Chapter 14 - Luncheon Party

Start from the beginning
                                    

Once inside our own, Caylee spoke freely. "I'm glad Silva never played the Annual Elite game that seriously. Kasi sa totoo lang, talong talo niya kami ni Zin. He can win so easily if he wants to."

"Alam mo naman sila ng kapatid niya, lowkey lang," Tiff muttered while she's fixing the strap of her heels.

I just listened to them since I haven't met the host or his sibling. Mamaya kapag nakita ko siya, magpapasalamat talaga ako at na-invite ako dito kahit hindi pa kami magkakilala. I know he probably didn't create the guest list but still, as a sign of respect, I'll thank him.


"Hey!" I immediately smiled when our friends finally arrived. Ang ga-gwapo nilang lahat sa mga suot nilang bohemian loose shirts. Si Rios may suot pa ngang felt hat habang si Zin may pa-scarf na nakapatong lang sa balikat niya.


"Wow!!!" asar ni Naomi. "Pa-kiss nga!"

"Lika dito!" tatawa-tawang biro ni Kiel na humalik naman sa pisngi nito.

Naomi chuckled and playfully slapped his face. "Kadiri!"

Umupo si Kiel sa tabi nito at ngumisi lang.

Lately napapansin kong nagiging malandi na rin si Kiel like Rios. Madaming nagkakagustong mga babae sa kanya since first year college kami, and I heard kahit noong grade school pa lang siya, lapitin na talaga siya ng girls. But he's just nice to them. He doesn't really flirt back. Pero ngayon, nagbabago na siya. Pumapatol na siya.

Not that Naomi's one of his girls. We all know they were both just making fun of each other.


"Nasaan pala si Aaron, Caylee?" Evan asked.

"Bakit mo hinahanap? Jowa ka ba niya?"

"Tol, wag mo na tanungin. Matic hindi invited 'yon," Zin said. The boys laughed loudly because of that.

"Ugh, you guys are so annoying." Biglang nag-walk out si Caylee nanlaki ang mga mata ko. Napailing naman si Tiff.



"Hay nako Zin, kailan mo ba tatantanan bestfriend ko? Sinisira mo na naman araw niya."

"Huh? E nagsabi lang naman ako ng totoo. Ito kasing si Evan, nagtanong pa. Lagot ka pre, nabuwisit mo si Caylee."

"Utot mo. Ikaw kaaway non, wag mo ko dinadamay."

"Damay ka, hinanap mo jowa e."

"Malay ko bang hindi invited! Bakit kasi siya nagjowa ng hindi katulad natin? Ayan tuloy. HAHAHA!" Naghalakhakan pa 'yung dalawa kaya sinundan na lang ni Tiffany ang kaibigan niya.


I stayed there, just watching everyone quietly. Maya-maya, tumabi sa akin si Ava.

"Ano na, Iris? Tingin mo makakalimutan ko talaga ang sikreto mo?" mahinang tanong niya habang nakangiti. "Spill the beans, honey."

I frowned at her but didn't dare to say a word. Hindi ko kasi siya binigyan ng paliwanag pagkatapos nung gabing tinulungan niya ako sa mga magulang ko. She lied to save my ass but I just couldn't tell her where I was. Pagiisipan niya ng kung ano ang pagkakaibigan namin ni Dash kahit na aksidenteng nakatulog lang naman talaga ako sa hotel room nung gabing iyon.

"Fine. Malalaman ko rin 'yan soon." Tumayo na ulit siya at si Ava naman ang dinaldal.


We stayed inside the tent till the music stopped. Maya-maya ay may nagsalita na sa mic.

"Ladies and gentlemen, please welcome SILVA PIERRE!" Nagpalakpakan kaming lahat nang bumaba mula doon sa hagdanan galing sa malaking mansion ang isang lalakeng naka-white pants and brown polo long sleeves. Nakatupi ang sleeves nito hanggang siko at nakabukas ang ilang butones. Ang angas ng dating at aura niya. May kaunting balbas pa ito at naka-shades na itim. He's oozing rich and naughty vibes.

Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now