<Part 3>

61 1 0
                                    

"Ganon ba? Ke bago bago eh wala namang alam" saad ni Ma'am na parang naiirita kay Sir Calyx. Walang hiya talaga ung dalawang yon.

"Get your books, and let's start our class" saad ni Ma'am. Pinigilan ko nalang ang inis ko at nag focus sa klase.

Naglelesson si Ma'am pero lumulutang ang isip ko. Nag iisip ako ng pwedeng gawin para kay Sir.

Nung matapos magturo si Ma'am ay bumalik na si Sir sa classroom namin at nagawa ng powerpoint.

Pumasok ung principal sa room namin.
"Goodafternoon Sir Calyx, may demo ka daw bukas. Manonood ang co teachers mo" saad nung Principal.
"In what subject Ma'am?" tanong ni Sir.
"Depende sayo, bukas after lunch yon. Goodluck" saad nung Principal tapos lumabas na.

"Anong gusto nyong subject class?" tanong ni Sir samin.
"Math sir"
"SCIENCE"
Suggestion nila pero nagtaas si Theo ng kamay.
"Yes Theo? Any suggestions?" tanong ni Sir. Mukhang mag paparticipate sya ah o pag tritripan nya nanaman si Sir.
Tumayo si Theo at nagsalita.
"meron sir, s3x education" saad nya at nagtawanan silang mag t-tropa sa likod. Napabuntong hininga na lang si Sir kaya nagtaas din ako ng kamay.

"Ikaw Kyle? May maissugest ka ba?" tanong ni Sir kaya tumango ako.
"Sir ESP na lang po, baka sakaling makapulot ng kahit katiting na respeto at kabaitan ung mga gag0 sa likod" saad ko at nagtawanan naman ung mga kaklase ko.
"OO NGA SIR, ESP NA LANG" suggest din nila.
"Okay okay, gagawa ako ng powerpoint. Kailangan ko ng assistant at maghahawak ng laptop ko" saad ni Sir at tumaas ng kamay si Theo.
"Ako na lang sir" saad nya

" Sir, siguro ako na lang po. Mukhang walang gagawing matino yan si Theo eh" saad ni Dianna.
"Pabida ka, sinusubukan ko na ngang mabait eh" saad ni Theo.
"Malabong magbago ang d3monyo mong ugali" saad nya pero lumapit lang si Sir kay Theo at umupo sa tabi nito.
"I will give this to you tommorow, mag lilipat ka lamg ng slides, malinaw ba?" tanong ni Sir at tumango si Theo.

Sana nga wala syang gawing masama.

Naglabasan na kami at umupo ako sa sofa sa sobrang pagod, sana tumagal si Sir samin kahit ganon ung ugali nila.

- Fast Forward -

Umaga pa lang ay nag iingay na agad sila sa likod. Matiwasay naman sana ung room kung hindi magulo sa likod eh. Nagkukumpolan sila at para bang may plinaplano silang masama. Kapag may ginawa sila hindi ko na ulit yon papalampasin pa

"Goodmorning Class.." saad ni Sir. Garalgal ang boses nya at ramdam mo talaga na kinakabaduhan sya.

"E-excited na ba kayo para sa presentation ko.. I hope makipag participate kayong lahat" saad ni Sir at bumuntong hininga.

Lumapit si Sir kay Theo at inabot ang laptop nya. Itinuro nya ung powerpoint nya, at inexplain ang gagawin ni Theo.

"Sige na, lesson na muna tayo.. Para hindi kayo mahirapan mamaya" saad ni Sir.

"A-ahh sandali lang ahh? Kukuhanin ko kasi ung manila paper at marker na gagamitin nyo" saad nya at saka lumabas.

Nagkumpulan nanaman sila sa likod at kinalikot ang laptop ni Sir.

"Ano nanamang kalokohan yan Theo, sinasabi ko sayo kapag may ginawa ka nanamang kalokohan hinding hindi ko na papalampasin pa" saad ko.

"Chinecheck ko lang ung powerpoint, huwag ka ngang OA" saad nya at nagtawanan sila ni Kaede. Isinawalang bahala ko na lang dahil bumalik na rin si Sir.

"A-alam nyo ba class?" saad ni Sir at umupo sa table nya.
"k-kayo ang u-unang section na naturuan ko, k-kaya--" hindi na natapos ni Sir ang sasabihin nya nung sumingit si Kaede.
"Oo na sir, mag d-drama ka nanaman tapos iiyak ka nanaman. Magturo ka nalang kaya" saad nya.

The BEST Adviser (©Franz lourdes from fb)Where stories live. Discover now