"Okay na kayo?" untag ni Sussie sa pagkabalisa ko.

Hindi ako makasagot.

Mula sa pinto ng room ay pumasok si Hugo. Wala nang suot na school polo ang lalaki. Itim ang t-shirt nito. Sa amin patungo. "Hoy, Carlyn! Pinabinyagan niyo na pala anak niyo ni Isaiah, di man lang kayo nag-imbita!"

"Hugo, ano ba?" mahinang saway ni Sussie sa lalaki.

Naupo si Hugo sa armchair ni Sussie. "Hoy, taba! Di mo ba alam na may anak na si Carlyn kay Isaiah? Lima na. Tinatago lang nila. Dalawa puti, tatlo may batik—"

Sa buwiset ko ay kinurot ko si Hugo sa tagiliran. Namilipit siya at nagkandamura sa sakit.

Tumayo na ako. "Sussie, ilayo mo 'yan sa akin! Hindi na makaka-graduate 'yan kapag ginilitan ko 'yan ng leeg!"

Pigil naman ang hagikhik ni Sussie sa upuan niya. Si Hugo ay napahawak sa armchair ni Sussie dahil namimilipit pa rin siya. Pino kasi ang pagkakakurot ko sa tagiliran niya.

Hinaplos ni Sussie ang ulo ni Hugo. "Ano? Salbahe ka kasi."

Parang tuta naman si Hugo na uungot-ungot kay Sussie. Iniwan ko na silang dalawa sa room.

Tumambay na lang muna ako sa bench. Nakatitig ako sa screen ng aking phone. Hindi ako makapag-desisyon sa gagawin. Sa huli ay pikit-matang tinawagan ko ang number ni Jordan.

Hindi ko naman talaga siya dapat tatawagan. Kadalasan kasi siya ang tumatawag sa akin at hindi ako. Pero gusto ko lang marinig ang boses niya ngayon. May gusto lang sana akong alamin.

Abot-abot ang kaba ko habang nagri-ring ang linya niya. Gusto ko nang mag-cancel sa pang apat na ring nang bigla siyang sumagot.

Narinig ko ang kaswal na boses niya. Iyong mahinahon na medyo malambing. Wala naman akong nakapa na kahit anong kakaiba roon.

[ Hi. Kumain ka na? ]

"Uhm, oo."

Nagda-dalawang isip ako kung bubuksan ko ang topic.

"Sige, gusto ko lang talagang marinig ang boses mo." Gusto ko lang malaman kung nakita mo ang naka-tag na photos sa akin, dagdag ko sa isip.

[ I love you, Carlyn. ]

Napangiti na ako. "Sige, bye. Ingat ka riyan!" masayang paalam ko na sa kanya. Pinatay ko na ang linya pagkatapos.

Tumayo na ako sa bench at ibinulsa ang phone sa aking school skirt. Hindi galit si Jordan. Nakahinga na ako nang maluwag.

Kahit naman siguro makita niya ang mga photos ay wala lang iyon sa kanya. Alam naman niya na nakasama ko talaga noong Sunday si Isaiah. Nagpaliwanag naman na ako sa kanya.

Wala naman kaming ibang naging problema mula noon. Kahit bihira na kaming magkita, nakakagawa pa rin naman kami ng paraan para makapag-usap minsan kahit pa sa chat lang.


ANG TULIN ng oras. Mas naging busy na ang lahat sa mga sumunod pang mga araw, linggo, at buwan. Minsan ay hindi na rin kami nakakapagkita ni Jordan kahit Sunday.

Graduating na ako ng senior high kaya naman todo habol ako sa mga subjects na napag-iiwanan ako. Nauubos din ang oras ko sa mga projects. Si Jordan naman naging officer sa isang organization sa course niya kaya naging busy lalo.

Kahit busy sa kanya-kanyang schedules ay nakukuha pa rin naman namin minsang mag-chat. Tumatawag din siya tuwing free time niya. Hindi na nga nakakapag-video call masyado dahil pareho na kaming pagod tuwing sasapit ang gabi.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon