"Sugar baby!"

Napaangat ang paningin ko sa lalaking paparating. Plain white shirt lang ang suot niya at walang school polo.

Feeling batas talaga samantalang may uka siya sa patilya. Mahaba na kasi ang buhok niya pero ayaw niyang magpagupit. Hayan tuloy, inukaan siya ng room adviser namin.

"Sakto ka!" Sinalubong ko si Hugo.

Napaatras naman siya sa nakikitang kislap ng mga mata ko. Nagulat marahil na imbes maasar ay excited ako na makita siya.

Nilahad ko ang palad sa kanya. "Daddy, penge pera!"

Nalukot ang matangos na ilong ni Hugo at napangiwi ang mapula niyang mga labi.

"Sige na. Hindi naman ako pwede manghingi kay Sussie kasi wala ring datung iyon. Babayaran na lang kita pag may trabaho na ako."

Napakamot siya ng ulo. "Wrong timing ka naman e. Grounded ako kaya wala akong pera ngayon."

Nanlumo ako. "Aw..."

Nag-tsk siya. "Badtrip sa akin daddy ko e. Pati nga motor ko di pinapadala ngayon sa akin."

"Ano ba 'yan? Wala ka palang silbi."

Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok sa room namin. "Sorry na. Babawi na lang ako. Magbebenta ako ng laman."

"Ew." Tiningala ko si Hugo. "Sanla na lang natin 'yang hikaw mo. Tunay ba 'yan?"

"Loka." Mahina niya akong kinutusan sa ulo.

Pumunta na ako sa upuan ko. Si Sussie ay busy sa upuang katabi ng akin. Nagbibilang siya ng kaperahan. Mga benta niya sa mga nire-resell niyang products.

"May problema ka?" tanong ni Sussie sa akin. Napansin niya ang ilang beses kong pagpapakawala ng buntong-hininga.

Nilingon ko siya at matamis na nginitian. "Waley. Ako pa ba?"

Tumango-tango siya at muli nang bumalik sa ginagawa.

Pagsapit ng breaktime namin sa tanghali ay kumain lang kami 'tapos bumalik na ulit si Sussie sa pagch-check ng mga paninda niya.

"Hindi pa ubos iyong paninda kong siopao. Dapat pala di na ako humango nito," nalulungkot na sabi niya.

"Ilan pa ba?" Chineck ko ang kulay pink niyang bayong. May apat na maliliit na siopao pa roon. 

Tumingin siya sa suot na relong pambisig. Patapos na ang breaktime namin. "Mahirap kapag perishable goods, malulugi ako pag di maubos."

Kinuha ko ang mga siopao saka tumayo. Nagtatakang napatingala naman siya sa akin.

"Ako na magpapaubos neto. Magkano ba ito?"

"15 pesos isa."

"Benta ko bente. Akin iyong lima."

Hindi ko na hinintay na sumagot si Sussie. Dala ang apat na siopao na iniwan ko na siya.

"Bili ka ng siopao!" Nilapitan ko ang isa sa mga kaklase namin. Si Randolph. May crush sa akin ito alam ko.

Napakamot ng leeg ang lalaki. "Kakakain ko lang e. Pero magkano ba?"

"Twenty-five."

Alanganin na ngumiti ang lalaki. "S-sige. Pabili isa..."

"Thank you! Accept ko na friend reques mo maya sa FB!" Last niya pa kasi ako ina-add, di ko pa lang naa-accept.

Nakita ko na papasok sa pinto si Jillian. Mag-isa lang siya at di niya kasama iyong best friend niyang allergic sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay tumaas ang isang kilay niya.

South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now