*Bang*


*Bang*


*Bang*


Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang maririnig sa tahimik na paligid. Dinig ko rin mula rito ang sigaw ni Heleina at Mitchel na sa tingin ko ay gulat na gulat sa pangyayari. Hindi siguro nila inasahan na may sniper na babaril kay Lord Caventry, kaya masyado silang nagpakampante na magiging successful ang operasyon nila nang walang magiging problema.


Tsk! They are stupid! Dapat naisip nila na kahit gaano pa sila kagaling ay hindi mo mahuhulaan ng isang daang porsyento ang iniisip ng kalaban. Kaya nga nabuo ang plan A, plan B at marami pang plano para sa mga pangyayari na hindi mo inaasahan.


Tulad na lang ngayon, hindi nila alam na maaaring may sniper na hinanda ang mga Diaz at pwede silang barilin kahit anong oras. Paano na lang kung handa pala ang kalaban mo sa pagsugod niyo at hinihintay na lang na kumilos kayo, edi nalintikan na?!


Ang problema sa kanila ay masyado silang nagpakampante kaya ayan! Nalusutan sila ng isa at nagkaroon pa ng pagkakataon na mabaril si Lord Caventry.


'Well, I don't care about Heavenhell's father tho, so let him feel pain.' I smirked.


"I--I need to leave now before they see me!"


Natuon ang atensyon ko sa lalaki na nagmamadaling pinasok ang baril sa lagayan nito.


'What will I do with this guy? Let this daddy think for a second...'


Nang makaisip ng gagawin ay tahimik akong naglakad papunta sa pinto ng rooftop at hinintay na matapos ang lalaki sa pagliligpit. Makalipas ang ilang sandali ay humarap na siya sa gawi ko. Sa umpisa ay hindi niya pa ako napansin pero nang makalapit sa'kin ay agad siyang napatigil sa paglalakad.


Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya pero alam ko na mas lamang ang takot na nararamdaman niya. Paano ko nasabi? Well, kasalukuyan lang naman siyang nanginginig habang nakatingin sa'kin na parang nakakita ng multo.


Ewan ko pero naiinsulto ako sa kilos niya ngayon. Mukha ba akong multo para matakot sa'kin? Kung sakaling multo man ako ay maswerte pa siya para makita ang pinaka-magandang multo na nabubuhay sa mundong 'to. Wait? Patay na ang mga multo diba?


Pero teka nga, bakit ko ba iniintindi ang nararamdaman niya ngayong mamamatay din naman siya? Tsk!


"W--who are you?"


"Guess who?" nakangisi kong sabi habang naninigarilyo. Siguro sa itsura ko ngayon ay nagmumukha na akong gangster na nakikita niyo sa kanto ng bahay niyo hahaha! Damn!


"H--hindi kita kilala kaya mas maigi na umalis ka sa daraanan ko kung ayaw mong mamatay!" pagbabanta niya na kinatawa ko na lang ng malakas.


"Hahahaha! You're funny! Do you think you can defeat this daddy, huh?" nakangisi kong tanong na kinabigla niya. Mukhang pinag-iisipan niya pa ng maigi kung sino ako at kung anong ginagawa ko sa lugar na 'to.


"You see, I want to play with you a little longer, but I'm so busy that I need to finish you off now." nalulungkot kong sabi bago maglakad papalapit sa kaniya.


"Y--you! Yo--you're a demon!" natatakot nitong sigaw habang lumalayo sa'kin.


Ehh? Bakit parang may mali sa script? Hindi ba ito yung part na tatawa siya ng malakas at ipapakita sa'kin na nahihibang na ako? Bakit natatakot siya sa'kin ngayon na para namang hindi niya kayang lumaban?


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang