"Sige, kuya. Thank you," sagot ko. Ngumiti siya sa 'kin at nag-cellphone ulit. Hindi ko na sila inistorbo pa dahil sa baka busy siya.

"Anak, may naaalala ka na ba?" Napatingin ako kay mom nang tinanong niya si Valerie. Napatingin siya sa 'kin saka, ngumiti.

"Anak, may amnesia kasi si Valerie dahil sa nangyari noon kaya ngayon ay tinutulungan namin siyang maka-alala," pag-kuwento ni mom.

"I think that's because of a congressman, right?" Tumango si mom kay oppa.

"Oo... Tinarget kasi ng isang congressman si Valerie at nakatakas naman siya kaso, nagka-amnesia siya," paliwanag ni mom.

"I'm happy that she's safe," komento naman ni Herald.

"Sa susunod ay mag-bonding tayong tatlo ni Jennylyn," pag-aya ni Hanicka at tumango ako. Gusto ko din 'yon.

"Sige! Wala na din naman 'yong tuma-target sa 'kin kaya sa susunod ay mag-bonding tayong tatlo," pagsang-ayon ni Valerie.

"Gusto ko din. Pero sa susunod na para hindi mag-alala si Herald," sabi ko. Natuwa si Herald dahil sa sinabi ko.

Tumango silang dalawa at pinagpatuloy na namin ang pakikipaglaro sa mga bata.

~ AFTER FOUR MONTHS ~

Apat na buwan na ang nakakalipas at medyo naging okay na din ang lahat. Payapa na ang lahat at lagi akong inaalagaan nila dad.

Lagi din akong binibisita ng mga magulang ni Herald at nakikipagbati naman si tito kay Herald kahit na medyo naiwas ito sa kaniya.

Kinukumbinsi ko naman si Herald sa bigyan ng pagkakataon si tito na makabawi pero, hindi ko alam kung ginagawa niya ba 'yon.

Lumalaki na din ang tiyan ko at natutuwa naman ako dahil sa malapit ko nang makita ang anak namin ni Herald.

Niyakap ko si Herald mula sa likod niya habang nagluluto siya ng pang-umagahan namin. Inamoy-amoy ko siya at pinaghahalik sa pisnge niya.

"Jagiya, wait. Nagluluto ako," sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Hinahalikan ko pa rin siya sa pisnge niya.

"I miss you po," bulong ko naman at nakita kong napangiti siya. Pinatay na niya 'yung apoy at humarap sa 'kin.

"Kahit kailan talaga ang kulit mo," sabi niya at hinalikan ako sa pisnge ko.

"Hindi mo na kami pinapansin ni baby," malungkot kong saad at tumalikod na ko sa kaniya. Away na naman niya ko.

Niyakap niya ko mula sa likod ay hinalikan sa leeg ko. Napatingin ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.

"Pinapansin ko kayo ni baby. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ni baby." Napangiti na lang ako bigla dahil sa sinabi niya.

"Gutom na kami. Pakainin mo na kami," sabi ko at natawa siya. Nag-handa na siya ng makakain namin at umupo na ko sa upuan.

•*•*•*•*•*

Nandito kami ngayon sa Enchanted Kingdom. Gusto kong sumakay sa Jungle Log! Tatakbo na sana ako papunta doon nang bigla akong hinawakan ni Herald sa braso ko kaya napatigil ako.

"Gusto kong sumakay sa Jungle Log. Ang saya kaya doon!" sabi ko at umiling siya. Ayaw niya akong pasakayin sa masayang ride.

(Note. Jungle log yung tawag sa ride sa EK yung may pataas tas may tubig? O wild river yung tawag doon? Correct me if I'm wrong na lang ah. Thank you.)

"Hindi ka pwedeng sumakay sa mga rides na tulad no'n. Baka manganak ka nang wala sa oras." Nag-pout ako sa kaniya. Bad talaga siya.

"Doon lang tayo sa mga rides na hindi masyadong nakakatakot o nakaka-excite. Ayokong may mangyaring hindi dapat sa inyo ni baby," sabi niya at hinila na niya ako.

"Rio Grande tayo!" sabi ko at umiling siya sa 'kin. Lahat na lang bawal sakyan. Away niya talaga ako.

Napatigil ako sa kanta na narinig ko. Bigla ko tuloy naalala 'yung isang K-Drama na napanood ko noong isang araw. Na miss ko nang manood ng K-Drama.

[Insert Song: Always By: Yoon Mi Rae]

"Herald! Nood tayo doon!" sabi ko at napatingin siya sa tinuro ko. Hinawakan niya ko sa kamay at pumasok kami sa parang sinehan sa EK.

'Yung palabas kasi ay isang K-Drama kaya gusto kong manood ulit! Hindi ko alam na nagpapalabas sila ng ganito dito.

Umupo kami sa gitna at nanonood na. Kinikilig ako sa pinapanood namin. Napanood ko na 'to kaso, hindi ko maalala ang title.

"Mukhang magiging sweet ang anak natin ah," sabi ni Herald at kinilig ako. Napatingin ako kay sa kaniya at mas lalo akong kinilig.

"'Wag mong gayahin 'yung way ng pagtingin ng lalaking bida sa palabas. Kinikilig ako!" sabi ko sa kaniya at natawa siya.

"I love you," pagkakasabi niya n'on ay sakto doon sa kanta. Leche talaga 'tong lalaking 'to.

"I love you too," sabi ko at hinalikan ako sa noo ko. Maya-maya lang ay napatingin ako sa kamay ko at may nakita akong singsing. Mas lalong napalawak 'yung ngiti ko dahil doon.

"Will you marry me?" tanong niya at napa-iyak na lang ako bigla. Hinampas ko siya ng mahina dahil sa ginawa niya. Nasa kalagitnaan pa kami ng panonood tapos bigla na lang siya babanat ng ganiyan.

"Sabi ni baby pag-iisipan niya daw muna." Sinamaan niya ko ng tingin dahil sa sinabi ko. Hinimas ko 'yung tiyan ko. Hinawakan niya din 'yung tiyan ko at natawa ako ng mahina.

"Yes. Papakasalan kita. Iiyak ka na eh," natawang saad ko at niyakap ko siya. Niyakap niya din ako pabalik at nanood na ulit kami.

'Alam kong magtu-tuloy-tuloy na ang kapayapaan na 'to kaya alam kong magiging masaya kami ni Herald habang buhay.'

••••• END OF SERIES #2. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now