Kabanata 2

10 1 0
                                    

Umiwi ako ng araw na iyon na puno ng dismaya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi ng maayos doon sa lalaki yung bracelet ko na gawa sa shell. Napakahalaga sa akin non. Iyon kasi ang unang nagawa ko na bracelet noong buhay pa si papa.

Bumuntong hininga ako.

Naguguluhan pa rin talaga ako sa lalaki, kung bakit sinabi niyang sa akin siya. Bracelet ko ang hinihingi ko. Hindi ko tuloy maiwasan isipin ang bagay na iyon simula din kanina pa.

"Agos, psst!" si ate Mia, naka silip sa kwarto ko.

"Po? Ate?" kunot noo kong tanong.

"May tao sa front desk. Asikasuhin mo muna ha---" at tingin sa hawak niyang mga labahin. "Ipapa-laundry ko kasi 'to," nguso sa dala niya,

"Sige po ate," at inayos ang sarili para sa bisita.

Oras pa lang naman ang nakakalipas, simula ng mangyari yug kanina. Nagpaalam din naman ako ng maayos kay Mang Danny noon, bago umalis. Sabi pa ni Carrio siya muna daw mag asikaso sa mga customer namin.

Mabuti na lang, kasi hindi ako mapakali hangga't hindi ko na kukuha yung bracelet ko.

Napanguso ako. Nakaharap ako ngayon sa salamin. Kung kanina, bakas pa ang pag kayumanggi ng balat ko. Ngayon, masasabi kong mukha na akong sunog. Ayos lang din naman kahit ganoon. Masaya naman ako sa ginagawa ko.

Tinali ko na lang ng buo ang buhok, at hinayaang maiwan ang ilang hibla na nalalaglag mula sa magkabilang pisngi.

Nang makalabas, nasa lubong ko ang lalaki na naka talikod sa front desk. Pero kahit ganoon, ngumiti pa rin ako ng malawak. Kailangan iyon. Para sa susunod bumalik sila dito, maramdaman nilang welcome sila.

Binuksan ko ang maliit na pintuan na hanggang bewang ko lang na gawa sa kahoy. Pumasok ako at kinuha ang log book sa loob ng cabinet.

Tumikhim ako sa lalaking nakatalikod pa rin at hindi naka tingin. Mukhang  abala siya. Gumagalaw-galaw kasi ang malapad niyang likod. Kitang-kita ko iyon dahil sa suot niyang puting sando.

Iniwas ko ang tingin sa lalaki. Ewan ko ba, napapansin ko na ngayong araw puro malalaking katawan ang nakikita ko. Lalaki din naman si Carrio, pero bakit sa kanya walang ganyan?

Tumikhim ako sa pangalawang beses sa lalaki. Nadismaya naman ako ng hindi pa rin siya lumilingon. Dahil doon, lumabas ulit ako sa front desk at hinarap na yung lalaki.

"A-ano po," pag tawag ko ng atensyon.

Pag harap, dalawang pares ng mata na kulay lupa ang sumalubong sa akin. Napa kurap ako ng dalawang beses at napaawang ang labi.

Siya yun! Siya yung lalaki! Tinignan ko ang braso niya, kung nasaan yng bracelet ko na shell. Nasa kamay pa rin niya iyon at naka suot.

"Oh, it's you," ngising sabi niya.

Namumula akong nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang labi ko at tinuro ang front desk. Pero tumaas lang naman ang kilay ng kaharap ko ng ituro ko iyon.

"Log-in na po tayo," lakas loob kong sabi.

"So, you followed me?" may kislap sa mata niya. Namamangha.

"Po? H-hindi ano—" naputol iyon nang humalakhak siya ng bahagya.

Nilaro-laro ko ang daliri sa likod dahil sa hiya. Iniisip siguro niya nababaliw ako sa kanya. Kailangan ko sigurong linawin iyon. Sabi ni papa sa akin noon, kahit bata pa ako natatandaan ko sabi niya, kapag naguguluhan ang isang tao, dapat mas linawin ko pa ang sitwasyon. Baka raw kasi mauwi sa hindi pagkakaintindihan.

Strike of the wild waves ( Province #2 )Where stories live. Discover now