"No need." seryoso kong sabi at agad siyang tinalikuran. Hinila ko si Heleina pabalik sa lamesa namin kung saan nandoon ang buong pamilya Caventry.



Pagkarating namin sa lamesa ay napatingin silang lahat sa'kin. Pansin ko rin ang kakaibang tingin ni Lord Caventry at Madam Abella na pawang sinusuri kung anong iniisip kong gawin para mag-perform sa harap ng maraming tao. Tss! Bakit kaya hindi ang anak nilang bruha ang tanungin nila?



Hindi ko na sila pinansin at tinuon ang atensyon kay Mitchel na nasa stage. Nakangiti siyang tumingin sa lahat habang inaabot sa kaniya ng katulong ang violin na sa tingin ko ay ginagamit niya sa mga competition kuno na sinasalihan nito.



"Oh my gosh! She's going to perform now!"


"Yeah, I'm excited!"


"This is a world-class performance!"


"Shh! Let's be quiet and hear it!"



"I hope this performance will help my sister to have courage to perform after me, and I hope everyone would like this!" Nakita kong ngumiti sa'kin si Mitchel kaya nginitian ko na lang siya pabalik. Hindi naman obvious ang mga binabalak niya no? Tsk!



'Let's see her performance for now...'



Tumahimik ang buong paligid at lahat ay tinuon ang atensyon kay Mitchel. Makalipas ang ilang sandali ay isang mahalimuyak na tunog ang pumaligid sa buong banquet hall. Hindi pamilyar sa'kin ang tugtog pero masasabi ko na maganda itong pakinggan. Maging ang paraan ni Mitchel sa paghawak ng violin ay nalalapit sa mga professional violinist na nabubuhay sa Earth.



Sa totoo niyan ay may alam din ako sa paggamit ng violin pero dahil sa sadyang tamad ako sa mga ganitong bagay ay hindi ako masyadong nakinig sa mga music teacher ko. Palagi ko kasing tinatanong noon kung anong konek nang pag-aaral ng music sa military, kaya ang ending ay pinahinto na lang ako nila daddy.




*FLASHBACK*



CARNELIA'S POV (15 years old)



"Every individual must make many physical accommodations in order to play the violin. There are some beginning students with nearly perfect posture and the ability to hold the violin almost effortlessly and there are some very advanced and skillful violinists who still struggle with bad habits and poor posture----- Carnelia! Are you listening?!" galit na sigaw ng music teacher ko sa violin.



Tsk! Bakit naman kasi kailangan pag-aralan ko pa ang pagtugtog ng iba't-ibang instrumento? Hindi ba nila alam na ayoko sa mga boring na bagay? Mas mabuti sana kung mas damihan pa nila mommy ang martial arts instructors ko, kaysa sa mga ganitong lessons.



Bored kong tinignan ang teacher na kumukulubot na ang mukha sa sobrang insi sa'kin.



"I'm sorry, teacher but this is so boring!" kalmado kong sabi habang nakaupo sa sofa at nakapatong ang paa sa lamesa.



"Miss Carnelia, even though you hate listening you don't have a choice and I also have no choice, so you better try listening now! Tomorrow you're going to perform in front of me!" nagpipigil na inis na sabi ng teacher.



Napahinga na lang ako nang malalim at nakinig na lang sa teacher. Baka mamaya ay himatayin pa 'to sa galit, edi nalintikan ako ni daddy diba?



"Okay, ma'am!"



"The violin should rest on the collarbone and be supported by the left hand and by the shoulder. Next, gentle weight from the head, with a relaxed neck, stabilizes the violin on the collarbone. The chin rest protects the top of the violin and adjusts for the length of the player's neck. As the violin strings are held parallel to the floor a shoulder pad is fitted to fill the slight space between the back of the violin and the player's shoulder. Do this now!"



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now