#BDChapter28

49.1K 1K 94
                                    

"Saka nga pala," Sambit ni Elijah habang kumakain kami ng tanghalian. Nandito kami ngayon sa may riverbank sa favorite naming food stall. "May meeting pala ako mamaya so baka anong oras na matapos. Wait mo na lang ako sa opisina ko."

Tumango naman ako na hindi man lang siya tinitignan. "Okay lang. Maglilinis din kami ng shop so baka matagalan din bago kami matapos. Doon na lang kita hintayin."

"Sige. And by the way..." Sagot pa niya sabay putol sa sinasabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin din sa akin. Medyo alangan ang mukha niya na may gustong sabihin pero hindi niya magawa. "Ano?"

"Ahmm..." Pagsisimula niya na huminga muna nang malalim bago muling magsalita. "Maggie is back."

Napakurap ako sa sinabi niya. Alam ko namang bumalik na si Maggie pero ang awkward palang pag-usapan ang ex niya kaya tumango na lang ako at muling tinuon ang sarili ko sa pagkain. "Oh, nagkita na kayo?"

Humawak naman si Elijah sa hita ko kaya napababa ang tingin ko sa kamay niya. "I'm sure you're aware that Maggie is my ex-fiancé. Even though her family has a significant share of the company, I wasn't expecting her to be working for the company, considering the history we have. I just want you to know that you won't have to worry about her, as I take full responsibility for what happened years ago, and I'm willing to do whatever it takes to protect you, Alyssa, if she were to do anything that would be harmful to you."

Muli naman akong napatingin sa kanya. So, kahit bumalik na si Maggie ay wala lang sa kanya? Na para bang ako pa rin ang pinipili niya. O, baka ngayon lang ito dahil galit pa si Maggie? Tas magiging okay na sa kanila ang lahat kapag napatawad na siya ni Maggie.

Sinubukan ko namang ngumiti kay Elijah. "Ayos lang. Thank you, Elijah."

Ngumiti rin si Elijah at lumapit sa akin para halikan ako sa gilid ng ulo ko. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa bumalik na kami sa trabaho namin. At doon na nga naganap ang scene namin ni Maggie sa meeting room.

.

.

.

.

.

Tapos na ako. Text ko kay Elijah.

Yep, parking na. Wait mo na lang ako sa entrance. Reply naman niya sa akin.

Lumabas na ako ng KAPEPRINCE at sinara ang shop dahil ako na lang ang naiwan dahil nauna na ang dalawa umuwi. Naglakad na ako palabas ng building para abangan si Elijah. Nasa may gilid lang ako ng entrance ng building habang hinihintay ang kotse ni Elijah.

Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Elijah ang ginawa sa akin ni Maggie kanina. O, parang ang bata ko naman tignan na nagsusumbong dahil na-bully ako ng ex niya. Hindi naman forever na sumandal ako kay Elijah. Kailangan ko rin ipagtanggol ang sarili ko sa mga oras na wala si Elijah sa tabi ko.

Napatingin naman ako sa may entrance nang lumabas mula doon si Miss Jillian. Grabe, ang sopistikada ng ganda niya. Mukha siyang modelo. Parang lahat ng suot niya ay mamahalin pero ang simple lang naman ng suot niya. 

Napatingin naman siya sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Bigla akong binalot ng hiya. Pero kita ko sa peripheral vision ko na naglakad si Miss Jillian palapit sa akin kaya muli ko siyang tinignan.

"Hi," Bati niya sa akin. "Ikaw 'yong wife ni Elijah, right?"

Napakamot-ulo naman ako sa tanong niya. "Hi po, ma'am. H-hindi po kami kasal."

Matagal niya akong tinitigan bago tumango. "For formality lang naman 'yang kasal. Marami nga d'yan na kasal pero nauwi rin sa hiwalayan. Marriage is just a piece of paper. What matters most is how long you two can keep your relationship going. And, I've heard na may baby boy na kayong dalawa."

Bachelor Daddy (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon