O18 : Looking After Him

Start from the beginning
                                    

"Fine. Atsaka okay lang, babae nga pala kayo pareho. Sige I'll accept defeat" sabi ko at ngumiti sa dalawa na ngumiti pabalik

"Pero maya-maya ako uuwi" sabi ni Kisha habang nakatingin parin kay Neon na mahimbing ang tulog.

"Ha? Late na. Di ka pa uuwi?" tanong ko at hindi ito tumingin sakin. Patuloy na nakatingin kay Neon, kita ang pag aalala. Ngumiti ito at nagsalita.

"Yeah, I know.. basta maya maya uuwi narin ako" sabi nito kaya tumango nalang ako. Si Cassidy naman biglang tumayo.

"Wait uwi na ako. Hinahanap na ako ni Stacy, balik ako bukas. Babush mga bes muah. Byeeeee" sabi ni Cassidy at nagmadaling lumabas. Natira kami ni Kisha dito.

Medyo awkward kaya nilabas ko nalang phone ko at naglaro. Nagchat narin ako kay Tyco na dito muna ako matutulog. Buti nalang nakapagpalit na ako ng damit. Si Kisha naman nagpalit rin bago kami pumunta dito sa ospital. Alangan naman naka Jasmine costume parin tong babaitang toh. Bibisitahin po natin si Neon, hindi pupuntang kid's party.

"Sa tingin mo ba papatayin talaga tayo ni Gwen?" tanong ni Kisha biglaan.

"Ewan ko rin eh pero baka ganon na nga dahil sabi ni Tyco muntik na ako ni Gwen patayin" simpleng sabi ko at patuloy sa paglalaro.

─────
Neon's POV
─────

"Kisha wag... wag mo gawin please..."

"Salamat Neon... paalam" pumutok ang baril at bumagsak siya sa sahig, naliligo sa sarili niyang dugo... wala akong nagawa... napaluhod nalang ako dahil sa nasaksihan ko...

"Kisha" Nagising ako at nakita ang malinis at puting pader ng hospital. Nakita ko si Elixir na kanina pa nakatutok ang mata sa phone sabay nakangiti.

Panaginip lang yun. Buhay pa yung babaeng yun. Buhay pa. Kinginamo Neon bakit ba napaginipan mo pa siya?

"Elixir?" tawag ko kaya napatingin ito sakin

"Wow naman. 'Ang masamang damo ay hindi agad namamatay'" pang aasar ni Elixir at naglakad papalapit sakin. Lagot to sakin. Sasakalin ko toh mag intay lang siya. May gana pa mang asar ha.

"Anong nangyari?" tanong ko dahil wala akong maalala. Sasakit lang ulo ko kung pipilitin ko.

"Ahhh, nagcrash yung kotse mo. Walang nakakaalam kung anong nangyari kasi biglaan nalang daw, mabuti at nasa tamang bilis lang daw ang pagpapatakbo" ani ni Elixir at pinakita sakin ang video ng kotse ko na sira at nakita ko kung paano ako inilabas sa kotse habang walang malay. Bigla kong naalala ang mga nakita ko.

Yung babae, multo na sinasabi ni Cassidy at Kisha, someone was controlling me.

"Cassidy explained na hindi ka rin daw nakinig sakanya" ani ni Elixir. Napapikit nalang ako ng mariin. Malay ko bang totoo yung babaeng yun basta hindi ako naniniwala sa multo... dati.

"Look... I'm sorry..." sabi ko at tiningnan siya na umirap lang

"Dapat lang.." malamig na sabi ni Elixir

"Lahat kami nag alala kahit kapatid mo nag alala rin" sabi ni Elixir kaya yumuko at napatango nalang ako.

Yun si Scarlet, kahit nga nagrarambulan kami here and there nag aalala parin siya sakin.

"Anyway makinig ka na, ilaw ha? Wag na matigas ulo pre.. baka susunod iba naman mangyari sayo. Sana wag naman po. Wala na kaming pambayad sa hospital bills mo" sabi ni Elixir na kala mo naman siya yung nagbayad....... SANDALI NGA

Atsaka anong ilaw pinagsasabi neto– ay. sabi ko nga. Ilaw kasi Neon pangalan ko HAHA funny mo naman Elixir. Eh kung sapakin kaya kita?

"Ikaw nagbayad?!" pasigaw na tanong ko kaya nagulat siya.

"Eto naman hindi mabiro. Hindi kami ganon kayaman" sabi ni Elixir na tumawa kaya napangiwi nalang ako. Tangina neto.. mukha ba akong nakikipaglokohan tarantado ka.

"Pero nasan na nga pala sila?" pagtatakang tanong ko

"Umuwi na sila. Si Kisha naman nakauwi narin ng maayos kanina lang" sabi ni Elixir

"Wala akong tinanong about kay Kisha" Malamig kong pagkakasabi

"At wala rin akong pake kung wala kang tinatanong about sa babaeng yun. Halata naman na gusto mong malaman kung okay lang siya" Aba loko to ah.

"Happy ka na niyan?" sabi ko at umirap kaso binara ulit ako

"May sinabi ba ako?" tanong ni Elixir at inayos ang unan sa sofa tsaka humiga. So he's staying here tonight huh?

"Di ka sana makatulog" iritang sabi ko at nagtakip ng kumot. Naramdaman kong sumakit ng unti ang aking katawan.

"Elixir bakit hindi mo pinatay yung ilaw?" tanong ko pero hindi ako pinansin

"Elixir?" pagtawag ko muli sa pangalan niya kaya napilitan siyang magsalita ulet

"Tulog na" simpleng sabi nito habang nakapikit ang mata. May tulog bang nagsasalita? ay oo nga pala si Scarlet ganon, sabay minsan naglalakad pa.

"Bakit nga kasi bukas yung ilaw? Makakatulog ka ba non?" tanong ko

"Magtitiis tayong nakabukas ang ilaw pre.. deal with it. Bukas mo malalaman kung bakit. Kung gusto mo naman makita si Gwen ngayong gabi edi papatayin ko yung ilaw tas uuwi na ako sa bahay ni Tyco" paliwanag ni Elixir habang nakapikit.

Gwen?

TO BE CONTINUED
─𔘓⁩────

💌 ○●○

A/N: NUXXX may natapos rin akong chapter. Module ko when matatapos dejok. So baka hindi na ako madalas mag proofreading kaya sorry for the grammatical errors and spelling mistakes. Stay safe!

🖋 : [09. 23. 21]

LULLABY Where stories live. Discover now