-119-

309 9 4
                                    

HEESEUNG'S.

ㅡflashback.

"heeseung huwag kang tumakbo!" sigaw ni tita amor. originally, tita sya ni jake. may laban ngayon si sunghoon dahil nagfi figure skating sya. nasa thelonia kami, at nasa harap ng skwelahan dahil may idinaan dito si tita amor.








"baka naghihintay si hoon, tita!" excited na saad ko, matagal ko na syang hindi nakita dahil nga busy sya sa pagpa practice.









"ikaw talagang bata ka! saglit lang!" nauna akong tumakbo sa sasakyan at saka ako sumakay dito. nasa likuran si jay at si jake na naghihintay sa amin ni tita amor. bumaba pa sila pero pinapasok din agad ni tita.








"seatbelt boys" sinunod namin si tita at nagsimula na syang magpatakbo ng sasakyan.




hindi pa man kami nakakalayo at mabilis nyang tinapakan ang preno. "OMYGOSH!" kung hindi kami naka seatbelt ay baka tumalsik na kami sa lakas ng preno ni tita amor.








"OMYGOSH- YUNG BATA!" sigaw ni tita amor. naguluhan kami. nakatingin sya sa side mirrir ng kotse."huwag kayong bababa! huwag na huwag okay? saglit lang!" madiing bilin nya sa amin. bumaba sya ng sasakyan at tumakbo pabalik sa mga tao na nagkakagulo sa harap ng waiting shed ng school.








"ano kayang nangyari?" takang tanong ni jay, nakatingin din sa likuran upang matanaw ang mga ganap doon.







"tignan natin" aya ko sa kanilang dalwa. "sabi ni tita, huwag bababa" pagpigil ni jake sa amin.








"tawagin na natin si tita dahil naghihintay si hoon" pagpupumilit ko, sa huli kami lang ni jay ang bumaba at sumunod kay tita. jay was so curious kaya nacurious na din ako kahit ang gusto ko lang naman ay makapunta na kami kay sunghoon.







"TUMAWAG KAYO NG AMBULASYA!" nakisingit kami sa mga tao, magkahawak kamay lang kami ni jay. rinig ko ang boses ni tita na nagbibilin na tumawag ng ambulansya.







"ti-" natigil ako sa paghawak sa balikat ni tita dahil sa natuon ang pansin ko sa bata na nakahiga ngayon sa daan at may dugo sa bandang ulo. she's unconscious.






nakatigil ang sasakyan na ang alam ko ay nakabangga sa kanya. kita ko doon ang basag na bubog.







"OLEYA?" nagulat si tita sa sigaw ko kaya napalingon sya. naupo ako sa tabi nya at pilit na ginising si oleya.







"oleya.. ako to si heeseung! gising na!" nagsimula na tumulo ang luha ko. "hee.." tawag ni tita at pilit akong tinatayo.







"tita.. bestfriend ko yan! bakit.. bakit hindi sya bumabangon.. bakit may dugo..." jay took my hand when we heard an ambulance coming.






"tita.. bakit..." mabilis akong binuhat ni tita at nakatingin lang ako sa mga tao na kinuha si oleya doon. "tita.." lumakas ang iyak ko, bumalik kami sa sasakyan kahit na pinipilit kong huwag umalis at makita pa ulit si oleya.







syempre, si oleya yun. at alam kong si oleya yun. yung bestfriend ko. my favorite person.









"hee tahan na, tahan na okay? pupuntahan natin.." nanginginig din si tita habang nagd drive kami paalis at saka sumunod sa ambulansya. pilit akong nilalaro ni jay at jake pero naiiyak pa din ako.








buhat ako ni tita habang nakasunod sa amin si jay at jake para makapunta sa emergency room.







binaba ako ni tita at naupo kami sa upuan doon. "makikita ko pa ulit ba si oleya?" i asked tita, tapos na umiyak. "of course, hee" she smiled at me.








"dalwang taon ko na po sya hindi nakikita..." dalwang taon, bumabalik ako sa orphanage, hinihintay ko ulit sya makita doon pero dito ko lang pala sya makikita. lumabas na din pala sya? bakit hindi sinabi nila sister sa akin?







naghintay kami doon, hanggang sa nagutom na si jake. ayaw magpaiwan ni jay kaya naiwan ako mag-isa na naghintay.






"nasaan ang anak ko?!?" may babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko at umiiyak. may kasunod syang lalaki.







"oleya..." iyak nya at naupo sa tabi ko. pinakalma sya ng lalaki at saka niyakap.







"paano kung.." nanginginig ang boses sya at pinanood ko lang naman sila.







"makikita nyo pa po ulit si oleya.." mahina kong saad sa kanila, hindi ko akalain na mapakikinggan nila iyon.







"s-sino ka hijo?" ngumiti ako sa lalaki. "lee heeseung! bestfriend po ako ni oleya" nakatingin lang sila sa akin.







"iyakin po iyon.. pero matapang po yan, malakas ang loob, palaging lumalaban" kasi kasama ko syang lumaki. 8 year old na kami ngayon pero alam kong walang pagbabago sa kanya.







nakaya nya na wala ako. matapang ka oleya.









"she's strong... i know, child" the man pat my head and gave me a small smile. tumayo sila noong bumukas ang pinto.








lalapit sana ako pero narinig ko si jay na tumatakbo palapit. "hee, tara na naghihintay si hoon" oo nga pala.. i took a quick glance sa pinto na pinasukan noong babae at lalaki.






"tara na" magkikita tayo ulit oleya.






palagi akong babalik para sayo, kapag ayaw ng tadhana, ipipilit ko. kapag mawala ka ulit, hahapin ulit kita.







i promised.

love to hateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon