Halos mawala na siya sa wisyo ang dalaga ng maramdaman ang dulo ng labi ng binata. At saktong kinagat nang malaki ni Milo ang natirang french fries ay may kung anong sumabog sa loob t'yan ni Santa. 

"Nag kiss na sila!" sigaw ni Shila hhabang tumatalon. 

Hindi alam ni Santa ang uunahin niya. Iiyak ba siya o magiging masaya. Ramdam na ramdam niya ang lambot ng labi ni Milo habang nakalapat iyon. 

Pumula ang buong mukha niya nang maramdamang kinuha ni Milo ang french fries na kagat-kagat niya at lumayo na sakaniya. 

"Na videohan ko 'yun!" nakangising sabi ni Shila saka umayo na nang upo. 

"Ano, gwapo ba ako?" nakangising tanong ni Milo at kumuha ng french fries na nasa harap nita. 

Lumunok ang dalaga at lakas na loob humarap kay Milo. "H-Hindi p-pa ri-" 

Halos lumuwa na ang mata ni Santa ng makitang lumapit na naman si Milo sakaniya. Kaya agad siyang umurong. At dahil walang harang ang magkabilang gilid ng upuan ay diretsyo siyang nalaglag sa lapag. 

"Tuluyan nang nalaglag si Santa sa'yo, Milo," nakangising sabi ni Santa habang umiling-iling. 

"Alam ko," nakangising sagot ni Milo saka inalalayan si Santa na makatayo. 

Nakangusong nagpaalalay lang si Santa sakaniya. Nang maka-upo siya ay agad niyang hinilot ang bewang niya dahil nanakit iyon. 

"Are you okay?" nag-alalalang tanong nito. Agad namang tumango ang dalaga at binitawan na ang bewang niya. 

Muntik na naman siyang malaglag ng mabilis siyang matunog na halikan ni Milo at sabay dinilaan ang labi niya pagkatapos 'nun. 

"Milo!" inis na sigaw niya at malakas na hinampas ang braso ni Milo. 

"Yes, Lemon ko!?" 

Mas lalong umusok ang ilong ni Santa. "Anong lemon!?" 

"Amoy ng cute mong kili-" 

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakakalimutan 'yun!?" inis na sigaw niya at pinagpapalo kung saan-saan si Milo. 

Agad namang umiilag doon si Milo at malakas na tumatawa. Habang si Shila naman ay nakakunot lang ang noo. 

"Bakit ko naman kakalimutan ang amoy ng cute mong-"

"Then I will call you calamansi. Because you smells like calamansing bulok." 

Nanlalaking matang humarap muli sakaniya si Milo. "Anong calamansi!? Ang asim naman pakinggan 'nun-"

"Whatever, Calamansi," nakangisi niyang sabi at mabilis na tumayo at tumakbo papanalik sa building nila. 

"Lemon! Hintayin mo ko!" 

Matalim siyang umirap. "Bahala ka d'yan!"

"Lagot ka, Miloga. Manunuyo ka ngayon ng isang ceo!" natatawang sigaw ni Shila kaya mahinang natawa si Santa. 

"Kapag talagang nahabol kita ngayon hahalikan kita hanggang sa mawalan ka nang hininga!" sigaw nito dahilan para manlaki ang mata ni Santa. 

Biglang nilukob ang puso niya ng excitement ngunit agad niya iyon hinampas ng mahina. "You shouldn't feel excited!"

Wala namang masama sa paghahalikan. May sila na naman pero nahihiya lang si Santa at mas lalong nakakahiya na hindi siya marunong humalik pabalik. 

Namula ang buong mukha niya ng makitang may mga istudyante na nagbubulungan tungkol sa sinigaw ni Milo. 

Bakit ba kasi kailangan niyang isigaw 'yun!? 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now