14. Debut invitation

Start from the beginning
                                    

"Relax pare. Medyo traffic daw eh. Marami palang bisita ang debutant. Haha siguro maya maya nandito na din sila."

Tumango nalang ako kay Pat, saka ako nagpunta sa iba ko pang kakilala. Si Patrick, humiwalay din para puntahan ang kakilala niya. Mga ilang minuto, nakatakas din ako sa mga kumakausap sakin. Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Kathryn.

DJ: Hello, Kathryn. Nasaan na kayo?

Kath: Malapit na kami, DJ. Traffic lang.

DJ: Sige. Susunduin namin kayo sa entrance.

Kath: Okay..

Tumayo na ako at naghanda na. Lumingon lingon para hanapin si Pat at nang makita ko, tinawag ko siya para sabihing malapit na sina Kathryn at para sunduin ang mga reyna ng buhay namin.

Pagkalabas namin, sakto namang dumating ang sasakyan ni Kathryn. Hay, salamat. Dumating din ang reyna ko.

Kathryn's POV

Halos 15 minutes din kaming natrapped sa traffic. Feel ko na yung umuusok na tenga ng boyfriend ko. Haha! Hindi ko naman sinasadyang hindi siya matawagan, nagmamadali lang talaga kami kanina.

"Malapit na tayo, wag ka ng paranoid diyan. *laughs*" Sita sakin ni Arisse.

"Eh kase, baka galit si DJ."

"Hindi naman siguro, explain to him nalang pagdating natin." Napansin naming huminto na ang sasakyan. "Oh, we're here na."

Nakita namin si Pat and DJ na naghihintay sa entrance. Naka suit silang pareho. Naka all white long dress naman kami ni Arisse. Black and white ang theme, mas prefer ko ang white eh :) Lakas maka angel.

Pinagbuksan kami ni Kuya Mar at agad namang sumalubong ang dalawang gwapito. Hahaha

"Ang tagal niyo! Siyam siyam na, jusmiyo."

Tumawa lang si Pat at sinamaan ko naman ng tingin si DJ, na buti at hindi naman niya napansin.

"Nandito na sila pare, ano pang pinuputok ng buchi mo? *laughs*"

"Tss." Inalalayaan niya kong bumaba, at sunod si Arisse. Siya kase yung nasa harap ng pinto ng sasakyan.

"Sabihan mo yang boypren mo ah." Bulong niya kunwari kay Arisse na siya namang kinahagalpak ng tawa ni Patrick.

"Halika na nga." Nauna na kaming naglakad, habang nakasunod sila sa likod.

"Bi, ang tagal niyo. Naiinis na ko sa ibang media dito hindi na ako tinigilan sa kakatanong. Kesho nasaan ka daw? Kesho bakit daw hindi tayo sabay? Pati ba naman yun kailangan nila malaman?!" Bulong niya sakin habang naglalakad patungo sa assigned seats namin. By table kase dito. Siguro mga 10 persons per table.

"*laughs* Hindi ka na nasanay! Uy tawag ka ni Robi oh."

"Tara." Hinila niya ko ng marahan papunta sa lugar nina Robi at Gretchen, "Brader! Kamusta?"

"Ayos naman, Teen King!"

Bumeso ako sa kanilang dalawa, at nagpatuloy ang kwentuhan. Naging maayos naman at masaya ang party ng debutant. Super happy ko para sa kanya. Nang nagkita nga kami ni Julia, nagyakap kami and binati ko siya.

"I'm so happy nakarating ang Teen Queen! Akala ko hindi ka makakapunta eh."

"Special day mo ito, so dapat makapunta talaga ako. Haha"

"Thank you talaga sa pagpunta!"

Nakita namin na parating si pwesto namin si Mark Nicdao. Ang best photographer in the world!

"Kids! It's so nice to see you both!! Lets take a picture!"

Picture lang ng picture. So happy kase marami din pala kaming common friends, so lahat talaga nag enjoy.

--

11 pm na ng matapos ang party. It's a tiring day.

"Bi, hatid na kita ah."

"Okay.."

"Okay ka lang? Nagenjoy ka ba sa party?"

"Um-hmm. Marami pala tayong common friends ni Julia. Haha!"

"Halos lahat din ng artist nandun, bi. Kaya malamang marami nga kayong common friends *laughs*"

"Hmp. Oo na."

"Uyy, ang baby ko.. Nagtatampururot! *laughs*"

"Mang asar ka pa, DJ."

"Ayiiiie.. Hahaha!"

"..."

"I love you, Kathryn."

".."

"Uyy, girlfriend. I love you na nga eh."

".."

"*sighs* Osige na. Sorry na. Pansinin mo na ako."

Inaantok na ako. Ang kulit ni DJ. Kanina pa siya nangungulit at sumisiksik sakin. Pumikit lang ako at sumandal sa window ng car.

"Kath. Kathryn!"

"Ano?? Ang kulit! Bakit ba kase?! Inaantok ako, DJ. Sumasakit ang ulo ko okay? Malayo pa ang byahe kaya pwede ba, give me a minute."

Sumandal na ko pabalik sa window, at gumawa ng tulog. Ewan ko pero ang sama ng pakiramdam ko. Ngayon lang to sa kalagitnaan ng party. Napadami yata ang nainom kong champagne kanina kaya masakit ang ulo ko. Hindi naman ako mahilig sa anything na may alcoholic drinks.

Nagising nalang ako na tinatapik ako ni Kuya Mar.

"Ma'am nandito na po tayo." Napansin kong wala si DJ sa tabi ko, kaya sinagot ni Kuya Mar ang nasa isip ko, "Ay Ma'am, umalis na po si Ser Daniel. Baka daw po kase maistorbo niya pa ang tulog nyo kaya hindi na kayo ginising."

Bumaba na ako, at kinuha ang phone sa sling bag ko.

Kath: DJ..

DJ: Gising ka na?

Kath: DJ, I'm sor--

DJ: Magpahinga ka na, Kathryn. Alam kong pagod ka. Pasensya na kanina. (cold tone)

Kath: Sorry na bi. Napadami lang ata ako sa champagne kanina. Sumakit ang ulo ko kaya pati tuloy sayo, nabunton ko. I am so sorry, DJ.

DJ: *sighs* It's okay.. Sleep ka na. I love you.

Kath: Hindi ka na galit?

DJ: Hindi naman ako galit.

Kath: Weh?

DJ: Hindi nga.

Kath: Seryoso?

DJ: Kathryn Chandria, magpahinga ka na. Sige na. Hindi ako galit, okay? I love you.

Kath: I love you too. Sorry po ulit, Tatay.

DJ: Wala yon, baby. Good night.

*

Tweet your reactions using #OTRknwp 💙 or tweet me  @abzlcro Thank you!

Off The Record (OFFCAM)Where stories live. Discover now