#BDChapter4

57.1K 1.2K 187
                                    

Halos isiksik ko ang sarili ko sa gilid ng elevator para lang malayo kay Mr. Elijah. Kami lang dalawa ang sakay ng elevator pero parang ang sikip sa pakiramdam. Ang daming bumabalot sa pagitan namin. Ang gabi noong bachelor party, ang hiwalayan nila ng fiancé niya, at si Uno. At ako lang ang nakakaalam nito dahil stranger pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

Sinusumpa ko talaga 'tong si Mr. Eliot! Talagang iniwan niya ako kasama 'tong kapatid niya! Ano ba sa tingin niya ang magiging usapan namin ng kapatid niyang seryoso?! Ganito ba?

Uy, kumusta ka na? Sarap ba ng buhay bachelor habang ako ang napapagod sa anak natin?!

Mag-focus ka, Alyssa. H'wag mong isipin na kasama ang papa ni Uno. H'wag mong isipin na...binabalot ng pabango niya ang elevator. Ang bango niya talaga. Hanggang dito sa kinatatayuan ko ay amoy ko siya. At bakit ko ba iniisip ang amoy niya?! Alyssa, umayos ka!

Napatingin na lang ako sa screen ng floor numbers. Grabe. Ang tagal ng galaw ng elevator. Ito na ata ang pinakamabagal na usad ng elevator. Feeling ko tuloy ay nasa EDSA ako. Mag-play dead na lang kaya ako?

"Are you the new staff of KAPEPRINCE?"

Pakiramdam ko ay nalagutan ako ng hininga nang magsalita siya. May iba pa pala siyang alam na salita bukod sa one-espresso-macchiato. Akala ko ay na-pipe na siya simula nang iwan siya ng fiancé niya. Charot!

Tumango ako na hindi man lang siya tinitignan. "O-opo."

Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago muling magsalita. "And you're hanging around with my brother because?"

Otomatiko akong napatingin kay Mr. Elijah dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa screen ng elevator kung saan lumalabas ang number ng floors bago ako tapunan ng tingin. Anong gusto niyang palabasin? Hindi ko gusto ang tabas ng bunganga niya. Mas mabuti na lang na tahimik at seryoso siya kesa nagsasalita siya.

"Nagpasama lang po siya sa akin ihatid ang order niya?" Halos pabalang kong sagot pero sinusubukan ko pa rin magtimpi dahil CEO siya, ako ay hamak na empleyado lang. Ayoko lang mawalan ng trabaho.

Bakit ba ako nagpapaliwanag? Wala naman akong ginagawang masama. Siya ito ang may masamang ipakahulugan sa pagtulong ko sa kapatid niya!

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa aking mga mata. "He can obviously do it on his own. Nagpa-uto ka naman?" Ngumisi pa siya at nagpatuloy. "You're simply another woman who will spread her legs for money for my brother. If you think na makaka-ahon ka sa hirap just because of him, I'm telling you this now: Eliot is not a guy who will bring a woman into our house to introduce her to us—his family. He just goes around and fucks random women."

Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig niya. Ang sama ng ugali niya. Buti na lang hindi nagmana sa kanya si Uno. Napakuyom na lang ang kamao ko. Gusto ko siyang sampalin. Tangama, naghatid lang ako ng kape pero bakit may pabubuka na siyang binibintang sa akin?!

Oo, gwapo si Mr. Eliot! Pero, hindi ko naman kayang sikmurain na patulan ang tito ni Uno! Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Kailangan kong ikalma ang sarili ko dahil hindi naman totoo ang mga sinasabi niya sa akin. Assumerong CEO! 

Agad akong lumabas sa elevator nang bumukas ito sa ground floor, at nagmadaling pumasok sa store. Naging maayos naman ang trabaho ko sa kabila ng nangyari sa elevator. Pero, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin ang mga sinabi niya sa akin. Iyong papa pa talaga ni Uno ang kayang magparamdam sa akin ng ganito.

Kaya niya talagang iparamdam sa akin kung gaano ako kababang tao. Pero sa tuwing nararamdaman ko na ang baba kong tao ay ang anak ko naman ang nagtataas sa akin.

Bachelor Daddy (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon