24. Amber and the Festive

Magsimula sa umpisa
                                    

Dinukot ko mula sa bulsa ng bag ko ang pahina ng librong pinuslit ko. Inabot iyon ni Mistress Fhaun at kinuha ang libro mula sa cabinet. She casted a spell to return the page to its normal condition. Parang walang bakas na napunit ang pahinang yun. She's really the master of spell and potion.

"Did it work?" She asked with a tone of authority.

"Yes." I was a bit proud pero hindi ako sigurado kung matutuwa ito. I planned an exit. "C-can I go now?"

She turned to face me. She wasn't smiling, not even frowning... "Tomorrow will be the annual parade of the academy. As you know we are celebrating the 500th anniversary of Cairos Academy." Huminto ito para haluin ang nilulutong weird soup na kanina pa kumukulo bago nagpatuloy. "You will be joining Musa de Cairos tomorrow."

Musa de Cairos! Nagitla ako. Ako? Sasali sa pageant? At sa Musa de Cairos pa? Hindi ako nakaimik kaagad. Isang prestihiyosong patimpalak ang Musa de Cairos na sinasalihan ng mga babaeng estudyante ng Cairos Academy. Taon-taon nalalathala yun sa mga magazines and newspapers ng Cairos. Ang mga nananalo sa patimpalak ay nagsisilbing ambassador ng paaralan. The last winner of Cairos married the king of the neighboring country. May mga pagkakataon dati na pinangarap kong makasali sa naturang patimpalak at iniimagine ko pang mananalo ako. Tapos mapapangasawa ko ang prinsipe ng Cairos na anak ng haring Holoma. Now, that Mistress Fhaun burst the bubble, it dawned on me that joining the competition isn't that exciting at all. Pinangunahan kasi ako ng kaba.

"Akala ko ba punong puno ka ng kumpiyansa sa sarili? Anong nangyari sayo Miss Frost?"

Nagising ako bigla at pinilit makabawi kay Mistress Fhaun. Tumikhim ako bago nagsalita silently. Ba't di na lang ikaw ang sumali?

"Title holder na ako niyan fifteen years ago." She answered as she read my mind. I saw her slightly wiggled her shoulders... proudly.

Nagulat ako. Title holder si Mistress Fhaun ng Musa de Cairos? Really? Seriously Fhaun?

"Pressured?" She smirked inwardly na parang mas natutuwa ito kapag napepressure ako. "Well you shoul be." Saka ito bumalik sa niluluto.

Ikaw na ang maganda Misstress Fhaun. Eh di ikaw na. "Bakit ako?" I sheepishly inquired.

"Why not you?" Binalik nito ang tanong ko without looking at me. Abala ito.sa mga kung anu-anong pinaglalagay sa niluluto.

Mangkukulam. I almost uttered. She ignored what she heard from my head.

"You're one of the most beautiful faces in this campus. Matalino. Matangkad. Well dressed. We'll disregard your being juvenile sometimes. Lara should join as well pero alam mong kailangan natin siyang itago at protektahan after what have happened. You should be happy dahil hindi mo magiging kakumpitensya ang bestfriend mo. There will be ten of you; three from the house of draco, three from the house of monceros, three from columbae and one from the headmasters' hot pick. Ako ang inatasan ni Master Uran na pumili ng hotpick and I suggested you. They agreed. You will agree. There is no turning back. End of discussion."

Coming from Mistress Fhaun, na maganda ako, matalino, sexy... I was flatterred. But after knowing that I was a headmasters hotpick? Nakakapressure. Holly crap! Anong gagawin ko?

"Be yourself. Enjoy the moment." Fhaun answered as she put some herbs to her recipe without any intentions of looking at my expression.

Hindi pa ba natatapos magluto 'to? Ano yan century food na kailangang lutuin habambuhay? Encourage me! Anong gagawin ko?

"Since you are the headmasters' pick, I will be your mentor. Kapag nanalo ka sa competition...," she paused as if she was thinking if the words, she's about to say are appropriate, "kapag nanalo ka, papayag na akong hanapan mo ako ng nobyo."

Then out if the blue...natawa ako bigla. Malakas na malakas. Nakakabingi. The usual hard and loud laughter that irritates Fhaun. Mistress Fhaun rolled her eyes sabay talikod saakin.

"I'll be briefing you later this afternoon. Pwede ka na munang magpahinga Miss Frost." I heard her trying to hide the amusement. She meant I'm dismissed.

"Okay." Tipid kong sagot. Gagawin ko ang lahat para manalo at hahanapan kita ng nobyong tatanggal sa kasungitan mo! Sigaw ng isip ko sabay labas ng kitchen ng pagkabilis-bilis.



***

ALVIS

Nang makaalis si Laurent patungong kusina ni Mistress Fhaun para dalhin ang tail of Arang ay nagpatuloy si Master Uran tungkol sa Black Prophecy. Kanina lang ay kinuwento nito kung paano paano pinatapon ang mga rebeldeng keepers na nagtataguyod ng black prophecy. Kung paano naipanalo ng council ang digmaan.

"Lara, ang kailangan mo lang gawin sa ngayon ay protektahan mo ang sarili mo sa mga tenebris. Hindi natin alam kung ano pa ang mga nakasulat sa itim na libro ng mga tenebris. Yun ang aalamin namin at kami na ang bahala sa lahat." Kalamadong sabi ng master.

"Paano kung bigla silang sumalakay sa academy?" I asked.

"Hindi nila kayang salakayin ang academy dahil nasa mismong boundary ito ng kapitolyo. Maraming mga mercenary keepers and inatasan ng kapitolyo para magbantay at panatilihin ang kapayapaan sa buong bansa. They're outnumbered. Matagal nang iniimbistigahan ng haring Holoma kung nasaan ang dark world pero hanggang ngayon ay wala pang malinaw na kasagutan. Lara and the rest of you is safe here." Napanatag naman ang loob ko sa sagot ni Master Uran.

"Paano na si Cael master Uran?" Lara softly asked but enough for us to hear.

"Lara, nagpadala na ako ng secret mercenary keepers para hanapin ang kapatid mo. Sasabihan kita agad kapag may mga dumating nang mensahe mula sa kanila." Anang master na ang tinutukoy ay ang mga mercenary group.

Mercenary keepers ang tawag sa mga keepers na matagunpay na nagtapos sa academy at pumasa sa pagsusulit ng kapitolyo. Sila ay tumatanggap ng bayad mula sa gobyerno ng Cairos para gawin ang kahit anong misyong inuutos mula sa pamahalaang Holoma. Balang araw, magiging mercenary keeper ako. Nasambit ko sa aking sarili.

Natapos ang pag-uusap namin nila master Uran. Inalam lang nito ang nagyari saamin sa mystic forest ng Parisi at binigyan ng ideya tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa black prophecy at sa mga tenebris.

Paglabas namin mula sa headmasters house ay nadatnan naming naghihintay si Laurent. Seryoso ang mukha nito gaya ng dati.

"Ruuuu!" I heard ruru as he jumped off ro reach Laurent. Agad naman itong nasalo ng lalaki.

Awkward silence.

"Where's Amber?" Lara broke the ice. Nahalata siguro nito ang ilangan. Lalo na't tumigil kami sa paglalakad at kaharap si Laurent.

"Kausap ni Fhaun. Kamusta pakiramdam mo?" He asked Lara in a low voice.

Nilingon ko si Lara. Napangiti ito saakin bago sinagot ang kausap.

"I'm okay. Medyo pagod lang. Siguro kailangan ko munang magpahinga bago tumulong para sa preparation ng anniversary ng academy" She declared softly. Nandoon parin ang lungkot sa tinig nito. Hindi ko siya masisisi. Masakit mawalan ng kapatid, ng pamilya.

One defeaning silence again. Tila may namumuo na namang ilangan.

"Halika na, hatid na kita." Hindi ko alam pero nagkasabay kami ng bigkas ni Laurent. Hindi ko rin alam kung sinong nauna samin at kung sino ang mas malakas ang sabi. Ngayon kanino sasama si Lara?

###

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon