Gano'n pala iyon? Medyo malagkit siya at parang may amoy. Para siyang shampoo...madulas. Pinilig ko ang ulo ko dahil nandidiri na sa sarili. Bakit ko ba dine-describe ang tamod niya?

"Hindi ko mahanap ang tissue kaya sa medyas na lang."

"Ay pota ka!" gulat kong sigaw dahil sa biglang pagsasalita niya sa likuran ko. Gising na siya. Narinig niya ang sinabi ko. Napahawak ako sa noo ko at napahinga ng malalim.

"S-Sorry po sir. Gagamit po kayo ng banyo?" tanong ko at napunta ang mata ko sa nakaumbok sa boxer shorts na suot niya.

"Obviously, kung tapos mo nang linisin ang kamay mo," aniya sa isang garalgal na boses. Halatang kagigising niya lang at ang sexy pakinggan ng boses niya.

Naisip ko ulit ang nahawakan ko at nadako ulit ang paningin ko sa nakaumbok roon. Ganon kadami ang nailabas niya? Hindi makapaniwala kong tanong sa aking isipan.

"Lalabas ka na ba o gusto mong tingnan akong umihi?" iritado niyang sinabi at nagmadali akong nagpunas ng kamay.

"L-Lalabas na po," sabi ko at nang makalabas ay dinig na dinig ko ang pag-ihi niya sa toilet bowl. Hindi man lang niya sinara ang pintuan! O ako ba dapat ang gagawa no'n? Siguro nga ako, dahil ako naman ang katulong niya.

Habang nasa banyo siya ay bumaba na muna ako para kunin ang agahan niya. Bumalik naman ako agad dala-dala ang mga pagkain. Nang pumasok ako ulit ay narinig kong lagaslas ang tubig kaya alam kong naliligo na siya. Iniayos ko na lang ang mga pagkain sa mesa at kinuha ang naiwan pang mga medyas.

Maingat ko iyong pinulot at baka makahawak na naman ako ng masamang likido. Kawawa naman ang maglalaba ng mga iyon. Sabi ko sa isip ko.

"Hey! I need soap!" sigaw niya galing sa banyo.

"P-Po? Opo! Kukuha na!" Patakbo akong bumaba at kumuha ng liquid soap niya sa storage room nitong bahay. Mukha na ngang grocery store iyon ,e. Ganito pala talaga ang mayayaman. May maraming nakaimbak na groceries, samantalang tayong mahihirap masaya na kung mabibili natin ang kailangan sa bawat araw.

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto diretso sa banyo.

"Sir, ito na po ang sabon niyo," sabi ko at biglang bumukas ang pintuan ng banyo.

Jesus, have mercy on me.

Bumungad sa akin ang basang-basa niyang katawan at may tuwalya na nakakapit sa beywang niya. Dumadaan ang tubig sa bawat bahagi ng matitigas niyang tiyan at tumutulo pa ang tubig sa basa niyang buhok. Okay na sana, kaso minus talaga ang sobrang haba niyang bigote.

"My soap..." nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya. Nakalahad na pala ang kamay niya at hinihintay na ibigay ko ang sabon. Tumikhin ako bago pa ibinigay sa kanya ang bote ng liquid soap at para akong mabibingi sa sobrang lakas ng pagkasarado niya ng pintuan.

Sama talaga ng ugali.

Inayos ko na muna ang kama niya habang hinihintay siyang matapos maligo. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit at parang may bigla akong naalala. Mga maliit na kamay na magkahawak. Parang kamay ng mga bata.

Naupo ako sa kama at nagpasyang uminom ng tubig galing sa dala kong pitsel. Iisang baso lang ang dala ko. Nag toothbrush naman ako, kaya okay lang naman sigurong ito na lang ang gamitin ko.

Agad akong kumuha ng tubig at ininom iyon. Ano kaya 'yong naalala ko kanina?

Bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas doon si Alex. Diretso siyang naglakad papunta sa katabi nitong pintuan. Sinundan ko naman siya agad. Naabutan ko siyang nangangapa ng damit kaya lumapit na ako.

"Ano po ang gusto niyong suotin, sir?" tanong ko sa kanya. Sinilip ko ang mukha niya at kumunot ang noo niya. Ang sungit, parang tinatanong lang. Ayaw niya bang tinutulungan siya?

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon