Chapter 4

1.2K 95 2
                                    

Hera Marie

'No... Amarie, where are you? Please, it can't be true. You're just with me earlier.' Paulit-ulit na sambit ko sa isipan habang nagda-drive pabalik sa mall. May cctv 'yung mga shops at restaurant na pinuntahan namin kaya mapaptunayan kong buhay nga si Amarie.

Dali-dali akong bumaba ng kotse nang makarating sa mall at tumakbo papasok. Una kong pinuntahan ang shop na pinuntahan namin nang bumili kami ng regalo para kay Grace. Mabilis akong dumiretso sa cashier at tinanong kung pwede bang makita ang cctv footage nila mga ilang oras bago maglunch.

At first, ayaw niya pero nag-isip ako ng mairarason kaya ipinakita na niya sa akin 'yon. My heart was beating so fast while watching the cctv footage. Pakiramdam ko ay hinabol ako ng isang grupo ng mga toro dahil sa sibrang bilis ng tibok nito.

My eyes widened when I saw myself, entering the store alone. I blink for a few times and even rubbed my eyes to see if what I'm watching was true.

I thanked them after that and immediately ran to the toy store. Katulad ng inirason ko kanina, gano'n din ang inirason ko sa staff ng toy store kaya pinakita nila ang cctv footage sa akin.

Just like what happened earlier to the jewelry shop, I saw myself entering the store alone. Ang ikinagulat ko pa ay imbis na si Amarie ang kumuha ng teddy bear na binili ko, ay ako ang kumuha nito mula sa shelf habang nakangiting dala-dala ito sa cashier kasama ng laruan na binili ko naman para kay Amara.

Matapos no'n ay dumiretso ako sa restaurant at sa The Hideout, pero gano'n din ang nangyari. Mag-isa lang akong kumakain sa lamesa, wala si Amarie at ang pagkain niya. Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Grace pero tila may pumipigil sa akin na maniwala sa kaniya.

Napatigil ako nang may maalala. Sa company! Tama! For sure, may nakakita kay Amarie doon. Mabilis kong pinatakbo ang kotse papaunta sa company.

Nang makarating ay patakbo akong dumiretso sa dalawang guard na abala sa pagkukwentuhan sa pinto. "Ma'am, magandang tanghali ho!" masigla nilang bati nang makarating ako sa harap nila.

"D-Did you notice that cute kid with me here? She's a girl as tall as my leg. She's dressed in a pink dress, and her hair is chocolate brown and braided," sambit ko.

Nagkatinginan naman ang dalawang guard at nagtatakang tumingin sa isa't -isa bago lumingon sa akin nang may nagtataka ring mga tingin. "Ano pong sinasabi niyo, Ma'am? Wala naman ho kaming nakitang kasama niyo kanina no'ng pumasok ho kayo," sagot ni kuya John.

"I-Is that so? T-Thank you," sambit ko bago tumakbo papunta sa elevator.

Kaagad na bumungad sa akin ang liftman na ikinatuwa ko. Mabilis akong pumasok sa elevator at tinanong siya kagaya ng tinanong ko sa dalawang guard. And to my disappointment, he also said the same thing, na ako lang mag-isa ang pumasok kaninang umaga sa elevator at wala siyang nakitang kahit sino na kasama ko.

Nagpasalamat naman ako nang makarating kami sa floor ko. Dali-dali akong lumabas do'n at mabilis na tinawag ang sekretarya ko na nasa cubicle niya. Sumunod naman kaagad ito sa akin papasok sa office ko.

"Yen, I want to ask you something," I said as soon as I sat on my swivel chair. 

"What it is, Ma'am?" she asked.

"I gave you my credit card earlier, right? When I gave you mt credit card, what did I tell you to do?" tanong ko.

Inilagay nito ang kamay sa kaniyang baba, tila inaalala ang inutos ko sa kaniya kanina. Labis naman ang panginginig ng kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko habang nag-aabang ng sagot sa kaniya.

The Warmth Of Her Soul [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt