"lee heeseung! of course, we know you. we played na months ago din.. wala lang doon si bryce" they also talked to each other. hawak lang ni hee ang bewang ko habang nakikipagtawanan sya.









"warm up na, let's go love"








"goodluck bryce, libre mo ako kapag nanalo ka ha" inilabas ni bryce ang dila nya para asarin ako. "isip bata!"









"mukhang ice cream!" sagot nya. "bahala ka dyan" he laughed at me. "love, tara na" ulit ni hee kaya kumaway na ako kay bryce at bumalik kami sa bench nila heeseung








"tangina bakod na bakod yarn?" asar ni ni-ki kay heeseung. "gago hindi naman" pagdepensa ni heeseung sa sarili.









"edi hahayaan mo si eya sumama kay bryce para sa ice cream?" psyche asked him. mukhang nang-aasar din. "hey baby, huwag mo i pressure si heeseung baka naman galingan nyan masyado" pang-asar pa ni jake at natawa sila.









"pwede naman, kung mananalo sya sakin" mayabang na sagot ni heeseung sa kanila at syempre inasar nila si heeseung. "BAKA MANOK KO TO!" sigaw pa ni ni-ki.









"para ice cream lang" bulong ko kay heeseung. "ayokong nagseselos ako love" bulong din nya sa akin habang inaayos ang sintas ng sapatos nya.









"bakit ka nagseselos? kaibigan ko yun?"







"nagseselos ako, love. yun na yun okay?" he smiled at me. "don't worry magaling ako, upo ka lang dyan at cheer mo ako" i heard his dry giggles. hindi nya ako nililingon at busy sa ginagawa nya.








"okay, saka babi.. hindi naman ako papaagaw, wag ka na magselos" natigilan sya sa pag-aayos ng sintas nya at tumingin sa akin. i don't know if he is serious pero kasi natatakot ako na baka totoo nga, hindi ko pa sya nakikitang galit eh.







"alam ko, at teka- did you just called me babi?" he smiled at me like an idiot. "no" mabilis na depensa ko.









"narinig ko eh, ulitin mo nga" umiling ako. "manalo ka muna" nagulat ako noong mabilis nya akong hinalikan sa pisngi. "okay attorney" mabilis na syang tumayo para mag warm up.







"g-goodluck!" wala sa sarili kong saad at nakita kong lumingon sya bago kumindat. NAPAKALANDI MO LEE HEESEUNG GAGO KA AATAKIHIN ATA AKO SA PUSO.










"heeseung hyung, panalo ka na uwi na" natatawang saad ni ni-ki, tinawanan lang sya ni hee.







the game started and i don't know why it is so intense. nagchi cheer kami ni psyche sa team nila hee. 1st quarter lamang sila.







bumalik sila sa bench para magpahinga after kaya mabilis kong inabutan ng tubig si heeseung noon. "puta, ako na ang single" natatawang saad ni ni-ki sa gilid. "di mo sinama crush mo e" pang-asar noong isa nilang team mate.








"tumahimik ka dyan" pikon na saad ni riki







nagdiretso na ulit sila sa court, hindi ako makatayo sa kinauupuan ko sa kaba. ganito pala itong basketball!








3rd quarter came at nakahabol doon sila bryce. i am really nervous. magkahawak na kami ng kamay ni psyche.








"nasasamahan ko si jake kapag may game sya na ganito pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito" natatawang saad ni psyche. ako first time! mahihimatay na ata ako!







"OMG!" napatayo kami ni psyche sa pagkakaupo dahil tumama sa isa't isa si bryce at si heeseung making them both fell down. parehas silang napaaray kaya alam kong masama ang bagsak nila.








tinulungan ni jake tumayo si heeseung pero noong nilingon ko si bryce ay mukhang nabaliaan pa ata sya.  "OMG bryce ano ba? saan masakit?" nakiupo ako sa teammates nya para alamin kung ano ang nangyari.










"sprain to bro, punta na tayo hospital para matignan" saad noong isa nyang teammate.








"omg? sprain?!" nag-aalalang saad ko dahil nakikita ko kung paano masaktan si bryce habang hawak ang paa nya.








"you all should really bring him sa hospital! sa dad nya! go" utos ko sa kanila.









"the game, two" rinig kong nahihirapang saad ni bryce sa akin. "are you dumb? sprained ka nga eh! walang extra player!"









"you won na bro, let's wrapped this up" akmang aangal pa si riki pero hindi sya pinansin ni hee. "mag-iingat" bulong ko kay bryce at bahagya syang ngumiti sa akin.









tumayo ako at sumunod kay heeseung.








"hee!" tawag ko sa kanya pero hindi ako nililingon.











"ano ba! hee!" kinuha nya ang duffel bag nya atsaka lumabas sa court. tinawag na din sya ni jake pero sumenyas ako na ako na ang bahala.








"hee naman, galit ka ba dahil talo kayo? it's just a game!" sinundan ko sya hanggang sa sasakyan nya.










"it's not about the game..." malamig na saad nya sa akin. natigil ako sa paghabol sa kanya at pinanood sya kung paano magpunas ng pawis nya.









"then why are you mad?" umiling sya. "wala"









"anong wala? may problema ba? why?"








"are you not going to ask me if i am hurt? oleya?" he snapped. nagulat ako sa reaksyon nya.






"are you-"







"no, sakay na. uuwi na tayo" mabilis ko syang sinunod noong sumakay na sya sa driver seat.








"i am sorry..." yun lang ang nasabi ko noong natraffic kami sa lenox. he doesn't talk naman. at seryoso lang sya na nagd drive. kanina pa kami tahimik! hindi naman ako sanay na ganito kami!








"i am sorry babi" hindi nya pa din ako pinansin, i sighed. dumaan kami sa drive thru at doon lang nya ako kinausap kung ano ba daw ang gusto kong pagkain.








i told him what i want and he ordered it immediately. "babi.. i am sorry na okay?"








"saan?" he asked me, sinusubuan ko sya ng french fries kasi nga nagd drive sya.








"hindi ko alam! eh di mo sinasabi kung saan ka galit eh" napairap ako. totoo naman! 








"usap tayo kapag kalmado na ako, love" i heard he sighed.







"ayokong magalit sayo. let me think first. ayoko din maging impulsive, i love you"





"oh... okay... are you mad?" umiling sya at itinigil ang sasakyan dahil traffic.







"kind of, but i love you. kain na" he gave me a light smile though it was unusual for me.





KAHIT GALIT NAMAN NAKAKAKILIG PA DIN??!?!?? ANO BA????

love to hateWhere stories live. Discover now