“Thank you babe, you made me realized things. I’ll work on it. I will make not just my Papa and Lolo proud but also you. You too, have trusted me so much eh” masigla na nyang sabi

“Of course I trust you Franco! Kaya mo yan, ikaw pa ba?” pagpapalakas ko ng loob nya. The confident Franco Madrigal to the business world is scared eh?

“Kaya ko to babe, basta nasa tabi kita.”

“Asus! Nambola pa! Kaya mo yan, nakarating ka sa kinalalagyan mo ngayon ng wala ako remember?”

“Alam ko naman yun, but I will not stay here if you’re not  with me.”

“Oh tama na, lumalaki na ulo ko. Para namang ang laki ng naitulong ko.” natatawa kong sagot.

“Malaki naman talaga, kung hindi dahil sa sinabi mo, baka wala na talaga akong gawin at hayaan na lang na ganun.” Pagpipilit pa nya.

“Hey, nandito na yung food ko, let’s skype habang kumakain ako.”

“Sure! Sige, I’ll hang up now, sabay tayo kumain misis, bye.” Paalam nya. Ang korni ng lalaking yun. Clingy na korni pa. Pero kinikilig ako. Damn! Daig pa namin teenager. I logged into my skype and immediately heard the ping. Oh man! He’s fast! I answered his call.

“Bilis ah! Akala ko sabay tayo? Asan pagkain mo?” tanong ko nung makita ko sya, nasa office pa din sya, teka, gabi na ahh? Overtime?

“Padating na yun, nagpadeliver lang kasi ako. Kung gutom ka na, mauna ka na kumain babe, papanuorin nalang muna kita”

“No, sabi mo sabay tayo diba? Hintayin na natin.”

“Babe, okay lang, sige na, kumain ka na” pamimilit nya, sasagot na sana ako pero nakita kong hindi na sya sa akin nakatingin. Dumating na pala yung food nya. Doon na mismo sya kumain sa table nya kahit na may kainan sya sa loob ng office nya.

“Tara na Let’s eat!” nakangiting sabi nya. Parang mas gutom ata sya sa akin e. Habang kumakain ay nagkikwento sya ng paputol putol, tungkol sa kapatid nyang babae at sa Mama nya. Nag-aaway daw ang dalawa dahil may inirereto ang Mama nya sa bunso nila  na ikinakagalit ng husto ng huli kaya lumayas sa kanila. Hindi naman daw nya nahaharap yung dalawa dahil busy pa sya sa trabaho. So, mahilig pala talaga yung mama nya mag reto.

“Baka misunderstanding lang yun babe, parang yung satin”

“No babe, iba yung atin, Mama can’t do anything about us.”

“Franco, hindi maiiwasan yun, magulang mo nyo yun eh, makikialam at makikialam sa inyo yun sa ayaw at sa gusto nyo.”

“Pero wala na syang magagawa sa atin dahil kasal na tayo. Sorry sya mabilis ka eh?” natatawa nyang sagot. I faked my shock.

“Ako talaga ang mabilis? Ako ba ang may gustong makasal agad agad?” I raised an eyebrow at him at lalo syang napahalakhak sa sinabi ko.

“I mean, ang bilis mong pumayag.”

“Ayan! Ganyan nya! Klaruhin mo!” pagsakay ko sa biro nya

“Siguro nagwapuhan kana sa akin nung una palang no? Kaya ang bilis mong pumayag?” ngiting ngiti pa sya habang tumataas baba ang mga kilay.

“Conceited, aren’t you?” inirapan ko pa bago ako sumubo

“Just asking babe. Pero hindi ba talaga ako gwapo? Saka maganda din naman ang katawan ko, alagang gym. Great catch di ba?” Sabay kindat pa sa akin.

“Yabang! Nilamig tuloy ako bigla! Humangin eh!”

“Bakit? Totoo naman di ba? Masarap pa! Diba? Diba?”

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon