Chapter 43: Goodbye

Start from the beginning
                                    

Hinayaan ko na lamang ang mga nasaksihan ko at nagpatuloy na lamang sa paglalakad para malaman ko kung nong nangyayari. Wala na rin akong balita sa palasyo ngayon dahil hindi ko maiwan-iwan ang mag-ina ko lalo na't sa kalagayan nila, mas kailangan nila ako. Pero natitiyak kong kasal na ang dalawa at may bago ng Reyna ang kaharian.

Nalulungkot lamang ako dahil nagpasya na ang Hari. At hindi ko rin naman maiwasang hindi magalit at madismaya dahil sumang-ayon siya sa babaeng shaman na iyon. Mas lalo niya lang pinapagulo ang lahat. Kung hindi lamang napahamak ang tagapagsilbi ng Reyna ay hindi sana malalagay sa piligro ang buhay ng Reyna ngayon. Kung nasaan ka man, Kamahalan, sana ay ligtas kayong dalawa. Bumalik ka na, Reyna Shin. 

Umupo na kami at nag-utos na rin ako sa aking mga tagapagsilbi na maghanda ng makakain para sa mga panauhin. 

"Kamahalan, kung inyong mamarapatin, nais ko sanang malaman kung bakit hindi kayo mismo nagtungo sa palasyo at doon humingi ng tulong?" panimula ko. 

"Iyan lamang ba ang itatanong mo? Bakit hindi mo rin itanong sa akin kung bakit nasa aking pangangalaga si Ginoong Kang? Nais mo rin bang malaman kung bakit humantong siya sa ganoong paraan? O 'di kaya naman ay, sino ang nagtangka sa buhay ng babaeng kasama mo ngayon?" natigilan ako. Para bang nababasa niya ang laman ng isipan ko. 

"O 'di kaya'y, may kinalaman ba ako sa kanilang dalawa kaya humantong sila sa ganitong sitwasyon?" dugtong niya pa muli. Bumibilis lamang ang aking paghinga. Hindi niya alam kung anong galit ang namumuo sa akin habang pinagmamasdan ko noong matagpuan kong nag-aagaw buhay ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Gusto kong patayin ang taong gumawa nito sa kaniya. At kung may nalalaman man ang Hari ng silangan, gagawin ko ang lahat mapatay ko lang ang taong nanakit sa mahal ko. 

Kitang-kita ko kung paano sumilay ang gilid ng labi niya. Kaya malamig ko siyang tinignan nang harap-harapan. Pero isang bulwak na tawa lamang ang ibinigay niya sa akin na siyang ikinawala ng aking pasensya. 

Natigilan siya at naging alerto ang kaniyang mga kawal at tagapagsilbi nang tinutukan ko siya sa leeg gamit ang aking espada. Pinatigil niya lamang ang kaniyang mga kawal na para bang ipinapahiwatig niya huwag silang lumapit at hayaan lamang kaming ganito. 

"Walang dapat ikabahala sa aking intensyon, Heneral. Bagkus ay dapat ka pang magpasalamat dahil hindi ko na kukunin pa sa iyo ang babaeng gusto mo at ang kapatid nitong lalaki. Magiging malaya na sila mula sa aking paghuhukom." saad niya. Nagtataka na tuloy ako. Hindi ko na alam kung ano bang pinapahiwatig niya na dapat kong malaman. 

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko. 

"Wala na at tapos na ako sa kanila. Pinapatawad ko na sila mula sa kasalanan ng kanilang ama. Alam kong nagkakamabutihan na ang Reyna at si Lady Violet. Ang kaibigan ng Reyna ay kaibigan ko na rin, kaya pinapawalang bisa ko na ang kamatayang nakapatong mula sa kanila." saad niya. Ano bang pinagsasabi niya? 

"Ano bang nais mong iparating? Bakit hindi mo na lamang ako sagutin ng maayos? KAMAHALAN?" diin kong saad. Bumulwak lamang siya ng tawa. Ano bang problema niya? Ano bang klaseng hari ang nasa aking harapan? 

"Sige, ipapaliwanag ko sayo, kaya maaari bang ibaba mo na ang iyong sandata, HENERAL?" diing saad niya. Sinunod ko na lamang ang kaniyang nais. 

"Ang pamilya ng mga Kang ay may dapat na pagbayaran na kasalanan. Maraming bata ang muntikang mamatay dahil sa kagagawan ng pamilya Kang. At dalawa sa mga batang iyon ay kapatid ko. Ang taong iyon ay napakasamang tao. Hindi ba't kahit sarili niyang anak ay sinasaktan niya para lamang makuha ang kapangyarihang nais niya? Hindi pa siya nakontento at nais niya pang maghari? Ang kapal ng budhi niya!" galit na may kasamang inis ang pinapakitang niyang emosyon sa akin. 

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now