"Morning, Arken at mama. Ano iyang ginagawa mo, ma?" Umupo ako sa tabi ni Arken na nakatingin na saakin. Nginitian ko siya at kumuha ako ng bacon strip sa kinakain niyang almusal.

"Gagawin kong lumpia, anak. Para mamayang gabi ay mag lu-lumpia tayo pag uwi niyo ng kapatid mo." Tumango na lang ako sa sinabi ni mama at sinaluhan si Arken sa kinakain nito. "Reihan, kumuha ka rin ng saiyo." Hindi ko pinansin si mama at nakikain lang sa plato ni Arken na pasulyap-sulyap saakin.

"Bakit?" Tanong ko habang ngumunguya ng hotdog na galing sa plato niya.

"Lasing na lasing ka kagabi." Puna nito. Napangiwi ako. Hindi, Arken. Alam ko lahat ng nangyari kagabi pati ang mga sinabi mo. Napabuntong hininga na lang ako at tumango.

"Hmm, kinulit ba kita?" Kunwari kong tanong. Tinitigan niya ako nang matagal bago umiling at sinubuan ako ng itlog at fried rice. Napangiti ako. Ito ang mga ganap na ayaw kong hindi na mangyari kaya't hindi na lang ako magsasalita sa mga nalaman ko kagabi sa nakababata kong kapatid.

"Gusto ko pa niyang gatas mo, penge." Ani ko. Nagtaka naman ako nang makitang saglit na ngumisi ang kapatid ko bago inabot saakin ang tasa ng gatas. Kunot noo akong uminom doon bago tumayo at kumuha ng mansanas sa ref.

"Bilisan mo na, Arken. Sabay tayo papasok." Ani ko at lumapit kay mama at humalik sa pisnge nito. "Pasok na ko, ma." Ani ko at pumunta sa garahe para kunin ang motor ko. Motor ko iyon pero laging si Arken ang gumagamit, hindi ko kasi gusto ang mag maneho kaya't ang kapatid ko ang pinagmamaneho ko. Gusto ko kasi ay kotse pero hindi pa daw pwede sabi ni mama kaya pa-motor motor muna kami ni Arken.

Habang hinihintay ko si Arken na lumabas ay kumuha muna ako ng yosi sa bag ko at sinindihan iyon. Nang makitang papalapit na saakin si Arken ay mabilis kong inubos ang yosi ko at itinapon iyon tsaka kumagat sa mansanas na dala ko.

"Nag yo-yosi ka nanaman, kuya. Sabi ni mama ay alak lang ang pwede sayo." Napangiwi ako sa seryosong ani ng kapatid ko.

"Yaan mo si mama, minsan lang naman ako mag yosi." Hindi na ito kumibo at inabot na saakin ang helmet ko. Nang pareho na kaming nakasakay ay pinaharurut niya na ang motor papunta sa school.

Nang makarating kami sa school ay dali-dali akong bumaba sa motor at hinubad ang helmet at inabot iyon sakanya.

"Ma-le-late na ko, Arken. Sabay tayo mag lunch mamaya!" Mabilis akong tumakbo papunta sa room ko. Pagkarating ko doon ay saktong nakasabay ko ang prof namin sa unang period. Umupo ako sa pwesto ko at kita ko na wala sila Rio. Hindi siguro ang mga ito papasok. Malamang ay tulog pa ang mga iyon ngayon. Ayaw tumigil uminom e.

Dahil wala ang tropa ko ay naging boring ang klase ko hanggang sa sumapit ang break time. Iba pa ito sa lunch time pero dahil isang oras pa bago ulit ang pasok ko ay tumungo ako sa cafeteria para hanapin ang kapatid ko. Sana ay break time din niya ngayon. Kung bakit naman kasi lumiban ang mga tropa ko, wala tuloy akong kasama.

Nang makapasok ako sa cafeteria ay inilibot ko ang tingin ko at nakita ko nga ang kapatid ko dahil sa tangkad at kulay nito. Kasama niya ang dalawang kaibigan niya pero nakatutuk si Arken sa librong hawak. Nerd.

Nangingiti akong lumapit sakanila at dinig ko pa ang mga babaeng nagbubulungan at pasulyap-sulyap sa kapatid ko na mukhang nasa ibang mundo sa sobrang tutuk sa libro. Iyong kaibigan niyang si Harper ang unang nakapansin saakin. Agad nagliwanag ang mukha ni Harper at kumaway saakin.

Arken NeedsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu