"Ate Rian, stop calling mo plato. I'm not plato-" 

"Bakit ba naman kasi binigay sa'yo ni kuya Milo ang pangalang Polate?" inis na tanong nito kaya mahinang natawa si Santa. 

"'Yung 'Po' ay nakuha raw po sa Pomilo na pangalan ni papa. Habang ang 'late' naman ay nakuha sa chocolate," paliwanag ni Polate at malakas na naghabol ng hangin. 

Napailing na lang si Santa saka binuhat si Polate. "Let's go to the kitchen."

Agad namang tumango ng mabait si Polate. Mabilis na hinalikan ni Santa ang malaman nitong pisngi at nakangiting tumungo sa kusina upang painumin si Polate ng tubig. Ganu'n din ang ginawa ni Santa kay Hansel. 

"Ate, malapit na kasal niyo d'ba!?" mapang-asar na tanong ni Rian kaya napanguso kaagad si Santa. 

Bigla niya na lang naalala ang katangahan at kahihiyan na ginawa niya noon. Isang buwan na ang nakalipas 'nun pero hindi niya pa rin nakakalimutan. Masyado siyang naging sabik na pakasalan si Milo. 

Kung hindi lang talaga nag propose noong araw na 'yun si Milo baka kasal na sila ngayon. At talagang nagawa niya pang lumuhod din noong sagutin niya si Milo.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang sumanib ang kaluluwa ni Pepper sakaniya. Pero hindi niya naman makakaila na 'yun ang magandang araw na nangyari sa buhay niya. 

Tumikhim muna si Santa saka tumango. "Why?" 

"Bisitahin kaya muna natin sila Tina at Savannah?" suhestyon nito kaya napatitig si Santa sa mata nito. 

Kita niya sa mga mata nito lungkot at paghihinayang. Maski siya ay ganu'n din ang nararamdaman niya. Hanggang ngayon ay paramg sariwa pa lahat ng sakit na natamo dahil sakanila. 

"Pag-iisipan ko, Rian. I'm not sure if I'm ready to see them again," nakalabi niyang sabi at uminom ng malamig na tubig. 

Agad namang tumango si Rian at uminom din ng malamog na tubig. 

"Moma! Ayoko po na maging flower girl," nakangiting sabi ni Hansel kaya agad kumunot ang noo ni Santa. 

"Why?"

"Gusto ko po kasing kasama ako sa maghahatid sainyo sa kay Popa!" excited na sabi nito. Ang mga mata nito ay kumikinang 

 "Ako rin po, Mama. Gusto ko rin pong kasama kayo sa paghatid kay Papa," nakangiting dagdag pa ni Polate. 

Malakas na napalakpak si Rian saka pinanggigilan ang pisngi ng dalawa kaya sabay silang napangiwi. 

"Edi tayong tatlo ang maghahatid kay ate Santa!' nakangiting sabi niya saka maalakas na napahigikgik.

May kung anong humamplos sa puso ng dalaga habang tinititigan ang tatlo na nag babangayan na naman. Talagang gusto nila na ihatid siya sa altar kaysa maghagis ng mga bulaklak. 

"I!" 

Muntik na siyang bumagsak sa high chair na kinauupuan ng biglang may matunog na humalik sa noo niya. Nalaman niya na lang na si Hansel pala ang humalik doon. 

"Love!" Mabilis siyang napapikit ng halikan siya ni Polate sa pisngi. 

"You!" Napangiti siya ng malaqak ng halikan din siya ni Rian sa kabilang pisngi niya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now