Well, yun ang alam nila! Ni hindi nga siguro pumasok sa isip nila na may ideya ako sa mga Diaz.



'Tsk! Tsk! Let them play while I'm just having fun watching them. *Smirk*'



Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa hotel room ni Lord Caventry at Madam Abella. Ngayon ay exclusive sa pamilyang Caventry ang buong 29th floor, kaya mabilis lang akong nakarating sa tapat ng kwarto nila. Nang makita ako ng mga mafia member ng pamilya ay sabay-sabay silang yumuko bilang pagbati.



"Anong ginagawa niyo rito, Lady Athanasia?" tanong ni Butler Kajik na seryosong nakatayo sa gilid ng pinto.



"I need to talk to my dad."



"Paumanhin, my lady pero ayaw ni Lord Caventry na istorbohin siya ngayon."



Hmmm... Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ahh? But I really need to give my gift tonight since it's for my safety!



"No, this is really important Butler Kajik. Inform him now!" nakakunot-noo kong sabi at nagkunwaring galit.



"O--okay, my lady." bahagyang nalilito niya pang sabi. Marahil ay nagtataka na siya sa kinikilos ko, pero sa ngayon ay wala akong pakialam sa iniisip niya.



Napangisi lang ako nang palihim nang makita na kumatok ito sa pinto bago pumasok sa loob. Makalipas lamang ang ilang sandali ay lumabas na rin siya bago tumingin sa'kin.



"Maaari na kayong pumasok, my lady."



Tinanguan ko na lang siya at agad na pumasok sa loob ng kwarto. Nang makita ang buong paligid ay hindi ko maiwasang mamangha sa itsura ng lugar. The designs look so modern that I can't help to be amaze.



Katulad kasi sa mga napuntahan kong mga hotel sa Earth ay kulay puti ang buong kwarto at nasa maayos na puwesto ang bawat furniture na nandito. Maging ang malaking glass wall ay nakadagdag sa magandang disenyo ng kwarto.



Naputol ang pagsuri ko sa buong paligid nang marinig ang malamig na boses na galing kay Lord Caventry.



"What do you need, Athanasia?"



Seryoso akong tumingin sa kaniya na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang may hawak-hawak na papel.



"Where's mother?" tanong ko sa kaniya nang mapansin na wala si Madam Abella sa kwarto.



"She's doing something important. So what do you need?"



'Something important huh? I see!'



"Here's my gift father." Nakangiti kong sabi at inabot ang box na hinanda ni Pira.



"You may leave now." seryosong sabi nito. Nang makita ko na hindi niya binuksan ang regalo ko at tinabi lang sa gilid ay halos umusok ang ilong ko sa inis. Huwag ko na lang kaya siyang iligtas para matuluyan na siya? Damn!



"Dad, you better open my gift now. It may help you in the future." kalmado kong sabi bago umupo sa kaharap nitong sofa. Nakita ko naman na napataas ng kilay si Lord Caventry bago kunin ang box.



"What are you planning?" nagdududang tanong niya na kinatawa ko ng mahina.



"What do you mean, father? I just want to see your reaction about my gift." nakangiti kong sabi bago sumandal sa upuan.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now