"Paano kung ayaw namin Ma'am?" sigaw ni Theo. Napabuntong hininga na lang si Ma'am.
"Kung gusto nyong mag ingay, mahiya naman kayo sa kabilang klase! Wala kang respeto" saad ni Ma'am at nagsulat sa blackboard.

"Oo nga pala class, kung tinatanong nyo kung bakit late ako. Pinasabi ko sa student ko. Nasaan ung pinapapasa kong Project?" tanong ni Ma'am.

Binukas ko ang bag ko at inilabas ang project ko. Hindi alam ng ibang kaklase ko ang gagawin dahil hindi naman sila gumawa.

Tatayo na sana ako ng magsalita si Theo.
"Ma'am, wala namang sinabi si Sir Calyx eh. Puro iyak at uli lang ang ginagawa nya. Hindi naman nagtuturo" saad nya.
"Oo nga Ma'am, sabi ni Sir huwag na naming intindihin. Sya daw po bahala" saad ni Kaede.
============================
Again guys... i do follow back, lets support each other!

Btw sa mga may suggestions comment lang, and don't forget to vote guys!

The BEST Adviser (©Franz lourdes from fb)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt