"Ah,ganun ba?" Simpleng sagot ko.



"Yes."



"Okay lang naman yun, past is past naman, unless?." Sagot ko.





"Unless what?" Tanong nya.




"Unless you want him back." Sabi ko.




Tumawa lang sya at umalis na.




"Di kaba kinakabahan sis?" Tanong naman ni Crissy. Isa sa jowa nang kaibigan ni tyron.






"Oo nga, amoy na amoy ko ang baho non." Sabat naman ni loralie.





Nag smile lang ako. "Hayaan nyo na, hindi naman nya papatulan ulet yon."




Pinagpatuloy kuna ang pag prito nang fries at tempura, maya maya ay lumabas rin kaming lahat sa kusina at umupo sa balkonahe. Dumaan pa kami sa sala kong nasan ang kaibigan ni tyron na napatingin rin saamin.





Tumingin naman si tyron saakin at nag smile lang. Ang babaeng haliparot naman ay sumabay sa kanilang uminom.




Nang maka- upo kami sa balkonahe ay usap-usap lang kami, about ourselves, about our life, about sa mga boyfriend namin. Okay lang naman so we can know each other naman at para malaman namin ang background.




We are enjoying our fries and tempura nang dumating si Sherra, medyo na mumula na sya pero matino pa naman syang kausapin. Katulad nang Sabi ko nag usap-usap lang kami..



Mahigit isang oras rin na pag chicka namin nang mga girls, pero minsan nag out of place ako. Bago lang naman kami nagkakilala, pero nasiyahan Ako kasi parang wala lang sa kanila. Parang magkaibigan lang kami.




"Noong kami pa ni tyron, Ganyan rin naman sya saakin, sweet pero iniwan nya rin. Then until sya na ulit ang humabol saakin. Haha." Sherra said.




Nag uusap sila about their ex, Wala akong karapatan sumabat. Pero sana respect naman nandito ang girlfriend eh.




"I know naman na Mahal pa nya ako, Hindi nya lang masabi." Sabi nya sabay tawa.




Sumabat naman ang Isa pa naming kasama.
"Girl, lasing kana. Kung ano ano na lumalabas sa bibig mo."




"Hindi pa ako lasing!" Sabi nya pero halata naman.




Tumayo na ang iba at hinawakan sya magpahinga muna sya. Kaso ayaw pa nyang umawat.




Then she looked to me. "Ang sarap nya sa kama sis." Kinindatan pa nya ako at tinawanan.







Pinasok na sya sa loob, kaunting katahimikan lang, pero umingay naman ulet.





I excuse myself from them, para pumunta sa labas at lumanghap nang sariwang hangin. Umupo nalang muna ako sa damohan habang hawak Ang fries at juice na tinimpla namin kanina. When Im so upset fries talaga Ang hilig ko. Paborito ko e, kaya pag Galit Ako lumalambot pag may fries.




Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko, I am a Judgemental kind of person, lahat nalang pinag-iisipan ko nang masama.





How I wish na sana ako nalang si sherra, pero ayaw ko naman nang ganun. Babaeng walang ginawa kundi sumira nang araw nang iba.




ITS EASY TO SAY ILOVEYOU (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon