"Lilyshi." 

Agad bumalik ang titig ng dalaga sa mga mata nito. Hinawakan ni Milo ang mukha niya saka hinaplos iyon gamit ang malaking hinlalaki niya. 

"Hindi porket sinabi ko na hindi ngayon ang tamang takda ng oras na hihingiin ko ang kamay mo, ay hindi pa ako handang pumasok sa relasyon." Hinaplos nitong muli ang pisngi niya. Kaya pinigilan ni Santa ang pagpikit upang hindi maputol ang titigan nila. 

"Kung alam mo lang kung gaano ko gustong maging akin ka. Pero pinipigilan ko lang na bilisan ang pag-alok sa'yo dahil alam kong marami kang pinproblema. at ayoko na makadagdag pa doon." 

Ang kaninang pangamba ang nawala ng ganu'n kabilis dahil sa narinig. So all this time naghihintayan lang pala sila. Hinihintay ni Santa na liagawan siya ni Milo habang si Milo ay naghihintay ng magandang oras para ligawan siya. 

May kung ano naman ang humamplos sa puso niya ng marinig iyon. Unang iniisip ni Milo ang kapakanan niya bago siya. It's heartwarming but Santa doesn't want that.

Bumuntong hininga si Santa at hinawakan din ang magkabilang pisngi nito. "Thank you. Thank you for always thinking about what I would feel first but, please. Don't always put me first. Sometimes you should put yourself first before me. Okay?"

Bumuntong hininga ito. "Pero gusto kong lagi kang inuuna-" 

"Don't. Alam kong hindi sa lahat ng oras ay lagi mo kong uunahin kahit na gusto ng puso mo na unahin mo ko. Dahil darating ang araw na may iba kang taong uunahin, kaysa sa'akin," makahulugan niyang sabi saka tinapik ang ulo nito. 

Malalim na lang siyang bumuntong hininga at yumakap kay Santa. Agad naman ginantihan iyon ni Santa. Nakapantulog na siya habang si milo ay hindi pa rin nagpapalit kaya napailing nalang siya. 

"Pangako. Kahit na tayo na ay liligawan pa rin kita ng paulit-ulit. I will not get tired of courting you," puno ng sensiridad na sabi niya at hinalikan ang balikat niya. 

Agad napalunok ang dalaga ng magtaasan ang balahibo niya sa ginawang 'yun ni Milo. Mabuti na lang at hindi niya napansin kaya nakahinga ng maluwag si Santa. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Ngayon ay bumalik na sila sa dating nakagawian. Pero ang bago lang ay mag-sa ngayon si Santa na nakasakay sa kotse. Habang si Happy naman ang nag mamaneho. 

"Kuya Happy," tawag niya kaya agad tumingin ito sa rear mirror. 

"Yes?" nakangiting tanong niya. 

Malalim na bumuntong hininga si Santa. "Where's Saddy?" 

Nakita niyang sumeryoso ang mukha nito kaya napa-ayos ng upo si Santa. Mali bang tinanong niya 'yun sakaniya? 

Hindi niya naman sinisisi si Happy kung tinatago niya 'nga si Saddy dahil para rin iyon sa kapakanan ni Saddy. Pero sana ay huwag konsintihin ni Happy ang maling ginawa ni Saddy. 

"I don't know where is he either," seryoso niyang sabi kaya napatitig sakaniya si Santa. 

Halata sa mga mata nito ang pangungulila kaya agad nag-iwas ng tingin si Santa. Kahit naman siya ay nangungulila na rin kay Saddy. Gustong-gusto niya nang makausap si Saddy ng masinsinan. 

"I miss him," bulong niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. 

"You miss him? Hindi ka galit sakaniya?" tanong ni Happy habang ang tingin ay sa daanan. 

Agad naman siyang tumingin kay Happy. "I'm mad at him. Pero gusto kong marinig 'yung explanation niya."

Bumuntong hininga ito. "Simula noong nangyari ang accident hindi na siya nagpakita pa sainyong lahat. Pati sa'akin kaya nag-aalala ako na baka nag su-suffer siyang mag-isa ngayon."

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now