Hindi na nagsalita si Lord Caventry at marahang binuksan ang box. Nang mabuksan niya ito at makita ang laman ay agad siyang nagtaka. Katulad ng reaksyon ni Pira nang unang beses niya 'tong makita ay puno din siya ng katanungan kung anong meron sa weird na damit na nasa box.



"What's this?" kalmado nitong tanong sa'kin.



"Hmm... You will know father, if you use it tonight." makahulugan kong sabi. Nang marinig niya ang sinabi ko ay mabilis na nagbago ang ekspresyon niya.



'Geez! This old man is boring!'



"What do you mean by that?" seryoso niyang tanong. Tsk! Akala niya ba talaga maloloko niya ako sa pagkukunwari niyang walang alam?



"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, dad. Well let's not talk about this. I just want you to wear this inside your suit later if you go outside." pa-inosente kong sabi.



"Why would I do that, Athanasia? What's your reason?" malamig nitong tanong na pawang sinusubukang makakuha ng impormasyon mula sa'kin. Well, sorry siya dahil hindi ako madadala sa mga sinasabi niya.



"I can't tell you why, but I'm sure that you'll going to thank me later." nakangiti kong sabi.



Nang makita ko na hindi na siya sumagot ay mas minabuti ko na lang na tumayo na.



"I will leave now, father. Don't forget to wear it."



Pagkatapos ko siyang kausapin ay nakangiti akong lumabas ng kwarto. Sigurado ako na susuotin ni Lord Caventry ang bulletproof vest ngayon. Paano ko nasabi? Well, kitang-kita ko kasi sa mga mata niya na interesado siya sa binigay ko sa kaniya.



Isa pa ay gusto niyang malaman kung may kabuluhan ba ang mga pinagsasabi ko kanina at kung anong magagawa ng bagay na 'yon para makita ang confident na mukha ng anak niyang si Heavenhell.



Ito siguro ang unang beses niyang makita na confident si Heavenhell na nakikipag-usap sa kaniya kaya gusto niyang malaman kung anong iniisip nito. Tsk! Kung binigyan lang sana nila ng atensyon si Heavenhell ay malamang higit pa sa mga 'to ang mapapakita niya.



Nang makalabas ako ng kwarto ay hindi ko na pnansin sina Butler Kajik at dumiretso na sa kwarto para maghanda. That's right! I need to prepare since I'm also going out!



Napag-isipan ko kasi na magandang lumabas ngayon para mapagmasdan ang mukhang tahimik na paligid pero sa reyalidad ay puno ng panganib ang lugar. Ang Vile City ay mukhang payapa dahil sa dami ng mga gwardiya, military officers at maging ang mga mafia members ng Lucretius na nasa paligid lang at nagmamasid.



Ang iniisip ng mga tao na nasa commoner side na ang Vile City ang pinakaligtas na lugar na para sa kanila, pero doon sila nagkakamali! This place is the most dangerous city in this world, since the demon lord himself is here!



Bukod kasi sa mafia group ng buong pamilyang Lucretius ay may pribadong grupo rin si Vile na hindi alam ng kahit ng pamilya. Itong grupo na 'to ay kinabibilangan ng mga taong hindi normal kung ikukumpara sa Earth, kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit si Vile ang kinatatakutan sa buong angkan ng Lucretius.



Base pa sa nobela, ang grupong ito ay hiwa-hiwalay at nasa iba't-ibang lugar naka-assign depende sa ibibigay na instructions sa kanila ng boss nila na si Vile. Damn! This is one of the hundred reasons why I need to avoid the male lead!



"Keep calm, Carnelia! This is not the time to think about the demon lord, since you need to focus in order to finish your adventure for tonight!" sabi ko na lang sa sarili habang nakaharap sa salamin.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now