<Part 5>

44 1 0
                                    

"Hala sige na.. Mag iingat kayo pag uwi ha. Delikado na" saad ni Sir. Medyo pagabi na kasi nung umuwi kami ni Kaede ng makasalubong namin na may tinatakbuhan si Theo? Anong meron.

"Hoy saan ka?" tanong ko.
"Ano bang pake mo? Tabi nga" saad nya at binangga ang balikat ko. Nakakagag0 talaga sya.
"Hayaan mo na yon, ganyan lang talaga yon" saad nya at nagiba na kami ng daan.

Pagkarating ko sa bahay ay umakyat na ako agad ng kwarto. Nagpalit na ako ng damit bago ako humiga sa kama ay mangutingting ng cellphone ko.

Nag iingay sila don sa GC at nag backread ako. May plano sila para kay Sir. Ang daya hindi man lang ako hinintay.

"Ayan na pala president natin eh" chat ni Kaede at nag iisip sila ng gagawin para makabawi kay Sir.

Gumawa sila ng poll para sa suggestion at may iba't ibang nakalagay don.

"GIFT (SHOES)"
"PARTY, SIMPLE PARTY(HANDAAN LANG)"
"SWIMMING"

eto ung mga suggestion nila. Nag v0te na sila lahat at ung swimming sana, kaso hindi pwede. May klase eh.

"Siguro ung handaan na lang para maka bonding natin si Sir" suggestion ko at pumayag naman sila.

"Paano ung funds natin saka kailan gaganapin?" tanong nila.
"Bukas, hahanap lang tayo ng pwedeng magluto. Siguro sa hapon natin gaganapin" saad ko.
"Oo nga tama tama, simple lang mga spaghetti, pansit, shanghai, chicken, tinapay at juice" saad nila at nag agree ako.
"magkano ambagan natin?" tanong nila.
"38 tayo sa klase, pwede na bang tig 30 pesos?" tanong ko.
"oo ayos na nga yon.. Saka hindi tayo kumpleto. Inalis ko si Theo dito baka manggulo eh tapos si Sir naman hindi na nabalik" saad ni Kaede.

"Ibabalik nalang natin sila after ng handaan" saad konat nag thumbs up naman sila sa chat ko.
"Aabunuhan ko na, tapos sila mama na rin ang bahala sa foods saka papadagdagan ko na rin basta ambagan tayong 30 bukas" saad ko at pumayag naman silang lahat. Mabuti naman at desidido na silang maging mabait kay Sir.

Ang lakas ng epekto nya sa mga kaklase ko eh, at least magiging maayos na ang room. Si Theo nalang talaga.

Bumaba na ako at sinabi kayla mommy ang plano namin. Bago daw mag 3 madadala na nila yon. Sakto makakapag bonding kami nila Sir.

Bumalik na ako sa higaan ko at natulog. Nahirapan pa nga ako sa sobrang excited. Si Sir lang ata ung naka tiis sa ugali namin eh.

- FAST FORWARD -
Maagap kaming pumasok lahat at nag aambag na sila. Except kay Theo.

Naglilista lang ako ng pumasok si Sir. Napatingin sya agad sa ginagawa namin.

"G-goodmorning class" saad ni Sir at nag bati na ung iba kong kaklase. Pati na rin si Kaede. Wala pa si Theo.

Kita ko ang ngiti ni Sir, mukhang naninibago sya.
"A-ano yang ginagawa nyo? Hindi naman siguro kayo nagsusugal" saad ni sor at umiling kami.

Pumasok na lang si Theo bigka, hindi man lang marunong mag sorry kasi late sya.

Binuksan ko ang bag ko at kita ko ang solo kong regalo kay Sir. Sana magustuhan nya yon.

Nag klase lang kami, as usuall discuss and recitation ang ginagawa namin. Aktibo ang mga kaklase ko sa pag sagot at pakikinig. Hindi katulad noon. Nakikiparticipate na silang lahat.

After naming magklase ay sabay sabay kaming nag lunch, masaya si Sir na kasama nya kami. Mararamdaman mo talaga yon.

"Alam nyo class, akala ko magiging miserable ang pagtururo ko sainyo.. pero sobrang salamat. Hindi nyo alam kung gaano nyo ako napasaya" saad ni Sir.
"We love you Sir, kahit na napaka sama ng ugali namin inintindi mo pa rin kami, at hindi mo kami sinukuan Sir, sobrang worth it mo po" saad nila.
"Best Teacher Ever" saad ko at nag agree sila

The BEST Adviser (©Franz lourdes from fb)Where stories live. Discover now