"I'm sorry," kalmado ang boses na sagot ni Mommy sa lalaki.

"Clara, please don't do this to me..." basag na basag na ang boses ni Ninong Luis.

"Hindi ko ilalayo sa 'yo ang anak mo, Luis. Pwede kang magsuporta, hindi kita pipigilan. Tutal obligasyon mo iyon."

Namilog ang bibig ko sa pagkakanganga. Daig ko pa ang nakikinig ng drama sa radio.

Lumabas na ako ng kwarto nang magtagal na ang katahimikan sa sala. Paglabas ko ay naabutan ko si Mommy na umiinom ng tubig sa baso. Nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti siya.

"Nagluto ako ng breakfast."

"Ows?" Tumaas ang isang kilay ko.

"Yes, darling. Pinaghanda rin kita ng babaunin mo." Tumalikod na si Mommy para mauna sa lamesa ng kusina.

Nakasunod naman ako sa kanya. Pasimple kong pinag-aaralan ang itsura at bawat kilos niya. Kapansin-pansin na maaliwalas na ang mukha niya ngayon kaysa noong mga nakaraang araw.

Nakapag-adjust na siguro si Mommy. Nalalabanan niya na kahit paano ang stress at depresyon. Bagaman payat pa rin ay mas maayos naman na ang pangangatawan niya ngayon.

Naupo ako sa upuan. "Dumating si Ninong Luis, My?"

"Yes," kaswal na sagot niya. Hindi niya ikinaila. Very good.

"Gusto ka niyang pakasalan, My? Bakit ayaw mo?"

Kinuhanan niya ako ng plato at pinagsandukan ng kanin at ulam bago sumagot. "Hindi naman na kailangan niyon. Ang importante ay susuportahan niya ang kapatid mo."

Hindi na ako nag-usisa. Pasimpleng pinag-aralan ko na lang ulit si Mommy. Siya ang naghain sa akin ng pagkain, pinabaunan niya rin ako na katulad noon.

Masaya na ako na kahit paano, nagiging okay na siya ulit ngayon.



"CAR, BATI NA KAYO NI ISAIAH?"

Kakaupo ko lang sa upuan ko nang bigla akong tanungin ni Sussie. Nasa school na ako. Wala pa kaming teacher. Nakakalat sa armchair ko ang laman ng kikay pouch ko. 

"Nakita ko magkasama kayo noong Sunday. Binyag yata ng anak ng friend niyo iyon."

Natigilan ako sa ginagawang pagkikilay. Biglang kumabog ang dibdib ko. "Saan mo nakita?"

Hindi ko na siya nahintay na sumagot. Ibinaba ko ang gamit kong eyebrow pencil. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng suot na palda. Kinakabahan ako kahit wala naman akong ginawang masama.

Mabuti at may data pa ako kaya nakapasok ako sa Facebook. Mabilis ko namang nakita ang tinutukoy niyang mga photos.

Ang mga photos ay post ni Nelly. Ito iyong binyag ng anak niya. Nasa ibabaw ng newsfeed kasi marami ang nagko-comment na kamag-anakan ng babae kaya nag-a-up ang post.

Ang title ng album ay 'Baby Saialyn's Christening'. Maraming tao ang naka-tag, kasama na ako, ang tropa at si Isaiah.

Syempre natural lang naman na i-post ito ni Nelly dahil binyag ito ng anak niya. Ang photographer ay ang asawa ng babae.

Nanginginig ang daliri ko nang i-tap ang mga photos para isa-isahin. Wala namang malisya. Wala naman talaga.

Nangunguna sa mga photos ang kasama ako at si Isaiah. Kami lang din ang may photo na dalawa lang kami na kasama ang baby.

Sa sumunod na mga photos ay sa reception na sa GRS. Doon ito sa bahay nina Nelly. Kaharap namin ang alak at sa gilid ay videoke. May nahagip dito na nilapitan ako ni Isaiah. Ito iyong inagaw niya iyong tagay na dapat ay para sa akin.

South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now