26. Musa de Cairos

70.9K 2.4K 170
                                    

Ilang oras nang tumatakbo ang karo na hila-hila ng isang malaking elepante, ilang oras na rin akong tila nakatitig sa kawalan pagkatapos kong makitang muli ang mga Holoma.

Bumabalik ang nakaraan. Nakaraang pinilit kong ibaon sa limot pero ngayo'y isa na namang ala-alang nagmumulto dahil sa pagkakakita ko sa mga reiol, ang mga maharlika. Ilang taon na rin ba ang lumipas matapos piliting burahin ni Reyna Amry ang lahat ng nilalaman ng aking memorya na may kinalaman sa pagkawala ng dating reyna at ng mga anak nito. Mga alaalang posibleng baguhin ang hinaharap at ang kasalukuyang pamumuno ng Cairos. I regret not forgetting those memories because as long as I carry the vital information and truth, I am always haunted. I have been haunted for years... until now.

I blew a generous air to give myself a solace. I regret doing it after realizing Amber already noticed my expression. Shit. I uttered inside my head.

"Okay ka lang?" Kunot noong tanong ng babae habang palingon-lingon sa mga taong nadadaanan namin to hide her feeling of discomfort.

"Yeah... I-I'm fine." Kamuntikan pa akong mautal. I looked at the crowd after. Ayokong mabasa niya ang guilt sa aking mukha. Knowing Amber, she is persistent. She gets what she wants. She finds answers when gets curious.

Nakailang patagong buntong hininga pa ako bago kami makarating sa Cairos stadium kung saan gaganapin ang Musa de Cairos. Ilang metro lang ang layo ng stadium sa kaharian. Isa iyong bilugang puting gusali na may five thousand seating capacity. Ilang saglit pa ay tinahak ko na ang upuang nakalaan sa mga estudyante na nasa balcony. Naabutan ko doon si Lara na himalang walang Alvis at Laurent na katabi. Hindi ukupado ang nasa kaliwang upuan katabi nito. Agad naman niya akong kinawayan at inaya para samahan siya.

"Where's Alvis?" I asked.

"Hindi ko alam." She answered plainly.

"Eh si ruru???"

"Kasama si Laurent."

"Ehm Laurent?" I asked again without hesitation.

"Nasa academy. Nagpaiwan yata or hindi interesadong manood. " She said as if it was the only answer she could formulate.

Nagiging weird na madalas ang kinikilos ng tatlo. Laging nag-iiwasan o kaya'y nagkakailangan kapag nataong silang tatlo lang. Nangangamoy love triangle. Hehehe.

"Is that the Holoma prince?" Takang tanong ni Lara na tila nakatuon ang pansin sa lalaking naglalakad malapit sa harapang row kung saan nakaupo ang mga upper class ng Cairos.

Nagulat ako dahil nang sundan ko nang tingin ang dako kung saan din nakatingin si Lara ay nakita ko si Kaiser na naupo hindi sa V.I.P seats kundi sa upuang nakalaan para sa mga hurado ng Musa de Cairos. Damn. What's he planning again?

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang patimpalak. Sampong kandidata ang lumabas mula sa entabladong may temang parang mystic forest. Pang siyam si Amber. The girls are equally beautiful but Amber was a stunner. Siguro dahil first time ko siyang makita sa ganung kasuotan. She looks amazingly beautiful. Damn.

Isa-isang nagpakilala ang mga kandidata. Kitang kita ko ang kakaibang ekspresyon sa mga ngiti ni Kaiser nang si Amber na ang nagpakilala sa madla. Napatiim ang aking mga bagang lalo na nang tumayo pa ito at pumalakpak nang patapos na si Amber. What are you planning Kaiser? Damn you. You will never hurt my friends again.

"Mukhang favorite ng prinsipe si Amber." Nasambit ni Lara na nakatingin sa entablado at halatang giliw na giliw sa panonood. Malakas ang bawat palakpak nito tuwing lumalabas si Amber. Mula umpisa hanggang sa umabot sa paseksihan.

Napalunok ako. Halos hindi kumurap sa loob ng ilang minuto at napakapit sa aking upuan nang magsilabasan ang mga kandidata suot ang kanilang swim wear. Malakas naman ang hiyawan ng mga tao. Sa paglabas ni Amber suot ang blue swim wear na marahil ay pinili ni Mistress Fhaun dahil sa konserbatibong style nito ay mas lalo akong napatanga. Bumilis ang kabog ng aking dibdib at pinagpawisan ako kahit na malamig naman sa loob ng stadium. Laglag ang panga ko nang tumama ang spotlight kay Amber. Kumikinang ang malaporselana nitong kutis, balingkinitan ang kanyang katawan na bumagay sa mahahaba nitongs biyas na wala ni isang marka ng peklat. Mukha itong diyosa ng niyebe. Wow. Ang tangi kong nasambit sa isip. Amber walked graciously. She owned the stage. Then... unexpectedly, she blew a kiss towards my direction -the world stood still.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon