Kabanata 4

13 1 0
                                    

Abala ako sa pagluluto ng almusal, kung tutuusin kanina pa ako gising, pero ngayon lang ako nakatayo. Minsan hindi ko kasi mapigilan mag mooney, mooney muna sa mga bagay-bagay bago tumayo sa kama. Kaya sa huli, pasado ala sais na ako nakapag umpisang maglut, mabuti hindi pa gising sina Tita Melen.

Kung nagkataon kasi na gising na mga iyon, marami ng utos. Ayokong matambakan ng gawain. At saka, may trabaho din ako mamaya-maya lang nito niyan.

Binuksan ko ang kalan at kinuha ang balat ng saging saba kahapon. Gagawin ko na lang burger ito. Sayang kung itatapon ko. Hindi rin naman kasi kinakain ng mga bibe at manok sa likod ng apartment namin.

Hiniguasan ko muna ito at sinalang sa kaldero para pakuluan at lumambot. Habang hinihintay kumulo, inasikaso ko muna ang mga rekados, para mas mabilis matapos.

Nasa kalagitnaan na ako ng paghihiwa ng mga sibuyas. Nang may maramdaman akong mainit na hininga malapit sa leeg ko.

"Good morning," sa baritong boses ng kung sino man.

Napa-igtad ako sa bumulong sa tenga ko. Nanlalaki ang mata na tumingin ako sa kaliwa, at nakita ko yung lalaki kahapon.

Yung masungit...

"Ikaw po pala sir," lumunok ako. "Almusal po," pag aya ko.

Mapungay ang mata niya ng binaling niya ang tingin sa niluluto ko. Kumunot ang noo niya nang hindi makilala ang mga rekados na nasa lamesa na naka hain.

"What's that? Scrambled egg?" at kinuha ang kutsilyo sa kamay ko.

Napakurap at nakaawang ang labi ko ng kinuha niya iyon. "A-akin na po, ako na lang magluluto,"

Baka magalit sa akin si Tita Melen, pag nakita siyang kumikilos siya sa kusina. Customer namin siya. Hindi magandang tignan at isipin na kumikilos siya dito sa loob ng kusina.

"Let me do it," hindi pinansin ang sinabi ko.

"What's the breakfast for today anyway?" hinihiwa ang mga sibuyas ng mabilis, kung para sa mabagal kong paghiwa kanina.

Natulala ako sa bilis ng pag galaw ng kamay niya. Ang galing! Kung ganito siguro ako kabilis mag hiwa ng mga bawang at sibuyas, mas maaga akong matatapos. At kapag ganoon, maaga rin akong makakaalis para maka punta sa Danilo Surf Camp.

"Hey," pag tawag niya sa atensyon ko.

"Po?" nakatingin pa rin sa mga sibuyas na ngayon tapos ng naka hiwa.

"I'm asking," at mahinang tumawa.

Kumunot lang ang noo ko.

Ngumisi lang siya at pinag krus ang dalawang malapad na braso. Dahilan para maglitawan ang mga ugat niya doon.

Nag-iwas ako ng tingin.

"What's the breakfast for today?" pag ulit niya.

"Burger po na gawa sa balat ng saging," sa mababa kong boses.

"Did I heard it right?" at nilapit ang mukha sa akin para marinig ang sinabi ko.

Umatras naman ako. "O-opo," at lumunok.

"Drop the po, I feel old." dumiretso siya tayo, dahilan para mahiwalay siya sa akin.

Nawala ang init na naramdaman ko kanina sa paglayo niya. Kakaibang init naman iyon. Oo at bilad ako sa ilalim ng araw. Kabisado ko rin ang init na binibigay no'n sa balat ko. Pero bakit sa kanya iba yung init?

Huminga ako ng malalim at pinakatitigan lang ang mukha niya. "Pero matanda naman po talaga kayo," pag punto ko.

Nakaawang at nanlalaki ang mata na tumingin siya sa akin.

Strike of the wild waves ( Province #2 )Where stories live. Discover now