Kabanata 3

9 1 0
                                    

"Samahan na ba kita magturo sa kanila?" si Carrio, habang abala sa pag lilinis ng mga surf board.

"Hindi na, ayus lang. Ikaw na kahapon, ako naman ngayon." sabi ko.

Totoo naman. Kahapon siya na nagturo sa mga customer namin. Nakakahiya naman kung siya ulit. Mabait yung tao. Pero ayaw kong lubusin iyon.

Nakangiti, siyang tumingin sa akin. "Salamat Agos, 'di bale, libre kita ng pamasahe kapag pasukan na,"

Napanguso ako.

Libre? Ang sarap naman pakinggan no'n.

"Mukhang hindi ako makakatanggi sa ganyan Carrio," nakangiti kong sagot.

Natawa siya. "Sige, oo nga pala. 'yung mga tuturuan mo, 'yon yung mga lalaki kahapon."

Napakurap ako ng dalawang beses. "Sila? Wala ng iba?"

Napa awang ang labi niya. "Parang ngayon lang kita narinig na magtanong sa mga magiging cutomer mo," at ngisi niya.

Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi naman talaga sa ganoon. Nag-aalala lang ako na baka tuksuhin ako ng mga lalaki kahapon. Naalala ko pa rin kung paano ko basta basta nilapitan yung kasama nila.

Panigurado, iniisip pa ng mga iyon, inaangkin ko yung kaibigan nila. Mukha pa namang mamahalin iyong lalaki. Nakumpirma ko iyon kagabi noong nag renta siya ng apartment.

Yung dalawang linggo ginawa niyang dawalang buwan. Marami siguro siyang ipon.

"Tatlo lang sila ngayon, yung iba umalis na daw kahapon," pagpapanatag niya sa loob ko.

Tumango naman ako. Mas mabuti pala kung ganoon. Hindi na masyadong nakakailang.

"Una na 'ko" paalam ko sa kanya.

"Sige, nga pala. Kung kailangan mo ng tulong, balik ka lang dito," sinsero niyang pag sabi.

Ngumiti ako ng bahagya. "Salamat,"

Nasa gilid na ng pangpang kung saan walang masyadong tao, yung mga customer namin kahapon. Kitang kita ko ang tirik ng araw na tumatama sa balat nila. At bawat hagod sa katawan ng araw sa kanila, tumutulo ang pawis.

Papalapit na ako, pero sa isang tao lang napako ng tuluyan ang tingin ko. Maputing balat na namumula at mabalbon na braso at hita. Bumaling ang tingin ko sa noo niya na may pawis. Nangangati ako na punasan iyon, lalo na nang tumulo iyong pawis niya galing sa noo, pababa sa leeg at malapad na dibdib.

Napalunok ako sa nakita. Nag-iwas akong ng tingin. Masamang pangitain, kailangan ko na atang lumusong sa dagat kasi masyado nang mainit.

"Hi, miss--" pag agaw atensyon nung isa na maputi rin ang balat.

"Leigh," parang pipi kong sabi.

Natawa naman iyong isa at tinapik sa balikat. "Pre, you're scaring her," at siya naman ang lumapit sa akin.

"I'm Jaren, ako 'yung kahapon." at inaabot din ang kamay.

Tinignan ko lang iyon, hindi ko alam na para pala siyang sirang plaka. Nagpakilala na kasi siya sa akin kahapon.

Napakurap ako. Tinitigan pa rin yung kamay niya.

"Opo, hindi po ako ulyanin," totoo at diretso kong sabi. Hindi inabot yung kamay.

Humagalpak ng tawa yung lalaking kanina na nagtatanong ng palangalan ko. Napatingin ako sa gawi nila. Pero hindi ko rin maiwasan tignan yung lalaki sa tabi niya. Naka krus ang dalawang malapad na braso niya at diretsong nakatingin sa akin. Pilit tinatago ang ngisi.

Strike of the wild waves ( Province #2 )Where stories live. Discover now