Chapter 3

243 8 0
                                    

"Umalis ka nga dito sa kwarto ko." Utos ni Kyza sa kanyang kapatid habang nagpipigil ng kanyang galit.

Marahas kasing binuksan ni Kyline ang pinto ng kanyang kwarto kaya napabalikwas siya ng bangon dahil sa gulat.

"Ano bang problema mo, Loren? Ha? Ginigising ka lang naman para kumain." Bakas sa boses nito ang inis sa nakababatang kapatid.

Kyza rolled her eyes, saying, "Kakain ako kung kailan ko gusto. Kaya pwede ba..." tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Lumayas ka sa kwarto ko tsaka 'wag mong sirain ang pinto at ang araw ko."

Walang pagdadalawang-isip ay isinarado agad ni Kyline ang pinto sa kwarto ng kanyang kapatid at tahimik na umalis.

Kyline is not only Kyza's older sister, she was also her best friend. Pero, 'yon nga lang, inahas ng kanyang kapatid ang kanyang boyfriend na si, Alexton. Kaya masakit para sa kanya ang nangyari. Okay lang sana kung inagaw sa kanya ang kanyang dating kasintahan, pero hindi niya lubos maisip na ang kanyang ate ang gagawa nito.

"Ahas!" she murmured while gritting her teeth, staring at the door where her sister once stood up.

Ilang minuto lang ay sumunod si Kyza sa kusina para kumain.

"Susunod rin naman pala, dami pang sinasabi." Bulong ni Kyline habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Tumahimik ka, Kyline!" Talagang hinahamon ako ng babaeng 'to, eh no? To help herself calm down, Kyza clenched her fist.

Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ni Kyline dahil sa tawag ng kanyang kapatid sa kanya.

Kyline scowls in annoyance. "Hindi ka na ba talaga marunong rumespeto, Loren? I'm still your older sister."

"H'wag mo nga akong dramahan. Hindi bagay sa ahas na katulad mo." Padabog na umupo si Kyza sa harap ng lamesa at kumain ng tinapay.

Nanlaki ang mga mata ni Kyline. Tanggap niya ang galit nito, pero hindi niya inaasahan ang kabastusan nito.

"What?" she mouthed.

"Anong sabi mo?"

"Alin sa mga sinabi ko ang gusto mong ulitin ko?" Ngumisi ng nakakainis si Kyza sa kanyang kapatid. "Ang 'wag akong dramahan? O ang tinawag kang ahas? —"

Mabilis na lumapit si Kyline sa kapatid at hinila ito paalis sa upuan matapos ay sinampal niya ito sa magkabilang pisngi.

To express disdain and mockery, Kyline blew air. She screamed, "YOU'RE GETTING TOO MUCH, KYZA! I'M DOING THESE THINGS FOR YOUR GOODNESS' SAKE!" with tears of rage in her eyes.

Kyza held her chin while rolling her tongue on her inner cheeks. "Talaga ba? Anong maganda naman ang maidudulot ng pag-agaw mo sa boyfriend ko?" Sarkastikong tanong nito sa kanyang kapatid.

Kyza no longer respected her sister as a result of what she had done. Ang dami-daming lalaki sa mundo, bakit 'yong boyfriend niya pa ang napili nitong ahasin? Kaya pala bigla na lang itong nakipagbreak sa kanya dahil inahas na ng magaling niyang kapatid.

Sandaling natameme si Kyline sa sinabi ng kapatid bago sinagot, "Hindi mo pa maiintidihan sa ngayon."

Malakas na tumawa si Kyza. "P-TANG-NA MO, KYLINE!"

Isang mag-asawang sampal na naman ang natanggap ni Kyza ngunit hindi na galing sa kanyang kapatid kundi sa kanyang ina.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Loren?! Hindi ka namin pinalaking bastos!" Galit na sigaw ng kanyang ina.

"Si." Patango-tangong sagot ni Kyza habang pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata. "Hindi mo rin kami pinalaking ahas." Mariin at matapang nitong sabi sa kanyang ina.

RENOWN SERIES 2: Sweetened LifeWhere stories live. Discover now