CHAPTER ONE

82 8 0
                                    




Nag order lang ako ng pag kain habang tulala ako bigla naman akong kinalabit ni leya kaya tinaasan ko sya ng kilay ano nanaman bang problema neto.

"Ano?" Ngumuso sya kaya nag taka naman ako

"Si Instructor"

"Ano naman ngayon?" Anong gagawin ko kung nandyan si Instructor? Atsaka bakit ba sya nandito e wala ba silang canteen.

"Wala ba silang Canteen?"

"Wala, iisa lang to para sama sama baka biglang may umatakeng Terorista" napangiwi nalang ako sa dahilan nila seryoso paano kung may bomba dito tapos sama sama kami edi wala na lahat na kami patay.

"Paano kung may bomba dito tapos sumabog edi lahat tayo patay?"

"Hindi kasi puwede gastusin ang pera ng pilipinas"

"Okay" ayoko na makipag argumento sa kanya dahil mas marami syang alam kesa sakin wala naman akong masyadong alam sa panahong ito, so nag titipid pala ang pilipinas kung gagamitin nila yun para bumili ng armas saan naman sila makakabili Sa Amerika? Tsk baka pasabugin pa ulo nila.

"Hindi mo ba lalapitan si Instructor?"

"Bakit ko sya lalapitan sino ba sya?" Inis na tanong ko, oo gwapo sya pero hindi ko sya Type no

"Diba lagi kang pinapagalitan ng tatay mo dahil lagi kang na sunod kay Instructor" nabilaukan naman ako sa sinabi nya what the ako ang nahiya para sayo kyra.

"Ayos kalang?" Nag aalalang tanong nya.

"Ikaw kaya mabilaukan!"

"Ay hehe" napahiyang sabi nya.

"Atsaka, dati yun no hindi na ngayon people change"pinandilatan naman nya ako ng mata buti nalang sya lang naka rinig,
Nalaman ko rin na si leya lang ang kaibigan ni kyra dahil dahil masyado syang mahiyain.

-------

Nandito ako ngayon sa Puno ng Acacia nag mumuni muni, iniisip ko kung anong mangyayari sa susunod na mga araw paano kung malaman nila na hindi ako si kyra lalo na at hindi ko pa nakikilala ang tatay nya mabait ba sya o kagaya ng tatay ko na demanding?,

Habang malalim ang iniisip ko ay biglang may tumikhim sa gilid kaya napa angat ako ng tingin dali dali akong napatayo at nag sumaludo.

"instructor" sabi ko nakatingin lang sya sakin, at agad rin inilipat ang tingin sa Ilog

"Bakit ka po nandito instructor?" Tanong ko habang naka nguso.

"Ako dapat ang mag tatanong nyan" napakunot ang nuo ko e ako ang nauna dito ah

"Pero ako ang naunang pumunta dito" napa buntong hininga sya.

"Pero ako ang laging nandito" hindi talaga sya mag papatalo Hindi ko na natanong si Leya kung hindi puwedeng mag salita ng Ingles hays pero kung lagi syang nandito anong dahilan bakit dito sya tumatambay.

"Bakit" tanong ko habang nakatingin sa palubog na araw

"Anong bakit" takang tanong nya

"Bakit ka laging nandito?" Natigila. Naman sya sa tanong ko at agad nag iwas ng tingin, wala namang malinsa tanong ko, pakiramdam ko tuloy mayroon nanaman akong maling nagawa.

Kinagabihan naligo lang ako ta nag bihis ng pantulog dahil bukas darating ang mga sundalong kasama sa Ranggo Like lieutenant mga Major general umalis ako kanina ng mag 7 na hays bukas ano nanaman kayang mang yayari.

Nandito kami ngayon sa canteen kasama ko si leya wala naman masyadong ganap  ngayon dahil naghahanda silang lahat para sa pagdiriwang mamaya,  naging successful ang mission na ginawa nila, kailangan ko ng pumunta mamaya sa opisina ng tatay ni kyra oh sabihin na natin tatay ko dahil kilala nila ako bilang si kyra.

"Palagi kang tulala hindi ka naman ganyan dati ah" kinabahan naman ako sa tanong ni leya anong magagawa ko hindi naman kami parehas ni kyra si kyra kase masiyahin ako hindi naman medyo maldita ako pero medyo lang naman.

"Tsk, People change" iling iling na sabi ko.

"Samahan mo ako" sabi ko habang kumakain

"Saan?"

"Sa tatay  ko" napa tango naman sya.

"Na kuwento ko nga pala sa tatay mo na marunong ka nang humawak ng baril" madali lang naman gumamit ng baril kung mag co concentrate ka at kung se seryusohin mo ang ginagawa mo.

"Okay, I'-Tapos na ako" pinag pagan ko lang ang pantalon ko dahil baka merong natapon maraming tao ngayon halos mga lalaki bilang lang ang mga babae sa loob ng Campo halos lahat ng babae ay nasa opisina o kaya nasa kanilang mga tahanan nag babantay ng mga anak hindi ko alam bakit sumali si Kyra sa pag susundalo e ilang taon na syang nag Te training hindi parin sya marunong humawak ng baril o baka naman kagaya ko sya, ang tatay ko ang may gusto ng ginagawa ko at hindi ako.

Nasa harapan na kami ngayon ng Opisina kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan nadatnan kong nakasalamin ang tatay ni kyra Masasabi kong gwapo sya kahit may pag ka tanda na makisig parin syang tignan nag angat naman sya ng tingin.

"How's the training" napa kunot naman ang nuo ko akala ko ba hindi puwedeng mag Ingles bahala sila.

"Ayos lang po" tumango tango naman sya at binalik ang tingin sa mga papeles

"Bakit mo ako pinatawag?" Bored na tanong ko, kaya napa kunot ang nuo nya wala namang mali sa tanong ko ah.

"Where's your manners?" Madiin na sabi nya, oww shoot nakalimutan ko kilala pala si kyra bilang magalang at masunuring bata e kasalanan ko bang mag kaiba kami.

"Sorry po" inismiran naman nya ako

Tumayo sya at may kinuha sa isang drawer naka lagay sa paper bag inabot nya yun sakin kaya chineck ko kung anong laman dress pala Kulay pulay muntik ko nang makalimutan meron party mamaya.

"Wear that later" tumango naman ako

"Kamusta ka ng mga nag daang araw ng nagising ka ngayon palang ulit kita nakita at naka musta"

Akala ko wala syang paki elam sa anak nya e

"Ayos lang po"hindi talaga ako sanay gumamit ng Po at Opo paki ramdam ko napaka bait ko kahit hindi.

"Sinabi ng kaibigan mo na marunong ka nang gumamit ng baril" hindi naman mahirap e feeling nyo lang.

Magaling mag turo tatay ko e

"Magaling syang mag turo" naka ngiti kong sabi kaya tumango sya hindi ko naman puwedeng sabihin na magaling ang tatay ko e baka mag taka sya.

"Sige na may gagawin pa ako, wag mong kakalimutan mamaya" pag papaalala nya,

"Sige po, bye po papa" lumapit naman ako sakanya at hinalikan sya sa pisngi nagulat naman sya sa ginawa ko pero kala unan umangat ang sulok ng labi nya, dali dali akong lumabas ng opisina nya.

_________________


The Broken PromiseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang