#BDChapter14

Mulai dari awal
                                    

Dapat na talaga akong masanay sa mga halik niya sa akin. Ganito na ata ang maglandian ngayon, kahit wala pang kayo ay ginagawa niyo na ang gawain ng mag-jowa. Pero 'yon na 'yong rason niya?!

"P-paano mo naman nasabi?" Nautal ko pang tanong sa kanya.

Lumapit pa ang bibig niya sa tenga ko. "Mamaya sa kama malalaman mo."

Amen dahil dadalhin na naman niya ako sa heaven.

Hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad sa gilid ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako sa sports car niya. Umikot naman siya para sumakay sa driver's seat. Pinaandar na niya ang sasakyan at napansin ko ang suot ko. Nakakahiya sa sports car niya!

"Hindi bagay ang suot ko sa sasakyan mo." Reklamo ko dahil naka-uniform pa ako!

Tinignan naman niya ako saglit bago muling tignan ang daan. "Hindi naman. Cute nga sa'yo ang barista uniform mo. Saka ano bang ikinakahiya mo sa suot mo, e huhubaran din naman kita mamaya."

May point.

"Saan mo naman ako dadalhin?" Tanong ko pa sa kanya dahil hindi naman kami doon sa secret room nya sa opisina kami maglalandian.

"Sa condo." Simple niyang sagot.

Napatingin naman ako sa kanya agad. "Nandoon ang pamilya mo?!" 

Bigla akong natakot dahil hindi ko pa kayang makilala ang mga magulang niya! At baka ando'n pa si Mr. Eliot! Saka, hindi pa naman kami para dalhin niya ako sa condo niya! Pwede bang sa motel na lang kami?!

"Trust me," Sambit niya. "I genuinely want you to meet my family, Alyssa, but I don't want you to feel pressured to do so. I'm just making the most of what we currently have. At mas priority ko ang ma-meet ang anak mo. Mama ba ang tawag niya sa'yo? So, pwede ba niya akong tawaging papa?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Napatingin lang ako sa side profile niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. "B-bakit mo naman gustong matawag na papa? Hindi mo naman siya anak."

Napatingin naman siya ulit sa akin at nginitian ako. "Anak ko na rin siya, Alyssa. Nang dinesisyon ko na landiin ka, kasama roon na tanggapin ang responsibilidad na maging ama ni Uno, and never before in my life have I felt this excited."

Natahimik ulit ako, at binalot ng konsensya. Ganito siya kahanda maging ama sa anak ko, kung alam lang niya na tunay niyang anak si Uno, ano pa kaya ang mararamdaman niya kung sakali?

Ilang saglit pa ay pumasok na ang sports car niya sa parking ng isang mamahaling condo. Ibang klase talaga 'tong tatay ni Uno. Ang ganda ng buhay niya habang ako ay hirap na hirap buhayin ang anak niya!

Tinanggal na niya ang seatbelt at bumaba sa kotse kaya sumunod ako sa kanya. Nauuna nang maglakad sa akin si Mr. Elijah dahil nahihiya talaga ako sa layo ng antas namin. Nilingon naman niya ako na nakakunot ang noo. Ini-abot pa niya ang kamay niya para hawakan ko pero hindi ko ginagawa.

"Tsk." Pagpapatunog niya sa dila niya sabay lapit sa akin at hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami ng sabay.

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang magkahawak ang kamay naming naglalakad. First time ko lang talaga maranasan ang ganito na holding hands sa isang lalake. Ang laki ng kamay ni Mr. Elijah, at ang init at ang gaspang pa nito.

Huminto na kami sa harap ng elevator at sumakay. Kita ko ang repleksyon naming dalawa sa pinto ng elevator, para kaming magjowa. Bumukas na ang elevator at lumabas na kami. Ilang hakbang lang ay nasa harap na kami ng pintuan ng unit niya. Gamit ang finger print niya sa sensor ay bumukas na ang pinto kaya pumasok na kami.

Bachelor Daddy (Rewritten)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang