Dapat man lang nag warning si God kay Santa na ganito rin kasakit ang dadanasin niya sa mom niya. Para man lang makapaghanda siya, hindi ganito. Na halos mabaliw na siya sa sakit na nararamdaman. 

"S-sorry, Chrysanta. I can't explain to you clearl-"

"Stop saying sorry! It's fucking useless, mom." 

Nakita niya ang sumilay sa mata nito ang matinding sakit dahil sa sinabi niya ngunit hindi niya na iyon inintindi pa. Kahit sa araw lang 'to, alalahanin niya muna 'yung nararamdaman niya ngayon bago sila. 

"C-Chrysanta. Please be strong-" 

"Mom, I can't." Nag-angat siya ng tingin dito at tinitigan siya diretsyo sa mata. "In the first place, I'm not really strong as you thought. "

Mahina siyang natawa at ginulo ang sariling buhok. "To be honest, nabubuhay na lang ako sa mundong 'to dahil sa pangako ko sa kapatid ko at sa'yo. Ayokong iwanan ang mga kapatid ko at nangako ako na dapat masilayan ko sila na kaya na nilang ipagtanggol ang sarili nila at makikita ko sila na suot-suot nila ang maging gusto nila paglaki." 

Malalim siyang humugot ng hangin upang pigilan ang sarili na umiyak at humagulgol ng malakas muli. "So how I can be strong if my promise to Rian and Lea is the only thing that keeps me alive?"

"Chrysanta..." 

Malalim siyang bumuntong hininga at yumuko. Mariin siyang pumikit at kinuyom ang kamao. 

"Soon. You will understand." 

Agad siyang nag-angat ng tingin dito. Pero agad nanlaki ang mata niya ng sumalubong sakaniya bigla ay ang ceiling ng kwarto niya. 

Where's mom!? 

Akmang tatayo na siya ng biglang bumalatay ang matinding sakit sa likuran niya kaya agad siyang ngumiwi. 

"Santa!" 

Agad siyang napalingon sa gilid niya ng marinig ang pamilyar na boses. Hindi niya na naman ang uunahin niyang maramdaman ng makita si Pepper, Poppy at Happy na nag-aalalang nakatingin sakaniya. 

"Pepper, Poppy," nanghihinang bulong niya. 

Agad naman silang tumangong sabay at hinawakan ang kamay niya. Ngayon niya lang naramdaman ang matinding panghihina ng buong katawan niya. Isama mo pa ang sobrang nananakit na likod niya na para bang hiniwa siya doon ng paulit-ulit. 

"Sorry, ngayon ka lang namin napuntahan kung kailan huli na ang lahat," puno nang pagsisi na sabi ni Poppy at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi niya. 

"Patawarin mo kami, Santa. We didn't save you-" 

"Save me from what?" kunot-noong tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa tatlo. 

Gulat na nagkatinginan ang tatlo. 

"You didn't remember!?" gulat na tanong ni Happy at hinawi ang ilang pirasong buhok na humarang sa mukha niya. 

Kunot-noo siyang umiling at tumitig sa itaas. Pinipilit na aalalahanin kung bakit nakaratay siya sa kama niya habang masakit ang buong katawan niya. 

Unti-unting nagpasukan ang mga alaala ni Santa mula doon sa sinampal siya ng dad niya hanggang sa dinala siya nito sa pamilyar na lugar. Sa office ng dad niya. Sa likod ng bookshelf niya ay may nakatagong pintuan doon. At doon sa maliit na kwartong iyon ay doon siya laging pinapalo ng iba't-ibang klaseng latigo sa buong katawan niya. Especially sa likuran niya. 

Noong bata siya nagsimula ang pagpalo sakaniya ng ganu'n noong napahiya niya ang sarili sa party. At simula 'nun ay takot na takot na ang dalaga na makagawa ng pagkakamali at pumasok sa office ng dad niya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now