EPILOGUE

194 10 0
                                    

Patalon akong humiga sa kama, ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko dahil sa training Criminology student kasi ako at hindi ko naman inaasahan na ang hirap ng training ang sakit sa katawa akala ko tuturuan kalang bumaril tsk, hindi naman talaga ito ang gusto kong kunin gusto ko mag take ng Medicine pero gusto ng tatay ko mag sundalo o kaya mag pulis ako.

Sundalo kasi ang tatay ko at gusto nya mag ka roon ng anak na lalaki pero babae ang binigay sakanila, lagi kong kasama ang tatay ko kapag training sa Campo hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sobrang pagod.

--

"Aray!" Daing ko dahil sa sobrang himbing nang pag tulog ko hindi ko namalayan na nahulog na ako sa kama hinimas himas ko ang puwetan ko at binuksan ang mata.

Nabigla ako dahil hindi ito ang kwarto ko tumayo ako para inilibot ang paningin sa buong kwarto laking gulat ko ng mapatingin ako sa Calendar nasa year 3021 ako natawa nalang ako dahil baka isa nanaman to sa prank ng mga kaibigan ko o kasama ko sa building kaya dali dali akong tumayo.

"Chen?" Tawag ko sa kaibigan ko

"Chen!?"

"Chen?, Hindi na nakakatawa" naka ilang beses rin akong tumawag pero walang sumasagot ano bang nangyayari napatingin ulit ako sa calendar wow ah paano nila nalaman ang date ngayon August 1 parin naman walang pinag bago ang naiba lang ang year.

Deja vu?

Dali dali akong lumabas at laking gulat ko na nag iba din ang ayos puro putol ang puno napakalawak ng lupain parang ka gagaling lang sa giyera ang style nag lakad lakad ako merong ilog at puno ng Acacia ano bang ng yayari nag time travel ba ako?

Posible bang mag time travel?

"Tsk, mababaliw na ata ako"buwiset kapag nalaman ko na pina prank lang ako ng mga kaibigan ko FO na kami buwiset anong kanina pa ako lakad lakad wala akong makitang tao kapag na huli ako dito makaka tikim sakin mga unggoy na yon.

Dahil sa sobrang ka lutangan ko habang nag lalakad hindi ko namalayan na may tao sa harapan ko pag kaangat ko ng tingin biglang nan laki ang mga mata ko, paano ba naman ang gwapo napanga nga nalang ako dahil seryoso lang syang naka tingin sakin naka suot sya ng pag sundalong uniform.

"Kelan pa nag karoon ng gwapo dito sa campo?" Naka tulalang sabi ko tumikhim naman sya kaya napa iwas ako ng tingin, nakakahiya.

"Gising kana pala Miss Sarmiento" napa kunot naman ulo ko sarmiento sino yun E Miss Ramirez ako e.

"Malamang anong gusto mo hindi na ako gumising?" Mahinang bulong ko.

"Sarmiento sino yun?" Pero hindi nya pinansin ang tanong ko.

"Gabi na Ayaw mo naman sigurong maparusahan?" Maparusahan oo ayoko sino ba naman ang gustong mapa rusahan aber?

"Oo malamang tanga lang ang gustong maparusahan" naka pamewang na sabi ko

"Miss Kyra pearl Sarmiento"Nag babantang sabi nya

"Sandali sino ba si kyra" tinignan nya lang ako na para bang sinusuri kung nag sisinungaling ako.

"Ikaw" Sabi ng katabi nya na Hindi ko Naman kilala ako? Wow ah Amazing

"Bumalik kana sa silid mo" sandali bakit ganun parang napaka lalim ng pag sasalita niya ng tagalog hindi ako sanay, bago sya maka alis sa harapan ko napa tingin ako sa hawak nyang jacket binasa ko yun.

INSTRUCTOR Trez Mir Montefalco

Ang cute ng name nya, pero wait Instructor instructor sya hala nakaka hiya kung ano anong pinag sasabi ko hindi naman siguro nya ako paparusahan pero kung paprusahan nya ako dapat kanina nya pa ginawa hayss.

Bakit nasa labas parin sya ng ganitong oras ano kayang ginagawa nya napaka pula ng labi nya at mukhang malambot pa hayss ano bang pinag iisip ko.

Bumalik ako sa kwarto ko pupunta na dapat ako sa kama para matulog pero may naapakan akong bagay tinignan ko iyon at nanlaki ang mata ko dahil paano ko ito na dala dito bigay to ng mama ko nung 7 years old ako mukha pa syang bago dahil hindi ko sya inaalis na box na lalagyan pero lagi ko tong bitbit, Birthday ko niregaluhan ako ng nanay ko ng Rosary Color red.

Dinampot ko at tinabi sya drawer at natulog, nagising ako dahil sa ingay merong kumakatok sa pintuan kaya dali dali akong tumayo at binuksan yon bumungad sakin isang babaeng morena maganda sya.

"Kyra!!" Sigaw nya at dinamba ako ng yakap sino ba to inalis ko ang pag kakayakap nya saakin.

"Sandali sino kaba?" Naka kunot nuong tanong ko.

"Hindi na ako mag tataka"

"Ano?"

"Diba nabagok ulo mo isang linggo karing natutulog" what so yun ba ang dahilan bakit napunta ako dito kung katawan nya ito bakit kamukhang kamukha ko sya at bakit nadala ko rin hanggang dito ang Rosary ko.

"Hoy ako to si Leya"pag papakilala nya.

"Ah hello leya" bigla naman nya akong hinatak paupo sa kama anong problema neto

"Wag kang mag sasalita ng Ingles kapag merong ibang tao"serysong sabi nya kaya nag taka naman ako.

"Bakit" takang tanong ko bumuntong hininga naman sya at nag salita

"Dahi-"hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil biglang nag bell bumuntong hininga sya at nag salita kaylangan na natin pumunta ng Field mag bihis kana hihintayin kita kaya napatango nalang ako.

Nag bihis na ako at pumunta sa puwesto ni leya ang laki ng lugar may mga alambre sa gilid gilid Binigyan ako ng baril ni leya tsk hays sanay na akong humawak neto e.

"Wag kang mag alala kyra tuturuan kita"
Napatingin naman ako sakanya.

"Tuturuan saan?"

"Sa pag hawak ng baril" lumapit sya saakin at hinawaka. Ang kamay ko hinayaan ko nalang sya dahil baka mag taka sya saan ko natutunan ang pag hawak ng baril,tinuro nya kung paano bumaril.

"Ganun bumaril ikaw naman"lumayo sa saakin kaya pumusweto ako at pinikit ko ang isa kong mata at pinutok, napa ngisi nalang ako ng sa gitna tumama ang bala nabigla ako ng biglang pumalakpak si leya.

"Ang galing ko talagang maging Trainor" napangiwi nalang ako sa sinabi nya.

"Ang galing mo kyra" masayang sabi nya.

Alam ko....

"Salamat"

Natapos rin kami sa training, at nandito kami ngayon sa Canteen tinanong ko si leya kung bakit ganito ang itsura ng pilipinas ng una nag taka sya pero sabi ko nabagok ako at medyo nawala ang memorya ko nag hihirap na pala ang Amerika at gusto nilang sakupin ang pilipinas para makuha ang yaman ng nito,

Hayss tinanong ko nga kung World War III na pero nag mukha lang akong Alien sa tanong ko dahil hindi nya pala alam ang world war III tsk hindi ba nila pinag aralan ang history ng pilipinas, unti unti ko naring na ta tanggap na nasa 3021 ako pero hindi ko parin maintindihan bakit ako napunta dito at anong rason.

____________

Hi to everyone who asked why my fantasy story was gone, someone reported it and hindi ko na maibalik




The Broken PromiseWhere stories live. Discover now