"Take my hand and let's go."

Inabot sa'kin ni Vile ang kamay niya at ang unang napansin ng mata ko ay ang kulay itim nitong gloves na may nakatahing golden gothic minuscule na 'VL' at may small chains na design.

Hindi na rin ako nagtaka na nakasuot siya ngayon ng gloves, dahil nakasulat na 'yon sa nobela. Ginamitan pa nga 'yon ng author ng bold font para lang ipagdiinan sa mga readers na ayaw na ayaw ng abnormal na male lead ng skin to skin contact.

Sa pagkakatanda ko rin noon na isa 'to sa kinaiinisan ng mga readers dahil paano raw magkakaroon ng sweet scenes ang female lead at male lead  kung ayaw nitong nadidikitan ito? Kaya naman halos matapos na ang libro ay hindi pa rin nagkakaroon ng kahit anong kissing scene ang dalawang bida na halos ikaguho ng mundo ng mga readers.

Masyado yatang bitter ang author kaya ganon hahaha! Well, hindi naman ako naghahangad ng romance sa nobelang 'to, kaya ko lang naman siya naging paborito ay dahil sa mga action scenes na palagi kong inaabangan.

Pero habang tumatagal ay nagtatanong na rin ako sa sarili kung may sira ba sa utak 'tong male lead at hindi man lang maakit sa kagandahan ng female lead.

Kahit kasi na mahal na mahal ni Vile si Lilian ay hindi siya marunong mag-express ng nararamdaman niya at wala rin sa pagkatao niya ang pagiging sweet katulad ng mga normal na male lead. Kaya naman sa nobela ay boto ako kay Vengeance Leroi Eckheart para sa puso ng ating bida.

Kung hindi ko nga lang alam yung kwento ay iisipin ko na sina Lemuel at ibang male characters ang bida dahil sa iba't-ibang effort na ginagawa nila para kay Lilian. But geez! Excited na aking fangirl heart sa meet ups ng dalawa. I wonder how handsome Vengeance Leroi is?

Nabalik ako sa ulirat nang may maramdamang kakaiba. I feel like I forgot about something...

"Seriously? You're pissing me off."

Napatigil ang mundo ko nang marinig ang malamig na tonong tanong ni Vile sa mismong tainga ko. S--shit! Wala pa sa isang segundo ay agad kong kinilos ang aking sarili para hawakan ang kamay niyang nasa harap ko.

'I need to live, so it's not a great idea to annoy the demon!'

"Let's go! D--don't be angry, okay?" nakangiti kong sabi at marahan na siyang hinila papunta sa gitna.

Geez! Sa huli ay wala pa rin akong choice kung hindi ang sumayaw kasama si Vile, kaya aasahan ko na mamaya na nasa balita at social media na naman ang napakaganda kong mukha. Aish!

"O--oh my! I can't believe my eyes!"

"Yeah! T--This is my first time seeing the young master of Lucretius be dragged by someone, worst is it's a girl and his ex-fiancé at that!"

"L--looks like something is going on!"

"There's no one dancing in the center?"

"A--Are you crazy? Who dares to stand in the same stage with the person whose the name of our City comes from?"

"I--I dare not and no one has the guts!"

Kinalma ko ang sarili habang papalapit kami sa center kung saan nagsasayaw kanina ang mga bisita at ngayon ay pansin ko na walang nagbabalak na samahan kami sa gitna. Gosh! Sa ginagawa nila ay lalo akong kinakabahan sa kakaibang pangyayari na 'to. This not part of the plan bitches! But how can I say 'no' to the demon?!

Nang makarating kami sa gitna ay siya naman unti-unti kong pagkalma. Whoo! Chill ka lang Carnelia at baka makita nila na kinakabahan ka. You need to survive and think of a way to escape this filler scenes that is not even part of the novel!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now