Hindi napigilan ni Ash ang pagtulo ng kanyang luha pagka tapos nyang makita si Jungmo kanina sa labas, Birthday nya ngayong araw siguro ay masaya na sya na nakita nya ulit si Jungmo ngayong kaarawan nya."Mommy bakit po hindi kayo yung kumuha saakin doon sa poging guy kanina?" tanong ni Alice habang nakahiga ito sa kama at sya naman ay nakadungaw sa bintana.
"Hmm baka hindi ka kasi saakin sumama, alam ko namang sobrang kulit mo, kung saan saan ka ba pumupunta diba ang sabi ko doon kalang mag hintay kasi ibibili kita ng ice cream?"
"Sorry na po mommy kong maganda, Happy birthday po uli I love you" napangiti lang si Ash nilapitan ang kanyang apat na taong anak
"Thank you Alice, mahal ka din ng mommy" ngumiti lang din si Alice na sobrang kamukhang kamukha nya para silang pinakbiyak na buko skksks
"Pero mommy, nasaan po ba talaga yung daddy ko?" napatahimik uli si Ash at hinaplos ang mga buhok ni Alice
"Makikita at makikilala mo din sya sa tamang panahon, hindi pa sa ngayon" tumango tango lang itong si Alice at sumandal sa mga balikat nya
"Naiintindihan ko po" napangiti ng malawak si Ash
"Matulog kana ha? goodnight baby~" hinalikan ni Ash sa noo si Alice na nakahiga na
"Goodnight po mommy" tumango nalang si Ash pagtapos ay lumabas na din sya para hintayin ang kanyang kuya Ashton.
"Buti ay nauwi kayo dito sa Sokor" bungad sakanya ng kuya nya "Panahon na siguro para ipakilala ko na si Alice sakanya"
"Pero natatakot ako na baka hindi na kami tanggapin ni Jungmo" sabi nya't may takot sa tano "Matagal na kayong hinahanap at hinihintay ng asawa mo" biglang nagkaroon ng pagasa sa mga mata ni Ash ng marinig ang sinabi ng kanyang kuya Ashton.
"At syaka Ash, matagal na ring nawala sila mommy at daddy at bago sila nawala ay humingi na sila na kapatawaran saatin at syempre tinanggap ko naman sila uli pero makalipas lang ang ilang linggo ay namatay sila sa isang car accident" hindi nalang kumibo si Ash, nabigla sya sa sinabi ni Ashton.
Pero kahit papaano ay ang mga magulang nila ang gumawa ng way para magkakilala sila ni Jungmo.
"Pero kailan mo balak magpakita kay Jungmo?"
"Sa darating na fashion show this week, alam kong isa sya sa magiging judge at ako naman ay bibigyan ng award" ngumiti si Ashton "Oh I see,good luck Ash"
"thank you kuya, ikaw kamusta kana?"
"Hmmm heto may girlfriend na ako si Aimee-"
"Omg yung model? sya yung mag momodel sa ginawa kong design, ikaw ha maganda sya hihi" tinaas lang ni Ashton ang isa nyang kilay
"Syempre pogi ako"mayabang na sabi ni Ashton at nagtawanan lang silang magkapatid
"Anyways, may naging nobya na ba si Jungmo?"
"Ang sabi ko naman sayo na hinintay ka nya at ayaw nyang mambabae o ano basta ganun, kasi mahal pa ng tao" mamula si Ash sa sinabi ni Ashton
"Eh sya mahal mo pa ba?"
Bigla syang natigilan, mahal nya pa kaya si Jungmo?
"Oo naman kuya, walang araw na hindi ko sya inisip sa loob ng limang taon na buhay ko doon sa Switzerland, ang hirap din ng desisyon ko kuya"
"Bakit kaba kasi umalis aish"
"Siguro mahal ko lang talaga si Jungmo kaya ko ginawa yun, ayoko sya mapahamak pang uli natatakot ako" napasinghal si Ashton at hinawakan ang kamay ni Ash "wala ka ng dapat ikatakot ngayon, tapos na ang lahat Ash" ngumiti si Ash at tumango
YOU ARE READING
ONLY MINE💫Koo Jungmo.
Romance"I love you! Mahal kita! Saranghae! Te amo! Akucinta kamu! Woaini! Ashteru mahirap bang intindihin iyun?" In which Ash, She is a brat and attention seeker pero bakit nang dumating sa buhay nya si Jungmo ay nagiba sya, parang lahat ba ay pinaghihirap...